Mariano De Luca's POV
Nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Serena noong gabing iyon, tila nawala ang galit na kanina ko pa nararamdaman. Hindi ko maiwasang matawa ng mahina, hindi dahil sa na disappoint ako sa ginawa nya, kundi dahil natutuwa akong sinunod nya ang kagustuhan nya. She's her own person and I am proud of her for the decision she had make.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. I was calm, not wanting to cause a big scene kahit na alam ko sa sarili ko na malaking desisyon itong gagawin ko. Not that I have a choice.
"The wedding is cancelled."
Natahimik ang paligid. Lahat ay tila hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko. May mga nagsimulang magbulungan at ang iba naman ay umalis na lang ng walang sabi-sabi. I know they are disappointed pero mayroon din namang mga lumapit sa akin at tinapik ang likod ko na para bang sinisiguro nilang ayos lang ako.
Pero ang pinakamatinding reaksyon ay nanggaling kay Bryce. Ang mapang-asar na ekspresyon sa mukha niya kanina ay agad napalitan ng gulat at pagkadismaya. Parang hindi niya agad naintindihan ang sinabi ko, pero nang tuluyang lumubog sa isip niya ang mga salitang iyon, bumagsak ang kanyang kamay sa mesa, mahigpit na nakuyom ang kamao.
"What?" Kung nakakahiwa lang ang pagkakasabi nya niyon, malamang ay hati na ang katawan ko sa gitna. Pero hindi ako nagpadala sa takot ng kapangyarihan nya. I am not that. Not anymore, "You're joking, right?"
Tiningnan ko lang siya nang diretso, walang balak na bawiin ang sinabi ko. "Do I look like I'm joking?"
Napauwang ang panga nya, at saglit na hindi nakapagsalita. Ang iba pang naroon, kagaya ng mga negosyante, pamilya, pati ang mga tauhan nila ay nag-uusap-usap na, hindi alam kung paano tatanggapin ang balita.
Nag-aalala namang lumapit ang isa ko pang ka sosyo. "Mariano, sigurado ka ba sa ginagawa mo? Hindi ba dapat pag-usapan pa natin ‘to? You know what’s at stake."
Napangisi ako, hindi dahil sa tuwa kundi sa pag-unawa kung gaano talaga kalalim ang mundong ginagalawan namin. Lahat ng bagay sa buhay namin ay palaging may kapalit.
"I know exactly what’s at stake," diretso ko syang sinagot. "But I also know that forcing my daughter into a marriage she doesn’t want is the wrong move. If I push through with this, I might gain a strong ally, but I’ll lose something far more valuable."
Nagtagis ang bagang ni Bryce, halatang hindi matanggap ang nangyayari.
"So, that’s it? You’re just backing out? After everything?"
Nagtaas ako ng kilay. "Let’s just say, I’ve had a change of heart."
Napatayo siya, bumagsak ang upuan niya sa likuran. "Damn it, Mariano! This isn’t just about your daughter! This is about power! About securing the future of our empire!"
Dahan-dahan akong tumayo at tiningnan siya nang diretso. Hindi ako nasisindak sa galit niya. Kung tutuusin, mas gusto ko pang makita siyang ganito kaysa magkunwaring may pakialam sya sa mga pinaghirapan ko.
"My empire has survived worse things than a cancelled wedding," malamig kong tugon. "And if you think that putting my Serena into this mistake is the only way to secure power, then maybe you were never the right man for this alliance."
Hindi niya ako sinagot agad. Alam kong tinatantya niya kung ano ang dapat niyang gawin, kung magwawala ba siya rito mismo o tatanggapin ang katotohanang wala na syang magagawa pa.
Pagkalipas ng ilang segundo, tumawa siya nang mapait, umiling bago itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Fine," aniya. "But don't expect me to be so forgiving, Mariano."
Ngumiti ako nang bahagya, walang takot sa banta niya. "I never expected you to be."
Pagkatapos noon, tumalikod na siya at lumabas, marahas na isinarado ang pinto sa likuran niya. Sa sandaling iyon, alam kong may panibagong gulo na namang paparating. Pero hindi na ako nag-alala pa.
Mas mahalaga ang kapakanan ng anak ko kaysa sa isang alyansang nakatali sa isang kasunduang hindi kailanman magiging patas para sa kanya.
At kung may haharapin akong consequences, so be it.
Naglakad na ako palabas ng venue, hindi na nag-aksaya ng oras para makisali pa sa kaguluhan sa loob. Sa bawat hakbang ko, nararamdaman ko ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin, mga bulong ng pagtataka at pag-aalala mula sa mga bisita na hindi pa rin lubos na nauunawaan ang nangyayari.
Napansin kong si Bryan, ang lalaking dapat sanang magiging asawa ni Serena, ay tila wala pa ring alam sa sitwasyon. Nakatayo pa rin siya at nag-aantay, para lang syang batang nawawala.
Ito ba ang gusto kong makasama ng anak ko?
What a stupid, naïve, and spineless boy.
Napailing na lang ako. Hindi ko maintindihan kung paano siya pinili ng pamilya niya bilang tagapagmana. Wala siyang alam sa tunay na laro ng mundong ito. Isa lang syang batang lumaking asal-hari. Pero ngayong nakikita ko siya, parang isang bobo na hindi pa rin gets kung ano ang nangyayari, hindi ko maiwasang mairita.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas, ang mga tauhan ko ay nakasunod lang sa akin, alerto at walanng imik. Wala na akong dahilan para manatili pa rito.
Pero bago pa ako makalayo, narinig ko ang malakas at desperadong boses ni Bryan mula sa loob ng venue. "W-wait... Wait lang! Bakit kayo nag-aalisan?"
Napahinto ako sandali.
Diyos ko.
Tulad ng inaasahan, mangmang.
Napailing ulit ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Wala na akong panahon para sa isang lalaking hindi man lang alam kung paano basahin ang sitwasyon sa paligid nya.
▄︻デ══━*💥
Pagkauwi ko, agad kong binuksan ang natanggap kong mensahe mula kay Serena. "Dad, I'm sorry! Don't worry about me, I'm okay. Huwag mo na rin po akong ipahanap dahil gusto ko po munang makapag-isa."
Napabuntong-hininga ako, marahang inilapag ang phone sa ibabaw ng lamesa. Tumitig ako sa mensahe, binasa ito nang paulit-ulit, tila hinihintay na magbago ang mga salita. Pero alam kong hindi na magbabago ang katotohanan. Wala na siya rito.
Gusto ko sanang utusan ang mga tauhan ko na hanapin siya, gamitin ang lahat ng resources para malaman kung nasaan siya at siguraduhin na ligtas siya. Pero alam ko rin na kung may isang bagay na gusto ni Serena, iyon ay ang magkaroon ng sariling desisyon sa buhay niya—isang bagay na hindi ko kailanman naibigay sa kanya noon.
Pinikit ko ang mga mata ko at ramdam na ramdam ang pag bigat ng dibdib ko. Mahal ko ang anak ko, at kung iyon ang kagustuhan niya, susundin ko.
Hindi ko siya ipapahanap.
Hindi dahil wala akong pakialam, kundi dahil sa unang pagkakataon, gusto kong hayaan siyang pumili ng sarili niyang landas.
Bahala na kung tama o mali ang desisyon niya.
Pinisil ko ang sintido ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Mahirap. Napakahirap para sa isang tulad ko—isang taong sanay sa pagkontrol ng sitwasyon... na hayaan na lang ang lahat. Pero sa pagkakataong ito, wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang desisyon ni Serena.
Tumingin ako sa teleponong nakapatong sa mesa, binabasa muli ang mensaheng ipinadala niya. Paulit-ulit. Para bang may hinihintay akong kasunod... isang sagot, isang clue kung nasaan siya, isang kahit anong senyales na hindi siya ganap na nawala sa buhay ko. Pero wala. Isang mensahe lang. Isang maiksing linya.
Alam kong hindi ako dapat mag-alala. Alam kong si Serena ay hindi basta-basta magiging pabaya sa sarili niya. Pero paano ko ito mapapaniwalaan kung buong buhay niya, ako ang nagtakda ng bawat hakbang niya?
Bumuntong-hininga ako at tumayo mula sa kinauupuan ko. Mula sa malaking bintana ng opisina ko, natanaw ko ang malawak na lupain ng estate namin. Tahimik ang paligid. Mas tahimik kaysa sa nakasanayan ko.
Maya-maya pa, isang mahinang katok ang gumising sa katahimikan ng silid.
"Sir," isa sa mga tauhan ko ay nakatayo sa harapan ng pinto "Ano pong gusto niyong gawin?"
Napalunok ako. Alam kong hinihintay nilang mag-utos ako. Alam kong gusto nilang kumilos, maghanap, gumawa ng paraan para maibalik si Serena. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang sirain ang desisyon ng anak ko para lang mapanatag ako.
Tahimik akong lumapit sa lamesa at dinampot ang basong may lamang whiskey. Isang lunok, pero hindi nito binawasan ang bigat sa dibdib ko.
"Nothing," sagot ko sa mababang boses. "Huwag niyo siyang hanapin."
Saglit na nagpalit ng ekspresyon ang mga tauhan ko, halatang nagulat sa sinabi ko. Pero bilang isang taong matagal nang naglilingkod sa akin, alam nilang hindi na dapat silang magtanong pa.
"Kayo po ang bahala, boss."
Tumango siya at lumabas ng silid kasama ang iba ko pang tauhan at tahimik na isinara ang pinto. Naiwan akong mag-isa, kasama ang bigat ng mga desisyon ko.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata, sinusubukang kalmahin ang sarili ko. Pero sa likod ng isip ko, isang tanong ang patuloy na bumabagabag sa akin...
Ginawa ko ba ang tama? O hinayaan ko lang siyang mawala? Pero kahit ano pa man ang sagot, wala na akong magagawa pa kung hindi ay sundin ang pagpapasya ni Serena.