Pasado alas nuwebe ng gabi, hindi pa rin ako mapakali sa kwarto. Paulit-ulit kong binabalikan sa isip ko ‘yung mga nangyari sa ilog. Lalo na ‘yung mga sinabi ni Sir Keaton. Hindi siya malambing na tao, pero ramdam kong sinubukan niya. Pero 'yung pag-amin niyang hindi niya alam paano magmahal, parang may kurot. Kasi ako? Nandoon na agad. Pero susubukan ko pa rin. Wala naman siguro masama kung sumubok? Pero hindi ko ipipilit. Bukod doon, palaisipan ko rin si Yumi. Hindi matanggal sa isip ko kung paano siya lumingkis kay Sir Keaton at hinahayaan lang 'yon ng amo ko na para bang sanay na. Napailing ako. Hindi ako makakatulog nito. "Ano kaya ang ginagawa nilang dalawa?" Ah! Ayoko na mag-isip! Aabutin ako ng umaga! Pinilit kong matulog pero inabot ako ng alas tres ng umaga bago makatulo

