“Papaano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?” tanong ni Chad sa kanya. Hindi muna niya sinagot ang binata. Kinagatan niya ng malaki ang clubhouse sandwhich na binili niya kanina sa cafeteria. Damang-dama niya ang sarap ng dressing at linamnam ng gulay ng sandwhich. Pinigilan ni Chad na matawa habang pinanunuod siyang kumain. After niya kumain ay inisang tungga niya ang pineapple juice na binili din niya. “Ahh! Sarap!” sabi niya. Pinunasan niya ng table napkin ang kanyang bibig at tinitigan si Chad. “Ano nga ulit tanong mo?” sabi niya. Naiiling na lang ang binata sa kanya. “Sabi ko, paano mo nalaman ang tunay na dahilan ni Anya?” Tumango naman siya. “Iyon ba? Sinabi niya mismo sa akin,” sagot niya. Nagsalubong ang kilay ni Chad sa kanya. “Kinausap mo siya, Toneth?” Tuman

