Mainit na hapon. Alas dos pa lang pero parang alas kwatro na kung makasunog ang araw sa balat. Nakaupo si Aling Lolita sa may veranda, ngayon lang ulit nakabalik mula sa ilang araw na pahinga dahil sa iniinda niyang rayuma. “Mari, anak, ipahinga mo muna katawan mo. Sabi ko kay Keaton, ako na lang muna—” “Okay lang po, Aling Lolita,” pilit kong ngiti habang patuloy sa paglalaba ng makakapal na kurtina sa malapad na batya. Pawis na pawis na ako pero hindi ko kayang tumigil. "Kaya ko pa po 'nay." Masakit pa ang ulo ko mula sa huling banggaan namin ni Yumi. Pero kanina lang, pagkalapag ni Aling Lolita ng gamit niya, lumapit agad si Sir Keaton. Bahagya akong napalunok nang dahan-dahan ko siyang tingalain. Ganun pa rin, malamig ang mga mata niya, tila pagod na... mahirap ipaliwanag. Hindi ko

