Third Person's POV
"Na-send mo na?" tanong ni Alejandro, nakapamaywang habang nakatayo sa tabi ng mesa kung saan nakatutok si Enzo sa laptop.
"Sending..." sagot ni Enzo, hindi man lang nag-angat ng tingin habang mabilis na tinatype ang huling security bypass. Ilang saglit pa, isang tunog mula sa laptop ang nagpatunay na natapos na ang trabaho. "Ayan! Message sent!" aniya, nag-crack pa ng mga buto sa daliri na parang may natapos siyang sobrang laking misyon.
Si Rico naman na nakasandal sa sofa at naglalaro ng poker cards nang mag-isa, ay napatingin. "Grabe, parang nakahack ka ng CIA, eh text lang naman pinadala mo."
Tumaas ang kilay ni Enzo. "Hoy, hindi basta-bastang text ‘yun, okay? Ginamit ko ang number ni Serena at siniguradong hindi ito matratrace. Saktong diskarte lang ‘to para hindi na maghanap si Mariano."
Tiningnan ni Alejandro ang laptop ni Enzo at binasa ang mensaheng pinadala. "Dad, I'm sorry! Don't worry about me, I'm okay. Huwag mo na rin po akong ipahanap dahil gusto ko po munang makapag-isa."
Isang simpleng mensahe, pero sapat para hindi sila habulin ng buong pwersa ng pamilya DeLuca.
Tumango si Alejandro, saka tumungo sa minibar na nasa loob ng silid. "Well, good. Now we wait."
Saglit na natahimik ang loob ng mansyon na agad namang napansin ni Stefano.
"Ano na, boys? Wala tayong gagawin habang naghihintay? Parang ang tahimik ah," sabi ni Stefano, naglilibot ng tingin sa grupo. "Ano ‘to, funeral?"
"Hoy gago, mukhang may inilibing tayong damdamin ah!" singit ni Gabriel, na sinadyang sulyapan si Alejandro.
Napatingin naman si Alejandro mula sa iniinom niyang whiskey, isang malalim na buntong-hininga lang ang isinagot niya. Hindi niya alam kung bakit siya ang palaging target ng mga bwisit na ‘to sa mga asaran.
Si Rico, na halatang kanina pa may balak manggulo, ay napatingin kay Alejandro. "Pre, seryoso lang, hindi mo ba naisip na sa dami ng babaeng pwede mong agawin, eh yung bride pa talaga?"
"Hindi niya lang inagaw, men," dagdag ni Dominic, humihikab pa. "Binura niya sa mapa yung kasal. Alam mo ‘yung literal na ‘wedding crasher’? Siya ‘yun. Dapat nga may award ‘to eh."
Nagkibit-balikat si Alejandro, walang balak patulan ang asaran. Pero si Stefano, na mukhang gigil sa kakatawa, ay umiling. "Grabe, boss. ‘Walang forever’ pala talaga ang motto mo, ano?"
Sinalinan ulit ni Alejandro ang baso niya ng whiskey bago nagpakawala ng mahinang tawa. "Tangina n’yo, wala kayong ibang magawa kundi mang-asar?"
"Hindi naman sa nang-aasar, boss," sagot ni Gabriel, kunwari pang seryoso. "Concerned lang kami. Baka naman may gusto kang ilabas diyan sa damdamin mo?"
"Oo nga," sabat ni Rico, sinasampal-sampal pa ang deck ng baraha niya sa mesa. "Lasingin na lang natin 'to, baka sakaling kumanta."
Hindi sumagot si Alejandro. Sinipat lang niya ang laman ng baso niya bago uminom ulit. Wala siyang oras para makipagkulitan sa mga ‘to, pero sa totoo lang, mas gugustuhin niya na ‘tong eksena na ganito kesa sa tahimik na bahay na puro tensyon lang ang mararamdaman.
Si Enzo naman, na mukhang hindi pa rin maka-get over sa effort na ginawa niya para sa pekeng text message ni Serena, ay naglakad papunta sa sofa at saka umupo sa tabi ni Rico. "So anong plano natin after nito?" tanong niya, hinihilot pa ang sariling batok.
"Ano pa ba? Syempre, magbabantay tayo. Tignan natin kung ano ang magiging reaksyon ni Mariano," sagot ni Dominic habang nag-iinat. "Pero habang naghihintay, wala naman sigurong masama kung mag-relax muna tayo, ‘di ba?"
"Agree ako diyan," sagot ni Stefano na agad pumunta sa minibar para kumuha ng beer. "Kaso parang ang boring. Dapat may gawin tayong makabuluhan."
"Anong makabuluhan? Gusto mo mag-charity work?" natatawang tanong ni Gabriel.
"Leche, hindi," sagot naman ni Stefano. "Masyado tayong seryoso nitong mga nakaraang linggo. Puro plano, puro diskarte. Walang excitement. Dapat may gawin tayong nakakagising ng dugo!"
Napatingin si Rico sa kaniya. "Putangina, huwag mong sabihing gusto mong lumabas at manggulo?"
Ngumiti si Stefano. "Bakit hindi?"
"Pre, mainit tayo ngayon," paalala ni Enzo. "Baka paglabas natin, may biglang sumalakay sa atin. Alam mong hindi tayo pwedeng magpabaya."
"Exactly. Kaya mas lalong exciting," sagot ni Stefano, nakangisi pa. "Puro tayo tago sa bahay na ‘to. Parang gusto kong suminghot ng fresh air."
"Sa rooftop ka suminghot ng hangin," deadpan na sagot ni Alejandro.
Bumuntong-hininga si Stefano, kunwari pang disappointed. "Tsk. Wala na talagang thrill ang buhay n’yo."
"Anong thrill pa ba hinahanap mo? Kakakidnap lang natin kay Serena, tapos gusto mo pa ng thrill?" tanong ni Dominic, pinipigilan ang mapailing. "Hanggat hindi pa natin na ko-convince si Mariano na talagang kusang lumayas ang anak nya, hindi muna dapat tayo magpakasigurado. We have to play it cool."
"Tama na nga ‘yan," singit ni Alejandro, nilapag ang baso niya sa mesa. "Kung gusto mong maghanap ng thrill, lumabas ka mag-isa mo. Pero siguraduhin mong hindi ka namin sasalubungin sa bangkay mo."
Natahimik si Stefano at hindi na siya kumontra. Alam niyang kapag si Alejandro na ang nagsalita, wala nang space para sa debate.
Naghari ang ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita si Gabriel. "Teka, speaking of Serena, Ano na nga bang nangyayari sa kaniya?" Lahat ay napatingin kay Alejandro at nag-aantay ng kasagutan.
Dalawampung oras na ang nakakaraan simula ng iwan nila si Serena na mag-isa sa isla.
Habang ang mga grupo ay nagkakasiyahan, si Serena naman ay tila hindi mapakali sa kasalukuyang kalagayan nya.
Hindi sya mapakali... ang mga paa nya ay nagpapabalik-balik sa magkabilang bahagi ng pangpang. "What the f4ck should I do now?" rinig sa boses ni Selena ang kaba at takot. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa kaniyang mga buhok. "Come on, Selena. Think! Think! Think!" hinahampas nya ang kaniyang ulo na para bang kapag ginawa nya iyun ay may biglang papasok na ideya sa kaniyang utak.
But then, it worked for her. Suddenly, an idea—an actually good idea had popped up in her head. Make her own raft. Napalingon sya sa mapunong bahagi ng isla at napangisi, "I'm a lady, I'm definitely smarter than them." agad syang tumakbo papasok ng gubat at nag hanap ng mahahabang kawayan na pwede nyang magamit sa pag gawa ng balsa. Madilim na at kahit nararamdaman ang takot na bumabalot sa katawan nya, nagpatuloy pa rin siya.
"Dilim lang 'yan, Serena. Kaligtasan mo ang nakasalalay dito." Mahinang bulong iyon ng dalaga sa sarili habang pilit na nilalabanan ang takot at ginaw na dumadapo sa kaniyang balat. Madilim sa paligid, wala ni isang sinag ng buwan ang tumatagos sa makapal na ulap.
Dahan-dahan siyang sumusulong sa gitna ng kagubatan, bawat hakbang ay may kaakibat na takot at pag-iingat. Mahirap. Sobrang hirap. Hindi niya alam kung may hayop bang nagmamasid sa kaniya sa dilim, o kung may bangin bang biglang lalamon sa kaniya kapag siya'y nagkamali ng apak. Pero kahit gano’n kahirap, may pinili nyang magpatuloy. Sa isip nya, sya langt ang pwedeng magligtas sa sarili nya. She was also counting on his dad but how? Paniguradong walang nakakaalam kung nasaan sya ngayon. No phone, meaning, no way of tracking her location. No location, meaning, no rescue.
Sa loob ng halos isang oras na paghahanap, nagawa niyang makapulot ng mahigit sampung mga tuwid at matitibay na kawayan. Isa-isa niya itong ipinatong sa isang sulok ng gubat, sa likod ng isang malaking puno, at tinabunan ng mga tuyong dahon upang hindi mahalata kung sakaling balikan sya ng mga taong nagdala sa kaniya roon.
Sa bawat pagyuko at pagtaas ng kaniyang katawan, ramdam nya ang pagsakit ng kaniyang balakang. Kahit na kailan ay hindi nya na experience ang ganitong kalagayan. Usually ay pinagsisilbihan sya sa knailang mansyon. Kaya naman ramdam na ramdam nya ang pananakit ng kaniyang katawan, pero tiniis niya. Hindi siya puwedeng sumuko. Hindi ngayon. Hindi sa lugar na ito.
Nang maramdaman na niyang sumisigaw na sa pagod ang kaniyang mga kalamnan, dahan-dahan siyang bumalik sa pangpang. Gusto sana niyang magpahinga sa bahay kung saan sya iniwan kanina, pero agad niya iyong isinantabi. Bukod sa sira-sira at sobrang dumi ng lugar, wala rin itong kahit anong ilaw. Sa ganitong oras, para bang mas pipiliin pa niyang makatulog sa ilalim ng makakapal na ulap sa langin kaysa sa loob ng bahay na ‘yon.
Naglakad siya pabalik sa pangpang kahit wala siyang dalang anomang ilaw. Pinapakiramdaman nya na lang ang bawat pag hakbang ng kaniyang dalawang paa.
Hanggang sa… "ARAY!!" Napahiyaw si Serena at halos matumba sa sakit ng biglang may matalim na bagay na bumaon sa talampakan niya. Mabilis siyang napaupo sa malamig at basang lupa. At kahit na hindi madilim, nalaman nyang nagdurugo ang kaniyang talampakan ng maramdaman nyang namasa ang pinanghawak nyang kamay roon.
"F4ck! F4ck! F4ck!" Paulit-ulit na lumabas sa bibig niya ang mga salitang ‘yon. Hindi na niya alintana kung marinig man siya ng kung sino o ng kung ano man. Wala na siyang pake. Ang sakit kasi, besh. As in, masakit.
Agad niyang kinapa ang paa niyang nasaktan. Basa ito, malamig, at may mainit-init na likido na dumadaloy palabas. Dugo.
Napalunok siya at pilit pinakakalma ang sarili habang hinahanap kung ano talaga ang tumusok sa kaniya. At nang mahawakan niya iyon... "Shit..." Isang makapal na basag na bote. May bahid ng dugo, at nakabaon pa nang malalim sa talampakan niya. Nanginginig ang mga daliri niya habang mahigpit na kumapit sa bubog. Napapikit siya, huminga ng malalim, at sa isang iglap—
"AAAHHHHH!!!"
Isang malakas na sigaw ang lumabas sa kaniyang bibig habang tuluyang hinugot ang bubog mula sa sugat. Halos mapasubsob siya sa lupa sa tindi ng sakit na dumaloy mula paa niya hanggang sa kalamnan.
"F4.ck... tangina talaga..."
Napapamura na siya, hindi na niya mapigilan. Nangingilid ang luha niya habang tinatapakan ang basang lupa gamit ang isa lang niyang paa. Pilit niyang pinipigil ang pag-iyak, pero mas pinili nya ang magpakatatag.
"Ang malas ko talaga... bakit ganito? Bakit ako?" bulong niya sa sarili, mahina pero puno ng pagod at frustration. Sandali siyang naupo, sabay hawak sa duguang paa. Tahimik ang paligid at tanging tunog ng mga hampas ng alon, mga ibon at nagsasayawang mga puno lamang ang maririnig.
Gusto ng umuwi ni Selena, pero paano? Wala ng nagawa pa ang dalaga kung hindi ang mahiga na lang sa malamig na buhangin at tumitig sa kalawakan habang ang mga luhang kanina pang naggigilid ay tuluyan ng kumawala sa kaniyang mga mata.