Part 3

2031 Words
Married life with Ramil. BAGO PA sumikat ang araw ay gising na si Eve. Naihanda na niya ang almusal na paborito ng kanyang asawa. Tinakpan niya iyon at bumalik sa kuwarto. Tulog pa rin si Ramil which suited her just fine. Mayroon siyang sorpresa dito at masisira iyon kung magigising agad ito. Tumuloy na siya sa banyo at naligo. At hindi iyong ligo na kagaya ng nakasanayan niya. Mas nagtagal siya sa banyo, mas nilinis niya ang buong katawan. Nang lumabas siya ay humahalimuyak na siya sa bango. Espesyal din ang lotion na ipinahid niya. Well, everything was special. Dahil espesyal din ang araw na iyon. Nang lumabas siya ng banyo ay tulog pa rin si Ramil. Kunsabagay, kung hindi naman talaga gigisingin ay talagang hindi ito kusang magigising. Palaging ginagabi sa trabaho si Ramil. At nakakabawi lang ito ng kakulangan ng tulog kapag ganitong weekend. Pero hindi niya mapagbibigyan si Ramil na matulog ito ngayon hanggang gusto nito. Sumampa siya sa kama at dumukwang dito. “Sweetheart,” she whispered sweetly at sadyang idinikit ang katawan dito. Umungol si Ramil. “Anong araw ba ngayon?” Bahagya siyang lumayo at bahagya ring nabawasan ang ngiti. “Weekend. Wake up, ‘heart. May sorpresa ako sa iyo.” Niyugyog na niya ito. Kahit na nagsisimula na siyang magtampo, ayaw naman niyang mas ibaling doon ang isip. Masisira ang plano niya. “Sorpresa?” hirap na idinilat nito ang mga mata. Then his eyes widened. “Eve, bakit ganyan ang itsura mo?” Bumalik ang ngiti niya—at nawala na rin ang bumabangong tampo. Alam niya, gising na gising na ngayon ang kanyang asawa. “Surprised?” she asked seductively. She was wearing a nightie. Very alluring, very tempting. Ang katerno niyong bikini ay hindi pangkaraniwan. It was crotchless. But of course, mamaya pa iyon matutuklasan ni Ramil. Marahan siya nitong hinaltak at bumagsak siya sa ibabaw nito. “Very. Hmm, bagong-paligo.” Niyakap siya nito at pinupog ng halik ang kanyang leeg. Napapikit siya. Yumakap siya dito at nagsimulang gumawa ng sariling eksplorasyon ang kanyang mga kamay. Ibinaba niya ang pajama nito. “Masarap bang magising kapag ganito?” nanunuksong tanong niya. Umugol lang si Ramil. Binaligtad nito ang ayos nila at siya ang napailalim dito. He spread her legs at ganoon na lang ang gulat nito. “Eve!” She made a naughty grin. “We are celebrating, sweetheart. Nakalimutan mo na ba?” She pulled down his briefs at hinila ito upang makapantay niya. Puzzlement crossed his eyes. “Bakit, ano ang okasyon?” Nawala ang ngiti sa mga labi niya, bumalik ang tampo at bumalikwas ng bangon. “Ramil, first wedding anniversary natin ngayon!” nameywang siya. “Don’t tell me, nakalimutan mo ngang talaga?” At alam niyang hindi na kailangang sumagot nito, nasa mukha ang guilt. Padabog siyang bumaba ng kama. Ang nahawakan niyang unan ay initsa dito. “Eve!” habol sa kanya ni Ramil, his briefs still in the middle of his thigh. Kung sa ibang sitwasyon ay matatawa siya, pero naunahan na siya ng inis. At tampo. Pabalibag niyang isinara ang pinto ng walk-in closet. Hinubad niya ang suot at nagbihis ng slacks at blouse. Kahit anong katok ang gawin ni Ramil ay hindi siya nagbukas ng pinto. Binuksan lang niya iyon nang kailangan na niyang lumabas. “May pagkain na sa mesa. Kumain ka na lang diyan. Aalis ako. Pupunta akong Romantic Events,” malamig na sabi niya. Mas desente na ring tingnan si Ramil. Suot na rin nito ang pajamang nahubad kanina. “Eve, sweetheart,” habol nito. Inirapan lang niya ito at nagmamadali nang lumabas ng bahay. “MA’AM, narito kayo?” gulat na wika ng assistant niyang si Jenna nang madatnan siya nito sa Romantic Events. Pareho silang may susi ng wedding shop kaya makakapasok ang kahit na sinong mauna. “Weekend ho, ah? Saka akala ko ho ba…” “Don’t ask, Jenna,” malayo sa mapagbirong tono niya ang isinagot dito saka nagkulong sa kanyang pribadong opisina. Mainit talaga ang ulo niya. At kaysa masungitan lang niya ang kahit na sino sa staff niya, mabuti pang magkulong na lang siya roon. Anim na buwan na niyang business ang Romantic Events, isang one-stop wedding shop na kumpleto buhat sa consultancy and planning hanggang sa maliliit na detalye na may kinalaman sa wedding occasion. So far, the business is running smoothly. Nagke-cater ang Romantic Events sa mga middle-class bracket. Hindi niya target ang nasa alta-sosyedad. Marami nang wedding planners na may malawak na network sa sirkulong iyon at magmumukha lang siyang mamamalimos ng atensyon sa mga iyon. Mas gusto niya ang focus ng negosyo niya. Nailalabas niya ang creativity niya na hindi palaging pera ang katapat. In fact, that was always the challenge to her. Karamihan sa mga kliyente ay nagnanais ng maayos na kasal na hindi kailangang gumastos ng abot hanggang langit. Sa ganoong pagkakataon nakilala ang Romantic Events. Para sa mga magpapakasal na limitado ang budget, Romantic Events ang may solusyon sa kanilang problema. And she had the best marketing strategy. Ang mga nauna niyang kliyente ang nagdadala sa kanya ng mga susunod pa. Mayamaya ay bumukas ang pinto niyon. “Eve, sweetheart,” pasok ni Ramil. Ang itsura nitong yaong naghagilap lang ng maipapalit sa pantulog nito kanina. Nakairap siyang tumingin dito. “Bakit naririto ka?” asik niya. Lumapit ito sa kanya. “Sweetheart, sorry. Forgive me. Ang dami ko kasing workload. Nakaligtaan ko. Patawarin mo na ako.” Umingos siya. “Pero iyong workload mo, hindi mo nakakaligtaan.” “Sweetheart, babawi na lang ako sa iyo. Bumalik na tayo sa bahay. Sayang naman iyong niluto mo. O kaya, let’s check in sa hotel. Mag-stay tayo doon hanggang bukas.” Umiling siya. “Huwag na. Nasira na ang mood ko.” Kapag ganoong matindi ang sama ng loob niya, kahit na anong suyo ang gawin ni Ramil at talagang nahihirapan ito. Ginambala sila ng pagtawag ni Jenna sa intercom. “Ma’am, iyong kliyente ninyo noong isang araw, naririto. Puwede raw ba kayong makausap?” “Sige, papasukin mo,” sagot niya kay Jenna. “Eve,” samo ni Ramil. Tiningnan lang niya ito. “Excuse me, ha? May workload din ako, eh,” pasaring niya. “PALIPAS na ang color scheme na powder blue, Hannah,” nakangiting wika ni Eve sa kanyang kliyente. Walang makakahalata na naiinis pa rin siya kay Ramil. Hindi niya pinapansin ang asawa. Ito ang hindi nakatagal at umalis na rin. At lalo siyang nainis. Mas gusto sana niyang suyuin pa siya nito tutal naman ay malapit na rin siyang bumigay. Anniversary yata nila ngayon. Hindi naman niya gustong mabalewala iyon dahil sa pagmamatigas niya. Siyempre, makakapag-make up naman sila sa isa’t isa. “Type ko kasi iyong powder blue, eh,” wika ng kliyente niya. “Of course, puwede rin naman. Usually, may combination na silver. Pero kung gusto mong off-white ang combination, it’s up to you. Here, may ibang sample pa dito.” Inilabas niya ang folder ng ribbon swatches upang ipakita sa kanyang kaharap ang iba’t ibang shade ng kulay. “Hannah, ikaw na lang ang mag-decide,” wika ng lalaki na fiancé nito. Eve just smiled at the man. Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Karaniwan nang ang babae ang namimili ng mga detalye. Ang lalaki ay nagsisilbi lang na alalay. Mas concerned ang groom-to-be sa babayaran kaysa sa mismong detalye. “Powder blue pa rin ang gusto kong kulay,” wika ni Hannah mayamaya. “Kung iyan ba talaga ang gusto mo, anong magagawa ko?” masiglang sabi niya. Tatlong taon lang ang kabataan niya kay Hannah. At kahit pangalawang meeting pa lang nila iyon, alam na niyang magkakasundo sila. “Don’t worry, gagawin nating a la Lucy Torres-Gomez ang kasal mo. Di ba, siya ang nagpauso ng color scheme na iyan? How about your gown? Mayroon na bang tatahi para sa iyo? Mayroon din kaming mga designs dito.” “Baka mahal?” may pag-aalalang wika nito. “Tingnan mo muna ang mga designs,” friendly’ng sabi niya. “At kapag may napili ka na, saka ko sasabihin sa iyo ang presyo.” That was her style. Pinakahuli niyang sinasabi ang halaga sapagkat kapag inuna niya, nagiging conscious na ang kliyente niya sa magagastos. Nagsa-suffer na tuloy ang taste ng mga ito. “Bagay ba sa akin ang off-shoulder?” ani Hannah. “Bagay na bagay. Iyan ba ang napili mo?” turo niya sa nakabukas na wedding catalogue. “Kahit hindi kamukha ng gown ni Lucy Torres iyan, magiging magkasing-ganda kayo.” She flashed a killer smile, iyong ngiting kanyang-kanya lang lalo at nagsasara siya ng deal. “Oo sana. Magkano kaya ang aabutin kung ganyang-ganyan ang pagkakayari?” “Depende sa iyo. Kung aarkilahin mo lang, mura lang.” Nanlaki ang mga mata ni Hannah. “Puwedeng arkilahin ang wedding gown?” “But of course. Hannah, praktikal na ang mga tao ngayon. Mayayaman na lang ang willing gumasta ng abot hanggang langit para sa isang damit na minsan lang isusuot.” “Baka naman may anghit na ang unang nagsuot,” sabad ng fiancé nito. May taginting ang naging tawa niya. “Rental rate ang wedding gown namin dito pero lahat ng bride, first-use sila sa mga gown.” “Di para ding bago?” may tuwang wika ni Hannah at binalingan ang fiancé. “Ganoon na lang, Mark. Makakatipid tayo.” “Bago talaga ang gown. Iyong mismong sukat mo ang tatahiin. Isosoli mo nga lang sa amin, pagkatapos.” “Teka, paano kayo kumikita sa gown kung ganoong puro minsanan lang din gamitin?” curious na tanong ni Mark. “May kumukuha sa amin. Iyong mga may business na gowns-for-rent.” “O, sige, rerentahan ko na lang ang wedding gown ko. Iyong sa mga abay ko, puwede bang ganoon din?” “Puwede. Kahit lahat ng damit ng buong entourage, puwedeng rentahin lang kung limitado ang budget. Actually, ine-encourage ko nga ang mga kliyente ko na maging praktikal. Aba, mahirap yata ang buhay ngayon. Bakit ninyo gagastahin ang lahat ng pera ninyo sa isang araw lang? Di wala na kayong pang-umpisa?” Umaliwalas ang mukha ni Hannah. Lumipas ang tensyong nakabadha sa mukha nito kanina. “Tama nga ang kaibigan ko na sa iyo kami lumapit. Hindi ka kagaya ng iba na kulang na lang pilipitin ang mga ikakasal para kumita.” “Siyempre, iba ako. Iyan ang malaking kaibahan ng Romantic Events. Dito, hindi lang wedding planner ang mapapala mo. Makaka-win ka pa ng kaibigan.” She smiled. “O, di ba, friends na tayo?” Ganoon siyang makipag-usap sa kliyente niya, hindi stiff, hindi distant. Parang kabarkada lang niya ang kausap niya. Ginanahan si Hannah na magsabi ng mga pinapangarap nitong detalye para sa kasal nito. Mabilis naman niyang inilista ang mga naririnig. Mayamaya pa, ipinaliwanag na rin niya sa dalawa ang halagang aabutin para sa klase ng kasal na gusto ng mga ito. “Halos beinte mil din pala ang natipid natin!” nasisiyahang wika ni Hannah kay Mark. “Good. Ipang-Hong Kong na lang natin.” “Nye, kasya ba ang twenty thousand sa Hong Kong?” Sumabad siya. “Kakasya iyon. Kung gusto ninyo, ako na lang din ang mag-a-arrange. Sabi ko naman sa inyo, kumpleto kami dito. Connected ako sa isang travel agency. May discount ang ticket. Iyong pang-shopping ninyo na lang ang sasagutin ninyo.” “Iyon nga ang problema. Gastador ito, eh,” pabirong wika ni Mark. Bago tuluyang umalis ang dalawa ay nagpirmahan na sila ng kontrata. Nag-iwan na rin ng down payment ng dalawa para sa serbisyo niya. Tuwang-tuwa si Eve. Hinarap naman niya ang kasal na aasikasuhin niya two weeks from now. Mas kailangang niyon ang atensyon niya. Ang leg work sa kasal ni Hannah ay naide-delegate niya sa staff niya. Pero kapag malapit na ang araw ng kasal ay siya na rin ang personal na nag-aasikaso ng mga iyon. “Ma’am, iyong mister ninyo, aalis lang daw sandali pero babalik din,” wika sa kanya ni Jenna. Tumango lang siya. Kapag may problema silang mag-asawa, hindi niya ipinapahalata sa iba. - itutuloy -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD