Maaga pa lang, ramdam na ang preparasyon sa loob ng mansyon. May exclusive interview ngayon si Sir K kaya naging abala na naman kami. Hindi naman ganun karami ang tao pero kailangan pa rin na maging handa lalo na sa pagkain. Mabuti na lang at si Aling Lolita ang nakatuka doon habang ako naman sa pag-assist dito sa sala. Si Khalil abalang nag-aayos ng mga dokumento sa sala habang ako naman, naglalagay ng mga baso ng tubig sa ibabaw ng coffee table. Ilang sandali pa, dumating na ang media team, tatlong tao, may dala-dalang camera, mic, at pa-ilaw. Nasa gilid lang ako, tahimik na nagmamasid. Lumabas mula sa second floor si Sir Keaton, suot ang wash-colored wask suit na mas bumagay pa lalo sa kanya dahil sa mask na itim, sakto sa pormahan niya. Hindi ko alam kung kailangan talaga ng mask p

