Alejandro Cruz's POV
Habang naglalakad ako papasok sa loob ng mansyon namin sa isla, narinig ko ang pamilyar na boses ni Rico na tumawag sa akin.
"Pre." Isang salita lang iyon, pero ramdam ko na agad ang bigat sa tono niya. May gusto siyang sabihin—isang bagay na sigurado akong may kinalaman kay Serena.
Huminto ako sandali at nilingon siya, kahit na kunwari’y hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. "Yeah?" sagot ko, hindi ako nagpakita ng emosyon.
Matagal ko nang kilala si Rico. Mula pagkabata, siya na ang parang pangatlong kakambal namin ni Alexandro. Mas malapit pa nga siya sa akin kaysa sa tunay kong kapatid, kaya kahit hindi pa niya sabihin nang direkta, alam ko na kung anong bumabagabag sa isip niya. At ngayong nandito kami, sa ganitong sitwasyon, hindi na ako nagulat sa susunod niyang tanong.
"Anong balak mo sa anak ni Mariano De Luca?" I knew it. Hindi nga ako nagkamali.
Hindi ko siya sinagot agad. Sa halip, tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng mansyon. Pakiramdam ko, wala naman akong kailangang ipaliwanag sa kanya.
Pero para matapos na ang usapan, bahagya akong nagkibit-balikat at sumagot, "Starve her to death." Diretso at walang paligoy-ligoy.
Alam kong hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig, pero wala na akong panahon para magpaliwanag pa. Sa totoo lang, hindi ko na rin kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kahit na sino. I am the Boss and I will use that power to get back at De Luca Cartel. Ngayon na mas malakas at mas malaki na kami kaysa sa Cartel nila, wala na akong balak pang atrasan ang labang naputol noon. They had started the fight, and now, I am here to finish it.
Serena De Luca is nothing but a pawn in this game. Isang pirasong piyesa na mapapakinabangan ko sa laban na matagal nang naghihintay ng pagtatapos. Wala akong balak gawing madali ang sitwasyon para sa kanya, lalo na at siya ang dahilan kung bakit nagkagulo ang lahat.
Mula sa mga narinig ko, siya mismo ang naging mitsa ng lahat ng kaguluhang ito. Ang anak ng traydor, ang prinsesang pinalaki sa kapangyarihan, at ngayon, ang alas na hawak ko sa kamay ko.
Kung inaakala ng ama niyang si Mariano De Luca na makakawala siya nang hindi nagbabayad sa ginawa niya, nagkakamali siya. At ano pa nga bang mas masakit na paraan para iparamdam iyon sa kanya? Iyon ay walang iba kundi gamitin ang taong pinakamahalaga sa kanya.
Ngayon, si Serena ang magiging sandata ko laban sa kanya. And I will make sure he feels the sting of betrayal.
▄︻デ══━*💥
Sa pagpasok ko sa loob ng mansyon, agad akong dumiretso sa kwarto ko. I have to shower really quick. Amoy delubyo pa rin ako hanggang ngayon dahil sa katangahang nangyari sa akin kanina. Sa pagpasok ko sa banyo, agad akong sinalubong ng malaking salamin, at doon ko lang napansin ang kabuuan kong itsura. Talagang katawa-tawa pala ako. Punong-puno ng putik ang damit ko pero may nangibabaw dito. May isang parte sa pang-itaas ko ang nangingibabaw ang kulay. May pagka-brown ito, at sa sobrang pagtataka ko, sinundot ko gamit ang hintuturo ko bago itinapat sa ilong ko.
"Put*ng*na! Tae!" Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang damit ko, pero nang dumampi ito sa mukha ko, halos masuka ako sa sobrang baho.
Nang tuluyan ko ng mahubad ang lahat ng damit sa katawan ko, agad ko itong itinapon sa basurahan at dali-dali kong binuksan ang shower para hugasan at sabunin ang buo kong katawan.
Kahit ilang beses kong kuskusin ang buo kong katawan, para bang hindi nawawala ang amoy at pandidiri ko sa tae na iyun."Ano bang klaseng tae yun? Ang tindi ng kapit sa ilong."
And finally, after what felt like forever, natapos din ako sa paliligo. Sa paglabas ko ng banyo, napansin kong tunog ng tunog ang ghost device kung saan ko inilagay ang Sim Card ni Serena. Instead of going straight to my walk-in closet, curiosity led me to my bed.
Dahan-dahan kong kinuha ang ghost device at pinanuod ang paulit-ulit na pagtawag ng ama, ina, at pati na rin si Bryce. Napangisi na lang ako bago ko muling ilapag ang phone like device sa aking kama.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa walk-in cabinet ko at namili na ng susuotin papuntang simbahan kung saan sana ikakasal si Serena. I want to witness the beginning of their misery!
Sa paglabas ko ng kwarto, agad kong kinuha ang phone ko na isinuksok ko sa aking bulsa at tinawagan si Stefano upang magpadala ng helicopter para masundo ako dito sa island. Sobrang layo kasi ng syudad sa islang ito at wala ring route ang kahit na anong pampublikong sasakyang pantubig sa lugar na ito.
▄︻デ══━*💥
Nang makarating na ang pinatawag kong helicopter, agad ko naman itong tinungo. Ang mga tauhan kong gwardya ay agad din akong sinundan kasunod ni Rico na nakagayak din kagaya ko.
"Sasama ka na naman?" pagbibiro ko sa kaniya kahit na expected ko naman na dahil simula nung bata kami, kami na talaga ang magkasama sa lahat.
"Syempre, kapag naman naiwan ako dito, mabo-bored lang ako." seryoso nyang sabi sa akin at ng sasagutin ko na sana sya para sabihing may mga makakasama naman sya dito kaya hindi sya mabo-bored, bigla akong may narinig na isa pang helicopter hindi kalayuan kaya napatingin ako.
Nagtataka ako dahil isa lang naman ang pinadala ko, pero nang mapalingon ako sa mansyon, nakita ko ang mga mokong na isa-isa ding lumalabas habang nakaporma na akala mo bang sila ang ikakasal. Napailing na lang talaga ako at natawa na rin.
Hindi ko na sila inantay pa at nauna na akong sumakay ng helicopter kasunod si Rico at ang mga bodyguard namin.
Habang lumilipad kami sa taas ng ulap, tahimik kong pinagmamasdan ang malawak na karagatang halos matabunan ng hamog. Sa baba, unti-unti ko ng natatanaw ang mga ilaw sa bayan.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang basagin ni Rico ang katahimikan.
"Pre, sigurado ka ba sa ginagawa mo?" tanong niya, bahagyang sumisigaw dahil sa ingay ng helicopter. "Ang laking gulo nito kapag nagkataon." I don't know why he's acting new at parang hindi pa namin nagagawa ang ganito.
Sa tagal ko ng ginagawa ito, sigurado ako na alam ko ang ginagawa ko. Malamang nag-aalala sya dahil ngayon lang kami lalaban sa isang Cartel na halos kasing lakas namin.
"Huwag kang mag-alala. Alam ko ang ginagawa ko. I'm a Don for a reason." hindi ko na tinignan pa ang reaksyon nya sa sinabi ko, bagkus ay nag pokus na lang ako sa pag-iisip sa mga posibilidad na mangyari sa pagdating namin sa syudad.
▄︻デ══━*💥
"Bakit sumama pa kayo? Dadaan lang naman ako sa lokasyon ng paggaganapan ng kasal tapos uuwi na rin ako." sabi ko sa kanila ng magkita-kita na kami sa parking lot ng building ko.
Napatingin naman sila sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko, "Anong klaseng tanong ba yan." habang napapakamot pa si Rico sa kaniyang ulo, "Kailangan naming sumama dahil gusto naming masigurado ang kaligtasan mo." dugtong pa nya na agad namang kinontra ng mga kaibigan namin,
"Ano?? Anong kaligtasan?" litong pagtatanong ni Rafael,
Napatingin naman ako kay Dominic nang lumapit siya, "Oo nga! Akala ko ba ay kakain lang tayo sa buffet restaurant?"
Nang maunawaan ko ang lahat, napangisi ako at unti-unting natawa habang dahan-dahang nililingon ang katabi kong si Rico. Napapakamot ito ng ulo, halata mong nabuking sa kalokohan nya. Kaya naman pala ang gaganda ng suot ng mga mokong na 'to. Napabuntong-hininga na lang ako habang sina Dominic ay napapakamot na rin sa ulo at si Enzo naman ay nagpapapadyak pa na parang bata. "Ano ba yan! Hindi pa naman ako kumain ng agahan."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na lang ako, pero hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at agad na sumakay sa sasakyan ko. Simple, hindi kapansin-pansin, at walang bahid ng kasusyalan, eksaktong klase ng kotse na hindi pag-iisipang pagdudahan ninuman. Ito ang lagi kong ginagamit kapag may misyon ako. Hindi masyadong bago, hindi rin masyadong luma, sapat lang para mag-blend in sa kalsada nang walang nakakapansin.
Kahit gustung-gusto ko ang mga sport cars ko, kahit sabik akong gamitin ang mga luxury vehicles na nakahilera sa garahe ko, alam kong hindi iyon praktikal sa ganitong sitwasyon. Kung gagamit ako ng kotse na masyadong mahal o kakaiba, agad akong mapapansin, at mas lalo lang akong mapapahamak.
I know better than to risk blowing up my persona. Isa sa mga unang bagay na natutunan ko sa mundong ito ay ang kahalagahan ng hindi pagiging halata. Hindi palaging dapat ipakita ang yaman at kapangyarihan, minsan ang pagiging simple ang pinakamalakas mong sandata.
Habang sinisimulan ni Sebastian ang pagpapatakbo ng sasakyan, tahimik lang akong nakaupo sa likod. Ang loob ng kotse ay malamig, tahimik maliban sa mahina at halos hindi marinig na ugong ng makina. Sa tabi ko ay si Rico na laging naka matyag.
Sa likuran namin, isang puting van ang nakaabang, sakay ang ilan sa mga personal kong gwardya. Lahat ay handang sumugod kung sakaling magkaroon ng kaguluhan.
Samantala, sa kabilang puting van, naman nakasakay ang mga mokong kong kaibigan na masyadong mabilis mapaniwala. Hay naku! Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na matawa nang mahina sa tuwing naaalala ko ang naging reaksyon nila kanina. Mga botyog talaga.
Tahimik silang nag-aantay, walang sinasayang na sandali, nakamasid sa galaw ng sasakyan na sinasakyan ko. Alam nila na sa oras na umandar ako, iikot na rin ang buong operasyon.
"Alejandro, hanggang ngayon hinihintay pa rin nila si Serena. Halos lahat, hindi na mapakali sa kani-kanilang kinatatayuan." isang mensahe ni Enzo sa akin mula sa earpiece na nakasuot sa bawat tainga namin. Kunwari pang hindi handa, pero na-hack na agad ang mga surveillance camera sa event place.
"Tara na, Sebastian." at wala ng patumpik-tumpik na pinaandar ni Sebastian ang sasakyan na agad din namang binuntutan ng dalawang van na nasa likod namin.