CHAPTER 1: FIRST CUT

1078 Words
WARNING!!⚠︎: This story contains violence, vulgar words, cruelty, emotional breakdown, depression, and other contents that might trigger the brain of some readers who have sensitivity of those. But if you don't have any problem with it, you can proceed. ~✵~ HER POV Sabi nila... when you feel depressed and lonely, cheer up and go to the mirror and say "Grabe! Ang cute ko talaga!" and boomsh! Finally you will overcome your sadness. Hahaha sino ba kaseng 'sila or nila' ang nagsabi niyan ng makausap ko siya. Ang sinungaling eh. Bat ako mas lalong nalulungkot dahil mas nakikita ko kung pano ako kapanget at kung pano ako ka digusto ng panginoon. Di ata ako mahal ni Lord dahil lahat na lang ng pasakit ibinigay niya sa akin. For what? To make me strong? I doubt that. "Xenos ano ba! Bat ang tagal mo jan?! Nagugutom na ako!" Rinig kong reklamo ni ate Abby sabay bagsak ng kung ano mang hawak niya sa mesa. "Putangina late na ako oh. Ano Anna, na contact mo na ba sina mama at papa? Arrgh bat ba kase ang aga nilang umalis" dagdag nito kaya mas lalo kong binilisan ang paglagay ng kakainin nila sa mangkok ng makapag almusal na sila. "Hindi pa nga ate. Ayaw sagutin. Kainis" sagot naman ni Ana. "Psh. Tinanong mo pa ate eh malamang sa labas na naman kakain sina mama at papa. Takot lang nilang lasunin sila ng bastardang si Xenos na yan eh" sabat naman ni Troy. "Whatever Troy. Yung mga assignment niyo tapos na ba? Baka hindi niyo na naman sinagutan ha. Lagot talaga kayo sakin" Ani ate. Napabuntong hininga naman ako bago pumunta sa lamesa upang ilagay ang almusal nila sa mesa. Uupo na sana ako upang makisalo sa kanila ng binigyan nila ako ng matatalim na tingin. "A--ano?" mahinang tanong ko. Ate Abby just rolled her eyes on me and said. "Nagtatanong ka pa? Sino bang may sabi sayo na kumain ka kasama kami ha. Umalis ka nga jan. Nakikita ko pa nga lang ang mukha mo nawawalan na ako ng gana. Umalis ka nga. Shoo!" malditang ani nito kaya yumuko na lang ako bago tumayo. Nang tiningnan ko sina Anna at Troy ay kapwa ito nakangisi sakin. Haayst. Bakit ba puro maldito at maldita ang nandirito sa pamamahay na ito? "Umalis ka na bilis. Dun ka sa walang kwenta mong kwarto kumain tutal wala ka namang kwenta" May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko ng sabihin iyon ni ate. "O--opo" mahinang saad ko at kinuha ang plato kong may laman na at dahan-dahang umalis sa kusina. Tahimik lamang akong naglalakad patungo sa kwarto ko at sa bawat hakbang ko ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Kahit anong punas ko dito tila wala itong planong tumugil. Nang makarating ako sa kwarto ay umupo ako sa kama at nagsimula ng kumain habang tahimik na umiiyak. Halos araw-araw na lang ganito ang eksena namin sa bahay kaya bakit ganun? Walang tigil parin itong luha ko kung makaagos? Naririnig ko mula dito ang tawanan ng tatlo mula sa kusina na siyang nagpabuntong hininga sakin. Isang buwan na ang lumipas mula ng malaman ko ang totoo sa buong pagkatao ko. Isa akong bastardang anak sa labas. Ako ang bunga ng panggagahasa ng totoo kong ama kay mama. At nalaman ko na totoo talaga ito ng mabasa ko ang sulat na itinago ni lola para sakin. Sa sulat na ito nalaman kong kasali si mama sa banda noong kapanahunan niya. Kasama niya yung tunay kong ama dito. Sabi ni lola, matagal ng may gusto ang ama kong si Xian kay mama ngunit hindi niya ito masuklian dahil may kasintahan na si mama at ito ay si pa---tito Ted. Nagbunga ang pagmamahalan nina mama at Tito Ted at ito ay si Ate Abby. Ngunit noong isang taong gulang na si ate, inimbitahan daw ni Xian si Mama sa isang gig. Magp-perform daw sila sa kasal nung kapatid ni Xian. Kahit former member na si mama dito hindi niya daw mahihindian si Xian dahil naging matalik niya itong kaibigan kaya sumang-ayon siya. Ayaw pa daw sana ni tito Ted sumang-ayon kaso pinilit ito ni mama. Ito na daw kase ang huling performance niya. At sa kasamaang palad nangyari daw ito. Ni------nirape daw ni Xian si Mama at ako ang bunga. Galit na galit sila pati na si Lola Astra sa ginawa ni Xian. Sinampahan nila ng kasong panggagahasa si Xian at nakulong ito. Pero nung nasa kulungan ito ay nagpakamatay daw ito at may iniwang sulat na nagsasabing humihingi siya ng tawad sa ginawa niya kay mama. Na kahit kailan may hindi niya mapapatawad ang ginawa niya kay mama. Na nababagay lang mangyari sa kanya ang lahat ng ito. Na kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya. Nadala lang daw siya sa sobrang selos at pagmamahal kaya nagawa niya ang lahat ng ito. Ngunit kahit ganun, hindi parin nila mapapatawad si Xian. Mas tumindi ang galit nila dito ng malaman nilang nagbunga ang ginawa nito at ako nga iyon. Ipapalaglag pa sana ako ni mama noon kaso hindi sumang-ayon si Lola. Na wala daw akong kasalanan. Kung sana.... kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ngayon, sana... sana hindi na lang iyon ginawa ni lola. Sana pinalaglag na lang ako. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw ni papa sakin mula pa noon. At si mama naman... ni hawakan ako ay ayaw niya. Kahit nasa iisang bubong lang kami, halos si Lola parin ang nagpalaki sakin. Tapos.... tapos sa bahay na ito... ako lang pala ang walang alam. Sina ate Abby, Anna at Troy. Mula pa noon alam na nila ang totoo dahil pasikreto silang sinasabihan nina mama at papa. Ang sakit.... ako yung nagmumukhang tanga sa bahay na ito. Kaya pala noon pag may lakad ang lahat ayaw nila akong isama... yun pala may napakalalim itong dahilan. Tangina ang sakit lang. Kahit noon pa pala hindi na ako naging parte ng pamilyang ito. "Lola.... bumalik ka na please. Kailangan na kailangan po kita" mahinang saad ko sa litrato ni Lola. Ni hindi ko na maaninag ng maayos ang larawan nito sa mga luhang tumatabon sa mata ko. "Lola..... sasamahan kita. Su--susunod na po ako" umiiyak na saad ko habang hawak ang kutsilyo at ipinuwesto ito sa pulsuhan ko. And with that I got my first cut on my wrist. Sayang nga lang dahil hindi ito kumitil sa buhay ko. Sayang.... sayang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD