Halos marinig ko ang sariling hininga sa sobrang bigat ng tensyon habang nakatitig kay Yumi. Oo bumalik siya at mukhang may baon na sasabihin para maliitin ako. Hindi naman 'to babalik kung wala. Pero hinanda ko na ang sarili ko sa gagawin niya o sasabihin niya. Ramdam ko pa rin ang kirot sa pisngi ko mula sa sampal niya kanina, pero mas matindi ang kirot sa pride ko. Hindi ako magpapa-api ulit. Lalaban na ako. Tama na 'yong ginawa niya sa akin noon sa mansyon at dito. Hindi ako makakapayag na apak-apakan niya ang pagkatao ko... ulit. “Mari…” tawag ni Shaun, hawak pa rin ang braso ko. Pero hindi ko siya pinansin. "Alam niyo bang magnanakaw 'yan! Oo 'yang babaeng 'yan! Kasambahay na nga, nagawa pang magnakaw! Ganun talaga kapag mahihirap, magnanakaw na lang dahil sa inggit! Ang kapal di

