XENOS' POV
✵✵✵
11:35 am na nang makarating ako sa room namin. By the way, I'm already a second year junior highschool student, also known as Grade 8 haha.
First year or Grade 7 naman sina Anna at Troy while Ate Abby was in her third year.
Kahit nasa iisang paaralan lang kami hindi kami nagpapansinan. Or much better to say na hindi nila ako pinapansin. Para san pa eh hindi nga nila ako pinapakilala na kapatid nila.
Katulad sa bahay namin, outcast din ako dito sa school namin. Boring daw kase akong tao. Tahimik at aloof. Introvert to be exact but eventhough I was like this, there's this one person whom I befriend of. Noong una ayaw ko sa kanya kase ang ingay niya sobra. Napaka friendly at ulit, ang ingay niya. Ayaw ko sa kanya pero siya itong nagpupumilit na maging kaibigan ako kase mabait daw ako at hindi plastik gaya ng iba. Sira talaga. By the way, she's Melody and she's on her way to me right now.
Nakangiti ito habang tumatakbo sa hallway. Kumaway pa ito sakin na tinanguan ko lang.
"Xenos!!!" sigaw nito kaya napatampal na lang ako sa noo. Si Melody talaga.
Agad naman akong napayuko dahil nakakuha na kami ng atensyon. Pano ba naman kahit ang daming tao dito sa hallway ngayon kung nakasigaw parang kami lang dalawa ang nandito.
Napadaing naman ako ng bigla ako nitong inakbayan pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.
"Ang buhok ko Melody wag mong guluhin" mahinang saad ko.
"Ano ka ba naman Xenos. Studyante ka ba or hindi? Natalbugan mo pa ang guest speaker sa sobrang aga mong pumasok" sarkastikong saad nito kaya tiningnan ko ito at ngumiti ng pilit.
"Sorry naglinis pa kase ako" mag roll-eyes naman ito pagkatapos ay nagsalita.
"Yeah... yeah.. whatever modern cinderella. Halika ka na nga dun sa room, nandun si mama. Ipapakilala kita. Teka, wala ka bang kasa-- oh sorry ito talagang bunganga ko ang ingay" napatawa na lang ako sa sinabi nito. Tinampal pa nito ang kanyang bunganga.
Alam niya kase yung sitwasyon ko. She knows that I'm not in good terms with my family. She knows the truth but not exactly the truth. Ganun. Kumbaga, I'm just feeding her something which could make her understands me. Kaya nga parati ako nitong pinipilit na sa kanila na lang daw ako tumira kase naaawa na siya sa sitwasyon ko.
Hinila na ako papunta sa room namin. Pagkarating namin dun ay agad akong ipinakilala sa mama niya na si Tita Merna na matagal na palang gusto akong makilala. After nun ay nilapitan ako ng guro namin at tinanong ako.
"Di ba kapatid mo sina Abby? Nakita ko kaseng kasama nito ang mama at papa niyo so pupunta rin ba sila dito ngayon? Kahit for atendance lang" agad akong umiling sa tanong ni ma'am.
"Pwede po bang hindi na lang sila pumunta dito ma'am. I mean---I mean, baka busy sila ngayon dun sa kambal. Tsaka mahihirapan po kase sila kase apat kaming nandito"
"Pero--" hindi natuloy ni ma'am ang kanyang sasabihin ng tinawag siya ng isang studyante.
"Excuse me ma'am Laverna, pinapabalik na po ang lahat sa gymnasium for the awardings" sabi nito.
"Ok pupunta na rin kami" sagot ni ma'am dito bago bumaling sakin.
"Sige I understand. Pero bat ngayon ka lang dumating Xenos. Di ka tuloy nakasali sa mga games kanina together with your family"
"Ok lang po ma'am. May--ahm... may dinaanan pa po kase ako kanina kaya na late po ako" pagsisinungaling ko.
"Oh siya maiwan na kita dito. Pumunta ka na rin sa gymnasium para makasama mo ang pamilya mo dun okay?" nakangiting saad ni ma'am Laverna kaya tumango na lang ako.
Haayst kung alam mo lang ma'am.
"Tara ma Xenos. Sama ka na samin ni mama" saad ni Melody sabay hila sakin patungong gymnasium.
Pagkarating namin dun ay agad kaming naghanap ng mauupuan. Nakahanap kami ng magandang pwesto medyo malapit sa stage. Then after a few minutes ay nagsimula na ulit ang program.
As the program went on, dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang awarding for the best family. Every foundation day may ganitong session talaga sa school namin. May mga palaro kung saan ang bawat pamilya nng maglaban-laban. Ngaykng year sinong pamilya kaya ang mananalo?
"Love is the foundation of all family. Without love, a family cannot build a strong and comfortable home. So in other words, Love is the center of us all. And for today's event. The winner for the best family of today was...... the Sedano family headed by Mr. Teddy And Mrs. Amara Sedano with their children. Please come on stage Sedano family" anunsyo ng mc kaya nakangiting umakyat ang aking pamilya.
"Uyy Xenos di ba pamilya ka rin nila. Pumunta ka na dun" saad ng isa sa mga kaklase ko na sinang-ayunan ng iba.
"Oo nga Xenos. Wag ka ng mahiya"
"Nako naman napakamahiyain mo talaga Xenos. No wonder hindi ka namin nakita kanina. Ang saya pala ng pamilya mo noh. Sanaol talaga"
"Sir nandito pa si Xenos. Wag niyong kalimutan!"
Napayuko na lang ako sa sinabi ng iba. Konti na lang tutulo na yung luha ko.
"Ano ba kayo. Ayaw nga nung tao pinipilit niyo. Nakakainis kayo. Kung kayo makakapal ang mukha na pumunta sa stage pwes si Xenos hindi" nang-gigigil na saad ni Melody sa kanila kaya agad ko itong inawat.
"No Melody it's ok." sabat ko naman.
Magsasalita pa sana ako ng marinig kpng nagsalita ang mc. Mukhang narinig nito ang usapan ng mga kaklase ko dito.
"Ay teka lang ma'am and sir. May isang anak pa po pala kayo na nakalimutan dun. Well iha halika ka dito. Sumali ka sa picture taking ng pamilya niyo. Bilis. It's one of a life time exeprience. Halik ka na dito iha bilis"
Kinakabahang tiningnan ko sina mama at Tito Ted na ngayon ay kapwa nawala ang ngiti sa labi.
"I think ayaw ni Xenos. Ok lang sir, let's proceed. Pwedeng kami na lang yung kunan niyo ng litrato--"
"I'm really sorry sir but this is a family foundation day. Para saan pa't tinawag itong ganun kung may naiiwang isa. Halika ka na dito iha, wag ka ng mahiya" saad naman nung mc.
Dahil sa panunulak nila ay napunta ako sa harap. Napalunok naman ako ng makita ko ang seryosong mukha ng pamilya ako.
Wala silang sinasabi na kahit ano pero sure akong sa utak ng mga ito ay pinapatay na nila ako.
Pinalapit ako ni sir Mc sa pamilya ko para magsimula na ang picture taking. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya.
"Okay smile fam. Haha ano ba yan para kayong pinagbagsakan ng langit at lupa" ani ng photographer kaya napatingin ako sa kanila na ngayo'y pilit na ngumingiti kaya ganun din ang ginawa ko.
Nang matapos nng nakakahiyang eksena sa stage ay bumaba na kami para bumalik sa bench. Pero nung pababa na kami dun ko na narinig ang mga masasakit nilang salita. Binulong lang nila iyon pero grabe yung sakit. Sapul na sapul sa puso ko.
"Sampid. Walang kwenta"
"Bastarda"
"Nakakahiya ka"
"Hindi naman parte ng pamilyang ito pero kung makaasta"
"nakakawala ng gana"
Sorry.... sorry... i'm really sorry.
Sorry dahil sinira ko ang napakasayang momento ng buhay niyo. Sorry kung isa akong malaking sampid, bastarda at walang kwenta. Sorry.... sorry po.
Yan ang mga katagang gusto kong sabihin sa kanila pero tila kahit kailan may hindi ko magawa. Wala akong sapat na lakas para sabihin iyon. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila matapos kong sirain ang imahe nila sa harap ng maraming tao kanina. Nakakahiya. Tama sila.... nakakahiya ako.
Matapos ang program sa school ay hindi muna ako umuwi sa amin. Alam kong pag umuwi ako dalawa lang ang maaabutan ko. Una ay panglalait nila or walang tao sa bahay dahil lalabas pa sila. Either lang talaga jan sa dalawa kaya hindi muna ako umuwi bagkus ay sumama muna ako kina Melody.
"Wow" mahinang saad ko ng makapasok kami sa condo nina Melody.
"Welcome to our humble abode" nakangiting saad ni Melody.
"Pasensya ka na iha ang kalat ng bahay namin. Eto kasing si Melody ang kalat" napatawa naman ako sa sinabin ni tita Mera.
"Uy nanay hindi kaya. Kayo naman po, sinisiraan niyo ako sa bestfriend ko" ani Melody kaya mas lalo akong napatawa.
Hinawakan ni Melody ang kamay ko at iginaya ako patungo sa kwarta niya.
"Eto yung kwarto ko. Ang ganda diba?" Napatango naman ako sa sinabi nito.
Amaze na amaze ako habang inililibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto ni Melody. Kulay pink ang kulay ng tema nito at halos puro hello kitty ang lahat ng design nito.
From the queen size bed to the different stuffs, all pink Hello Kitty.
"Haha hindi ka naman maayadong adik sa hello kitty noh?" Komento ko na ikinatawa niya.
"Hahaha hindi naman. Konti lang" sagot nito kaya napatawa ako.
Lumapit si Melody sa glass wall at ni-slide ito revealing her balcony kaya agad akong lumapit sa pwesto niya.
"Woah" saad ko ng makita ko kung gano kataas 'tong balcony niya. Namangha naman ako sa tanawing nakikita ko ngayon. City view will always be a nice catch.
"Ang ganda"
"Yup. Mas pero mas maganda dun sa rooftop. Gusto mong pumunta dun?" tanong nito kaya ngumiti ako nago tumango.
Magsasalita pa sana si Melody ng tinawag ito ng mama niya.
"Melody sweetie, paki tulungan naman ako dito oh please"
"Okay mom" sagot ni Melody.
"Tulungan na kita?" tanong ko kaya umiling ito.
"No, you stay here at magpahangin. You are our guest so no. Nakakahiya naman na patra-trabahuin kita diba?"
"No it's ok---"
"But it's not for me. Guest kita ngayon so feel at home lang Xenos ha. Wag kang mahiya. Maiwan muna kita" sabi nito at iniwan na ako.
Napabuntong hininga naman ako bago ibinalik ang atensyon sa tanawing nasa harap ko.
Para maiwasan ang pagkabored ay inilabas ko ang cellphone ko para irecord ang sarili ko. Haha ito kase yung ginagawa ko pag masaya ako. Kumbaga, hobby ko na ang pagf-film ng sarili ko lalo pa't nasa bagong lugar ako.
Hahaha pwede na ata akong maging vlogger.
"Not bad for a seveth floor." Mahinang saad ko bago tuminggala.
Ilang floors kaya meron ang condominium na 'to?
Ni-on ko na ang camera at ngumiti dito.
"Hi it's me Xenos! Andito ako ngayon sa condo unit nina Melody. Kasama ko pala sina Melody at Tita Merna. Wala si Tito Loyd dito dahil may trabaho ito at nandun sa States kaya kaming tatlo lang ang nandito. By the way, ang ganda ng view diba?. Kita niyo" sabi ko at nirecord ang nasa harap namin. Pati na rin yung view sa baba hindi ko pinalampas.
"Grabe ang taas. Pano pa kaya dun sa rooftop. Oh tama" ibinalik ko sa mukha ko ang view ng camera.
"Dun tayo sa rooftop. Dali!!" nakangiting saad ko dito at pinatay na ito.
Lumabas ako sa kwarto ni Melody at dumeretcho sa kusina upang makapag paalam.
"Tita, Melody, sa rooftop po muna ako" saad ko.
"Sure iha. Take your time. Ipapatawag na lang kita kay Melody pag natapos na kami dito." nakangiting saad ni tita kaya nginitian ko din ito.
"Sure kang kaya mong mag-isa. Gusto mo samahan na kita?" tanong ni Melody na walang pakundangan sa pag punas ng mga luha nito dahil s kakahiwa ng sibuyas.
Napatawa na lang ako.
"Yeah I'm fine. Ako kaya si Super girl. Charoot haha" ani ko.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng unit at dumeretcho sa sa elevator. Buti na lang walang tao. Nang makapasok ako sa elevator ay pinindot ko ang last floor which is ang 15th floor. Ahh ibigsabihin ika 16th floor yung rooftop. Grabe... ang taas talaga ng building na ito.
Pagkarating ko sa rooftop ay ang sariwang hangin agad ang sumalunong sakin na siyang ikinangiti ko.
This is a perfect place to cool my mind down.
Inilabas ko ang cellphone ko at magsimulang magrecord. Nang magsawa na ako kakarecord ay ibinulsa ko na ulit ito.
Lumapit ako sa edge ng rooftop at tumayo sa sementong nagsisilbing upuan ng edge nito. Malapit pa nga akong mahulog buti na lang nabalanse ko agad ang sarili ko.
"Grabe ang taas. Nakakapanindig balahibo" saad ko.
But I don't care. Really.
I spread my arms and close my eyes to feel the cold breeze of air that fills up my lungs. Ang gaan sa pakiramdam. Sana ganito na lang palagi. Yung walang ingay. Di tulad dun sa bahay.
Nang maibaba ko ang kamay ko ay tiningnan ko ang tanawing nasa harap ko.
I'm sorrounded by buildings. Below me were busy people who looks like ants in their size from this view. Ang ganda.. ang ganda dito.
Itataas ko na naman sana ang kamay ko ng may sumigaw.
"Hoy anong ginagawa mo jan! Magpapakamatay ka ba!" sigaw nito at bago ko pa makita ang kung sinong taena yung gumulat sakin ay sumubsob na ang mukha ko sa sementadong sahig ng rooftop.
Taena.....yung mukha ko!!!!!!!!
✈︎✍︎
A/N: Hope y'all like it! See you in the next update❤️