Chapter Two

1980 Words
Serena De Luca's POV Kinabukasan, nagising na lang ako na parang hinampas ng martilyo ang leeg ko. A stinging feeling na para bang may kung anong nakadiin roon. Hindi pa dun natapos ang kalbaryo ko, ramdam ko rin ang pagtibok ng ugat ko sa aking sintido. Side effect ‘yan ng matinding pag-inom ko kagabi, pero seryoso, masisisi mo ba ako? Isipin mo nga, ikakasal ako sa isang tao na hindi ko mahal, pero wala akong magawa dahil sa pamilya namin, you marry for power and not love. Never for love. Ni wala akong ideya kung ano ang magiging buhay ko pagkatapos ng kasal. Parang isang blind date, pero panghabambuhay. Kaya naman nung naimbitahan ako sa isang underground party kagabi, sinulit ko na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magwalwal, basta uminom ako nang uminom hanggang sa mawala na sa sistema ko ang lahat ng stress na dala ng pamilya namin. That was the plan, at least. Pero ngayon, here I am, about to pay for my ignorance and carelessness. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, sinusubukang alalahanin kung nasaan ako at bakit ganito ang pakiramdam ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang hindi pamilyar na kisame. Sigurado akong hindi ko to kwarto dahil walang sinabi ang kisame na ito sa kisame ng nasa kwarto ko, kaya naman medyo napakunot ang noo ko. I wasn't that worried dahil baka nagising lang ako sa isang kwarto ng event place kagabi dahil sa sobrang kalasingan, pero nawindang ako ng bigla akong nakarinig ng boses ng isang lalaki. “Good morning, lady!” His voice sounded tough. Mayabang... sobrang yabang. Napadilat tuloy ako ng todo, at dun ko siya unang nakita. Nakatayo sya, ilang talampakan lang ang layo mula sa pinto. Ang kanyang ulo ay halos sumayad na sa balangkas ng pintuan. Magulo ang kaniyang buhok but in a manly and attractive way. May ngiti sya na parang may nalaman syang isang sikreto na tungkol sa akin. First time kong marinig ang kaniyang boses at first time ko ring makita ang kaniyang pagmumukha. I mean... I'm not complaining though. Ang gwapo nya kaya. Pero kahit na ganoon, nagulat pa rin ako sa kaniya na naging dahilan ng biglaan kong pag-upo mula sa pagkakahiga. Bad move. Dumulas sa katawan ko ang manipis na blanket na tumatakip sa maharlika kong katawan, at bumagsak ito sa hita ko. As soon as the cold breeze swept on my body, alam ko na agad... I'm not wearing anything. Walang kahit anong saplot sa katawan ko. Napasigaw ako ng malakas at agad kong tinakpan ng braso ko ang munti kong hinaharap kahit pa huli na ang lahat. Ganito talaga ako matulog kaya hindi ako nag-isip ng masama. I always stripped dahil mas komportable ako sa ganito. Ayun nga lang, first time yung magising ako na may lalaki na sa harapan ko, and that shocked me to the bone. "Who are you and what are you doing here?" rinig sa tono ko ang pinag halong inis at takot. Hindi nya inialis ang pagkakatitig nya sa akin, at may ganun pang nakakainis na ngisi sa mga labi niya. “Oh, come on, princess! Relax ka lang diyan. I’ve seen it all already—every angle, every detail, in and out. No need to act all shy now,” hindi ko alam kung seryoso ba sya sa sinasabi nya. Is he making fun of me? Tapos tumawa pa siya, isang mapang-asar na tawa bago niya ako iniwan sa loob ng kwarto. Parang gusto kong lamutakin ang bibig nya sa sobrang inis. Lumakad na sya palabas na parang wala lang ang nangyari. At ang mas nakakagalit? Iniwan niya pang bukas ang pinto, wide open. Ugh! Nakakainis! Nakakabwisit! Sino ba ‘yang lalaking ‘yan at bakit ang kapal ng mukha niya? Hinila ko agad ang blanket pabalik sa katawan ko, tinakpan ko hanggang leeg kahit na mainit at pawis na pawis na ako sa nerbiyos. Hinintay ko muna syang makalayo dahil naririnig ko pa ang mga yapak niya sa labas, kasabay ng mahinang pagtawa niya na parang natutuwa pa siya sa kahihiyang sinasapit ko ngayon. Seriously? Ugh!!!! Ganito ba talaga ang mga may itsurang lalaki? Mga nakakainis at mga walang respeto? Nilingon ko ang paligid ng kwarto. Grabe!!! Sa sahig ay may mga pinaghalo-halong basura at damit na naka-kalat. May salamin nga, basag naman. Tapos ano ba yung amoy na iyun??? Parang pinaghalong sigarilyo at alak? Dahil duon ay lalo pang lumala ang sakit ng ulo ko. Gosh!!! Ayoko ng maglasing ng ganito. Wala na akong maalala tapos napunta pa ako sa ganitong kalagayan. Bukod duon, hindi ako makapaniwala na pumasok ako sa ganito karuming kwarto. Ni hindi ko nga hinahayaang matapak ang paa ko sa sahig ng wala akong suot na tsinelas tapos ngayon ay natulog pa ako sa ganito karuming kama. Ugh! What's wrong with me? Napabuntong hininga ako at sa pagtapak ng paa ko sa sahig, agad nitong kinapa ang malamig na bato para hanapin ang suot kong heels kagabi pero wala. Ang tanging nakapa lang ng malambot kong mga paa ay mga basura na agad namang nagpatayo ng mga balahibo sa buo kong katawan. Napasilip ako sa ilalim ng kama, baka sakaling napailalim lang, pero wala talaga e. Kahit na hindi bukal sa kalooban ko, I have no choice but to step my feet down on this filthy floor. Kahit na masakit ang ulo ko, I managed to stand up, pero sa mismong pagbangon ko, nakaramdam ako ng kirot na bumalot sa p********e ko. Napasinghap ako, agad na napakapit sa gilid ng kama habang pilit inaalala ang nangyari. "What the—?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapa-mura. Gago yung lalaking yun ah! Pinagsamantalahan ang kalasingan ko!!!! Hindi ako sigurado dahil wala akong natatandaan! Ang tanging naaalala ko lang ay ang pagsasayaw at pag iinom ko, tapos... may lumapit na lalaki sa akin. Pero ayun na yun. Wala na! Hindi ko rin alam kung ano ang itsura nya dahil lahat kami ay naka maskara. Pero, dahil sya lang ang lalaking kasama ko ngayon, I'm so sure na sya yung lalaking kasama ko kagabi. What he said earlier make senses to me now. "Damn it!" Napakuyom ang kamao ko, at kahit pabulong lang, ramdam ang galit sa bawat salitang lumabas sa bibig ko. Mabilis akong bumangon, hindi alintana ang nagbabagang galit sa loob ko, pero sa pagmamadali ko, hindi ko na naisip na wala pala akong suot kundi isang kumot na bahagya pang nahulog mula sa katawan ko. Napamura ulit ako. Nasaan na ang damit ko?! Mabilis akong naghalughog sa kwarto, pilit na hinahanap ang suot ko kagabi, pero hindi ko iyun nahanap. Kahit yung bag ko, wala. Kahit phone ko, wala rin! Napatiim-bagang ako sa inis. "s**t! Nasan na ang gamit ko?!" Nagmamadali akong lumabas ng kwarto para habulin ang lalaking yun, pero sa mismong pagbukas ko ng pinto, lalo akong nabagabag ng makita ko ang kondisyon ng kabuuang bahay. Para akong napasok sa isang horror movie. Ang buong bahay o kung ano man itong lugar na kinalalagyan ko ay para bang isang abandunadong lugar. Ang sahig ay punong-puno ng alikabok, pinagpatong-patong na basura, at kung anu-anong gamit na nagkalat kung saan-saan. May mga sirang upuan, basag na bote, at isang amoy na hindi ko maipaliwanag kung nakakasuka o sadyang nakakasulasok lang. Para akong pinasok sa isang gusaling matagal nang iniwan at hindi na binalikan. Napalunok ako. Hindi dahil sa kaba sa kung sino ang nasa bahay na ‘to, kundi dahil sa takot na baka may biglang sumulpot na daga o ipis mula sa mga sulok. I hate those pests! Mas gugustuhin ko pang makaharap ang lalaking nagnakaw ng gamit ko kaysa sa may makitang ipis na lilipad bigla sa harapan ko. Pero dahil hindi ko na kayang manatili pa sa loob ng kwartong iyun, nilakasan ko na ang loob ko at nagpatuloy sa paglabas. "s**t…ano ba 'tong napasok kong lugar?" bulong ko habang dahan-dahang lumalakad. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mag-alala sa kinalalagyan ko ngayon. Sa sobrang gulo at dumi ng paligid, naisipan ko na lang na bumalik muna sa kwarto para makapagbihis at subukang hanapin ulit ang gamit ko, pero kahit anong halughog ko sa bawat sulok, wala talaga. Wala ang damit ko. Wala ang bag ko. Wala ring cellphone. "Okay, kalma lang, baka may naiwan akong ibang gamit dito…" Pero sa paulit-ulit kong pag-ikot sa kwarto, isang reyalisasyon ang bumangon sa isipan ko. Magnanakaw siguro yung lalaking yun! Sira-ulo siya kung iniisip niyang basta-basta na lang ako magpapaloko! Hindi nya alam kung sino ang binabangga niya. I'm a daughter of a well-known Mafia Boss kaya humanda sya kapag nakalabas ako dito. Sa sobrang inis, padabog kong sinarado ang pinto at siniguradong mahigpit ang pagkakatali ng kumot sa katawan ko na parang isang makeshift na dress. Wala na akong pakialam kung ganito lang ang suot ko, ang importante ay makalabas na ako sa bahay na ‘to at makahanap ng tulong. Lalo pang dumagdag sa inis ko nang mapagtanto ko na may harang ang mga bintana na plywood galing sa labas kaya hindi ko matanaw ang labas. Napahinga na lang ako ng malalim, sinubukan pigilan ang kaba, at marahang binuksan ang pinto palabas. Pero sa paglabas ko, mas lalo lang akong natulala. Halos matuyuan ako ng lalamunan sa nakikita ng mata ko. Walang tao. Walang kahit anong indikasyon ng buhay maliban sa mga punong nakapalibot sa akin. Napakaraming punong nakapaligid sa buong lugar. Halos hindi ko na makita ang dulo ng daan sa sobrang kapal ng mga halaman. Ang tanging naririnig ko lang ay ang kaluskos ng mga sanga, ang mahinang ihip ng hangin, at ang malalalim na huni ng mga ibon. At sa hindi kalayuan, may naririnig akong tunog ng alon. "f**k… nasaan ako?" Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib ko. Shit! What happened last night?! Sa kabila ng matinding pagkabog ng dibdib ko, pilit kong tinibayan ang loob ko at nagsimula ng maglakad, dahan-dahan pero desididong sundan ang tunog ng alon na para bang isa itong kompas na nagsisilbing gabay ko palabas sa nakakatakot na lugar na 'to. Nagbabakasakali akong sa paglabas ko sa kagubatang ito, may mga taong pwedeng makatulong sa akin. "Hello? May tao ba dito?" Asan na ba ang lalaking 'yun? Habang naglalakad ako palayo mula sa bahay, mas lalong lumalakas ang hampas ng alon, isang indikasyon na malapit ko ng makita ang pinanggagalingan ng tunog. Ang sinag ng araw ay paminsan-minsang dumadapo sa balat ko sa tuwing napapasilip ito sa pagitan ng malalagong puno. Nang malampasan ko ang mga puno, bumungad sa akin ang napakaganda at napakalinis na dagat. Ang mga puting puti at pinong pino na buhangin ay bumalot sa magkabila kong paa. Pero sa kabila ng ganda nito, hindi ko magawang humanga nang tuluyan. Lumingon ako pabalik, tinanaw ang lugar kung saan ako nanggaling. I could still see it. Medyo malayo na ako pero kita ko pa rin ito, isang lumang gusali na halos matakpan na ng mga punong tumubo sa paligid nito. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, may mali sa bahay na iyon. Para itong isang kulungan na muntikan na akong makulong. Napatingin ako sa paligid, pilit na hinahanap ang kahit anong palatandaan ng sibilisasyon. Pero wala. Wala ni isang tao rito. Walang ibang tao, walang bangka, walang resort, walang kahit anong patunay na may ibang nakatira sa islang ‘to. Napakalamig ng hangin, pero ang pawis ko ay unti-unting bumubutis sa noo at mga palad ko I am alone. Well… hindi pala. Kasama ko pa rin ang lalaking ‘yun. At hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o magalit dahil doon. Napakagat-labi ako, pinipilit labanan ang kaba na lumalamon sa isip ko. Sa ngayon, isa lang ang malinaw—I need to know where I'm at. At higit sa lahat, kailangan kong makaalis dito bago pa maging huli ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD