Chapter Three

1469 Words
Third Person's POV Pagkalabas ni Alejandro ng bahay, hindi na sya nagdalawang-isip na tumakbo papunta sa beach kung saan nakaparada ang pagmamay-ari nyang jetski. Sa sobrang pagmamadali, hindi na niya napansin ang putol na puno na humarang sa kanyang daan. Bago pa siya makapag-react, ang next scene? BOOM! Sumubsob siya sa putik, una ang pagmumukha. Hindi lang basta bagsak . . . plakda! Kung may cctv lang sa paligid, malamang ay trending na siya sa social media. "Tang ina naman..." bulong niya habang dahan-dahang bumabangon. Ramdam niya ang kapal ng putik sa mukha niya, na parang isang full coverage foundation, kaso . . . brown at amoy lupa. Ang puting polo nya ay tila nagmistulang kulay kayumanggi. Pero wala na syang magagawa pa rito kaya muli syang nagpatuloy sa pagtakbo at agad na sumakay sa Jetski. Hindi na rin sya nakapaglinis ng sarili dahil ayaw nyang maabutan pa sya ni Serena ruon. Ang inaasahan nya na lang na maglilinis ng katawan nya ay ang malalakas na alon na bumabangga sa jetski nya. Pero hindi ito naging sapat kaya naman ng makarating sya sa gitna ng karagatan kung saan nag-aantay ang kaniyang mga kaibigan na sina Rico, Dominic, Rafael, Gabriel, Stefano, at Enzo, sabay-sabay siyang tinitigan ng mga ito. "Alejandro... anong nangyari sa'yo?" tanong ni Rico na halos mapangiwi sa itsura niya. "Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa itsura mo eh," dugtong ni Enzo, pero halata namang pinipigilan niya lang ang Dumukot pa si Stefano ng shades at isinuot bago tumalikod at napapatawa ng patago, hindi na napigilan ang sarili na matawa. Huminga nang malalim si Alejandro, inangat ang mukha at kitang kita sa mukha ang pagkadismaya sa naging , at walang kaabog-abog na nagtanong, "Nung huling punta natin dito sa isla, nakita nyo ba yung bumagsak na puno na nakaharang sa daan?" Nagtinginan ang grupo, sabay-sabay na tumango. "Oo," sagot ni Dominic. "Bakit?" Napatingin si Alejandro sa malayo, saka seryosong sumagot, "Ako kasi, hindi." Sandali silang natahimik. At pagkatapos? HAGALPAKAN NG TAWA. Literal na nangingisay si Gabriel sa kakatawa, si Rafael naman ay halos mahulog sa jetski, at si Stefano? Nagpupunas ng luhang tumulo sa kaniyang pisngi sa sobrang kakatawa. Hindi na rin napigilan ni Alejandro ang matawa sa kamalasang dinulot nya pero saglit lang ay tumahimik din sya na tila ba naging seryoso. "Boss ako oh! Boss! B-O-S-S!" Inisa-isa pa niya ang letra habang tinuturo ang sarili. Napatahimik ang grupo na kung bibilangin ay mga limang segundo lang bago muli silang bumalik sa tawanan. Napailing na lang si Alejandro at sa pagtingin nya sa isla kung saan nya iniwanan si Serena, nakita nya ito na tila kinukuha ang atensyon nila. Napangisi na lang ang lalaki at tuluyan ng nag-ayang bumalik sa kabilang isla na pagmamay-ari rin nya at tuluyan ng iniwanan si Ang babae. Nauna na nyang pinaandar ang jetski nya at hinayaan nya na lang na sumunod sa kaniya ang mga kaibigan nya. Habang tinutunton nila ang isa pang isla na pagmamay-ari din ng mga Cruz, pasapyaw namang nililinis ni Alejandro ang kaniyang mukha sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon, at ng makarating na sila matapos ang dalawang oras na byahe, agad din silang bumaba sa kani-kanilang Jetski at duon ay nagsari-sarili na silang mundo. This island is where they stay most of their time. Dito sila pumupunta sa tuwing magkakaroon sila ng party o kung ano mang kasiyahan. A stress reliever. Sa dalampasigan ay may mga lounge chair na naka-ayos at sa bawat pagitan ng mga ito ay may nakatayong payong na may nakadikit na maliit na lamesa. Habang ang iba nilang kasamahan ay nagsari-sarili na sa kanilang mga ginagawa, si Rico naman ay hindi na naiwasan pang magtanong patungkol sa babaeng iniwan nila sa kabilang isla, "Pre!" seryosong tawag ni Rico sa kaniya na ikinalingon naman nito. "Yeah?" "Anong balak mo dun sa anak ni Mariano De Luca?" Tanong ni Rico, halatang may bahid ng kuryosidad sa kanyang boses. Gusto niyang malaman kung ano ang plano ng kanilang lider para makapaghanda sila sa susunod na hakbang. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba—may masama siyang kutob sa mga maaaring mangyari kung malalaman ng mga ito na hawak ng Cruz Cartel si Serena, ang tinaguriang 'the princess of De Luca Cartel. Alam niyang ang De Luca Cartel ay hindi basta-bastang kalaban. Ang dalawa ay bumuo ng isang matibay na pader na matagal nang nakaharang sa kanilang mga landas. Ang alitan ng dalawang grupo ay nagsimula pa noong panahon ng ama ni Alejandro—si Alexander Cruz, ang dating Don ng kanilang cartel. Noon, malalim ang tiwala nila sa isa't isa ni Mariano De Luca, ang Don ng De Luca Cartel. Pero isang insidenteng hindi kailanman nalimutan ang tuluyang sumira sa tiwalang iyon. Mula noon, ang kanilang pagkakaibigan ay naging isang matinding alitan—isang giyerang hindi pa natatapos hanggang ngayon. ▄︻デ══━*💥 Flashback Matagal nang magka-alyado sina Alexander Cruz at Mariano De Luca. Hindi lang sa negosyo kundi pati sa kanilang personal na buhay, naging matibay ang kanilang pagkakaibigan. Magkasama nilang pinalakas ang kani-kanilang cartel, at sa loob ng maraming taon, pinagtibay nila ang tiwala sa isa't isa. Noong ipinanganak ang kambal na anak ni Alexander na sina Alejandro at Alexandro, nagkaroon sila ng isang kasunduan. Napagkasunduan nilang sa hinaharap, isa sa mga anak ni Alexander ang ipapakasal sa magiging anak ni Mariano na babae. Isang desisyon na pareho nilang sinang-ayunan, hindi lang para sa kanilang pamilya kundi para mas lalong mapatatag ang alyansa ng kanilang mga cartel. Lumipas ang tatlong taon at dumating ang isang magandang balita—nagbubuntis ang asawa ni Mariano, at sa pagkakataong ito, isang babae ang magiging anak nila. Dahil dito, lalong naging pormal ang kasunduan. Mas sigurado na sila kung sino ang ipapakasal kanino. Agad na kumilos si Alexander upang gawing opisyal ang kasunduan at naghanda ng isang kontrata para dito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, tinanggihan ito ni Mariano. "Hindi na kailangan 'yan, ano ka ba?" natatawang sabi ni Mariano habang iniabot ang isang baso ng alak kay Alexander. "Ano pang saysay ng kontrata? May papel man o wala, sigurado nang ipapakasal natin ang isa sa mga anak mo sa magiging anak ko. Palalakasin natin lalo ang samahan ng ating mga cartel, hindi ba? Hindi natin kailangan ng papel para mapatunayan ang tiwala natin sa isa't-isa." Sa narinig na iyon, tumango na lang si Alexander. Marahil ay may punto naman si Mariano. Ang tagal na nilang magkaibigan at mas matibay pa sa bakal ang tiwala nila sa isa't isa. Hindi niya kailanman inisip na magagawa siyang traydorin ng taong itinuring niyang kapatid. Ngunit siyam na buwan ang lumipas, dumating ang panahong ipinanganak si Serena De Luca—ang nag-iisang anak ni Mariano. Ang akala ni Alexander, kasabay ng kanyang pagsilang ay ang pagsisimula rin ng kasunduang pinanghahawakan niya noon pa. Hindi niya inasahan na sa lahat ng pagkakataon, doon pa siya mabibigo. Wala siyang kaalam-alam na habang siya ay umaasa sa kanilang napag-usapan, may lihim palang kasunduan na ginawa si Mariano sa isa pang cartel—ang Hargrove Cartel, isang organisasyong mas malakas at mas makapangyarihan pa sa kanilang dalawa. Mas pinili ni Mariano na ipakasal ang anak niyang si Serena sa anak ni Bryce Hargrove, ang Don ng Hargrove Cartel. At doon, parang isang malakas na dagok sa mukha ang natanggap ni Alexander. "What the f*ck, Mariano?" Halos hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang lalaking itinuring niyang kapatid na ngayon ay tinatraydor sya. "Ano ka ba Alexander, ginagawa ko lang 'to para magkaroon tayo ng ka ally na lalong magpapalakas sa grupo natin." tumatawa pa ito na parang biro lang ang lahat, hindi iniisip ang kasakimang ginawa niya. At lalong hindi inisip ang apektong ginawa ng desisyon nya sa pagitan nilang magkaibigan. "Huwag kang mag-alala, yung susunod kong magiging anak na babae, ipapakasal na natin sa isa sa mga anak mo." dugtong pa nito habang iniaabot kay Alexander ang alak. Sa sobrang galit na nararamdaman ni Alexander, hinawi nya ng malakas ang kamay ni Mariano na naging dahilan ng paglipad ng baso na hawak nito. "You already betrayed me once. I trusted you, and you threw it all away. I won’t be a fool twice." halos umusok ang ilong ni Alexander sa galit na nararamdaman nya, pagkatapos ay tinalikuran na nya ito ng hindi na inaantay pa ang isasagot nito. Si Mariano naman ay ngumisi na para bang nang-aasar pa. "Power is power… and trust? That’s just a fool’s illusion." Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng tiwalang iningatan niya sa loob ng maraming taon. Nasira ang pagkakaibigan nila. Naputol ang alyansang pinagtibay ng dugo at sakripisyo. At ang mas masakit sa lahat? Pinagpalit siya ng taong pinagkatiwalaan niya nang buo—isang pagkakamali na hinding-hindi na niya uulitin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD