Sa hiya, kumaripas ako ng takbo, rinig ang malakas na tawa ng amo ko. Talagang pinagtawanan pa niya ako. Napakasalbahe talaga.
Dumiretso ako ng kusina para hanapin si Aling Lolita at no'ng makita ko itong naglilinis sa banyo ay pinasok ko.
"Aling Lolita!"
"Ay anak ka ng nanay mo!" gulat na bulalas nito at naisaboy sa akin ang tubig na nasa tabo. "Naku! Mari! Pasensya ka na! Ginulat mo naman kasi ako!"
Napahilamos ako ng mukha nang makabawi sa pagkakagulat. "Ayos lang po, nay. Ano po kasi, may tagos po ba ako?"
Lumukot ang noo niya. "Patingin nga."
Tumalikod ako para makita niya pero nakita kong umiling siya bago tumingin sa akin.
"Wala naman, hija. Sino bang may sabi na may tagos ka—si Sir K? Naku, mukhang napagtrip-an ka."
Napamaang ang bibig ko. "Wala po talaga? Totoo po? Pero ang seryoso ng pagkakasabi niya kanina," kuno't noo'ng sabi ko.
"Kung ayaw mong maniwala, hubarin mo 'yang suot mo o 'di kaya tingnan mo roon sa malaking salamin sa sala."
Dito na ako naniwala at nagpakawala na lamang ng malakas na buntong hininga. Pinagtrip-an talaga ako ng amo kong 'yon. Napakasama talaga.
"Naniniwala ka na? O siya at maligo ka na sa kwarto mo at magpalit, at baka magkasakit ka pa. Pasensya na talaga ha? Sa susunod, kumatok ka. Hindi 'yong papasok ka na lang bigla. Eh alam mong kapag matanda na, magugulatin."
"Sorry po. Nataranta po kasi ako. Pinagtawanan ako ni Sir eh. Nakakahiya po."
"Gano'n talaga 'yon minsan. Hayaan mo na. Dala mo pa talaga ang tray at mukhang naubos niya. Eh tatlong tuka lang 'yon kung sumubo. Mukhang magkakasundo kayo. Tiisin mo na lang."
Napakamot na lang ako ng buhok. Kung alam lang niya ang ginawa ni Sir K, baka masapák niya ng wala sa oras.
Hindi na lang ako nagsalita at nagpaalam na babalik na ako sa kwarto para maligo.
"Iwan mo na lang dyan 'yong tray, 'nak. Ako na ang maghuhugas at mag-aayos sa lalagyan niyan. Maligo ka na." Pahabol ni Nay Lolita pero huli na dahil nahugasan ko na. Hindi ko nga lang alam kung saan ilalagay.
"Sige po, 'nay!" Iniwan ko na lang 'yon sa tabi ng lababo at naglakad palabas ng kusina.
Nang makalabas, tumigil muna ako sandali nang makita ko ang sarili sa isa pang malaking salamin at napagtantong bakat na bakat ang utông ko. Wala pala akong bra!
Wala namang tao kaya okay lang. Hindi naman siguro papasok si Sir, eh mukhang gustong-gusto ang preskong hangin sa labas.
Inikot-ikot ko ang sarili sa salamin at napagtantong wala talaga akong tagos. Kinukupal lang ako ng amo ko.
"Enjoying your reflection in the mirror?"
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. "S-Sir? Kanina pa po kayo dyan?"
"Yeah and you look stupid. Alam mo ba 'yon?"
"Po? You're stupid, Sir?"
Bahagyang nanlalaki ang mga mata niya. "Anong sabi mo?!"
"Ah, eh, sabi niyo po kasi." Napakamot ako ng buhok at napansing parang natigilan siya. "S-Sir?"
"If you're done examining yourself, tulungan mo 'kong ayusin ang fountain sa labas." Nasapo niya ang noo bago tumalikod. "Bilisan mo!"
"Ah, opo Sir!"
Dali-dali akong sumunod sa kanya. Mamaya na lang siguro ako maliligo saka matutuyo rin naman itong damit ko kaya hindi na babakât ang nîpples ko. Wala rin namang interes sa akin si Sir.
"Marunong ka bang umakyat?" biglang tanong niya na siyang ipinagtaka ko.
"Opo, Sir. Pero depende po sa taas." Sagot ko sa kanya.
"Good. Akyatin mo 'yong fountain para bumuga 'yong tubig sa taas."
"Ah, lilinisin ko po? Walang problema, Sir."
"Pag nahulog ka, hindi kita sasaluhin."
"Sige lang, Sir, sanay naman akong mahulog at masaktan. Wag lang mabagok ang ulo ko at magkandalaso-laso ang buto. Gusto ko pang mabuhay ng matagal."
"Tch. Kinokonsensya mo ba ako?"
"Hindi naman po, Sir. Wala naman yata kayo no'n."
Napatigil siya at napatingin sa akin ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin.
"Matabil talaga 'yang dila mo 'no?"
"Sakto lang po, Sir."
Bumabawi lang ako sa ginawa niya. Para akong hinabol ng asong ulol kakatakbo kanina kasi nakakahiya na makita niyang may tagos ako tapos hindi naman pala totoo.
"Hindi ka ba natatakot na baka tanggalin kita sa trabaho?"
"Eh 'di sana kanina niyo pa po ginawa," kampanteng sagot ko rito pero sa loob-loob ko, takot na takot na baka totohanin niyang sibakin talaga ako sa trabaho. Ako 'yong kawawa. "Mabait naman po kayo, Sir. Salbahe lang minsan."
"Mari..."
"Joke lang po," sabay peace sign ko at hilaw itong nginitian. "Akyatin ko na po ha?" turo ko sa fountain na maliit ang buga ng tubig.
"May suot ka naman sigurong panty?"
"Po?!" Sa gulat, muntik pa akong mahulog. Ba't bigla-bigla siyang nagtatanong ng gano'n? "Meron naman po!"
"Mabuti naman. Sunod, magsuot ka ng bra. Hindi 'yong pagala-gala ka tapos bakat 'yang..."
Napalunok ako. Napansin pala niya. Nakakahiya!
"Pasensya na po, Sir." Mahinang sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pag-akyat kahit kinakain na ako ng hiya.
Nang nasa tuktok na ako ng fountain, tinanggal ko isa-isa ang dahon na nakatakip sa butas ng bugahan ng tubig.
Natikom ko ang bibig at napapikit nang bilang bumulwak ang malakas na tubig kaya tuluyan na akong nabasa. Dapat pala dito na lang ako naligo.
Napatingin ako sa baba nang marinig ko si Sir na tumatawa ng malakas. Mukhang aliw na aliw na naman siya sa akin.
"Para kang basang unggoy," at nanlait pa. "Eh 'di yong mga unggoy, takot mabasa."
Palihim na lang akong napairap at nagsimulang bumaba.
"Huwag ka mo nang bumaba. Make sure to clean it thoroughly." Utos niya.
"Opo, Sir." Sabi ko at kahit tapos ko ng linisin, inulit ko na lang.
"Balak mo bang tumira dyan?"
"Pwede naman, Sir." Pamimilosopo ko sa kanya.
"Get down." Mariin niyang sabi kaya ano pa nga ba, bumaba na ako ngunit no'ng malapit na ako sa baba, dumulas ang kamay ko sa hawakan.
"Sir!" sigaw ko at napaawang ang bibig.
"Shiit!" malutong na murá niya.
Napapikit ako, handa nang lumagapak ngunit naramdam kong iba ang kinabagsakan ko.
Dahan-dahan kong dinilat ang kaliwang mata at nasilaw sa k-kagwapuhan ng taong nasa harapan ko ngayon.
"S-Sir?" Napakurap ako ng ilang beses.
Siya na ba talaga 'to? Ito na ba 'yong pinakatatago niyang mukha sa likod ng maskara niya? Pero bakit? May pinagtataguan ba siya?
"I-Iyong mask niyo Sir..." windang na usal ko, silaw na silaw sa napakaganda niyang mukha.
"Fvck!"
Napaigik ako sa sakit at napahawak sa aking pwèt nang bigla niya akong ibagsak mula sa pagkakasalo.
Kung hindi ko lang siya amo, baka kanina ko pa siya na-sample-an. Nagtitiis lang talaga ako dahil 'yon ang sabi ni Aling Lolita.
"Sir..." habol kong tawag sa kanya nang iwan niya ako, nagmamadali na para bang napakalaking kasalanan na makita ang mukha niya.
Ano bang meron at parang takot na takot siya?