Tahimik lang sila naglalakad ni Dr. Luscio papunta sa ward kung nasaan ang pasyente niya. Hindi niya malaman kung mawiwirduhan ba siya sa doktor na ito. Nakangiti ito na para bang nanalo sa lotto. “Ang creepy mo, Dr. Luscio,” sabi niya. Napatigil naman sa paglalakad ang doktor at sumimangot. “Ito na nga lang ang pagkakataon na magkakausap tayo tapos ganyan ka pa,”sabi nito sa kanya. Napairap na lang siya. Para kasi itong bata. Hindi bagay sa edad nito. “I wonder if you do that face in front of your wife and children,” sabi niya. “Of course not. Hindi ko magagawa ito sa kanila. They will surely laugh at me,” sagot nito sa kanya. “Then I am not laughing. It creeps me out. Literally.” Nauna na siyang nagtalakad. Wala siyang panahon makipagbiruan sa matandang doktor na iyon. Besides,hind

