Sa nakalipas na dalawang araw ay halos walang pahinga si Alvin. Hindi niya magawang makapagpahinga dahil sa mga nangyayari sa kanya. Dahil dito ay kahit ang pagiging assistant doctor ay hindi ibinibigay sa kanya ni Dr. Patricio. Ayaw ng kanilang head doctor na ma-compromise ang kanilang trabaho. Buhay ng tao ang nasa kanilang mga palad and their head doctor doesn’t want to take a risk. Alam niyang lumabas na ang result ng laboratory at Ct-scans ni Anya pero hindi niya pa alam kung ao ang naging resulta nito. “Hey, okay ka lang?” tanong ni Chad sa kanya. Inabutan siya ng kapwa doktor ng isang clubhouse sandwhich. Tamang-tama at hindi pa siya nag-aalmusal. Dama niya ang pagkalam ng sikmura pero hindi niya magawang kainin ito. Wala siyang gana. Kaya imbes na buksan ay ipinatong

