Naging maganda naman ang pagsasama namin ni Sir Keaton sa mga sumunod na araw pero madalas nasa loob siya ng kwarto. Naging tahimik ang bahay. Walang sigawan o ano. Pero hindi natuloy 'yong sinabi niyang date kaya malungkot ako ngayon. At eto, nakabusangot habang nanonood dito sa sala. Sabi ni Aling Lolita, bawal daw istorbohin ang amo ko dahil sumusulat siya ng kwento at maraming pepermahan na libro. Ngunit bahagya akong nagulat at napaayos ng upo nang bumaba si Keaton, ang isang kamay may hawak na libro, ang isa naman nakasuksok sa bulsa ng slacks niya, nagbabasa habang naglalakad. Dumaan lang siya sa harap ko na para bang hindi niya ako nakita. Umupo siya sa kabilang dulo ng sala, medyo malayo sakin. Binuklat ulit ang libro at nagbasa na parang wala lang. Nakakapanibago ang pananah

