bc

Hard Trapped: Ruthless Mafia

book_age18+
85
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
opposites attract
mafia
surrender
like
intro-logo
Blurb

Kahit baliktarin mo ang mundo, katawan ko lang ay pagmamay-ari mo. Hindi ang puso ko. Sinira mo ang buhay ko simula nang magkrus ang landas natin!

–Anastasia Martinez

I guess you forgot that I owned you. You are mine. I will kill anyone who tries to take you.

–CASSIAN “NINE LIVES” GRAZIANI

A cold-hearted Mafia known as “nine lives” because death is elusive to him. All who stand in his way will meet Satan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE (Anastasia)
NANGINGINIG ang aking kamay habang tumatakbo papasok ng locker room. May mga armadong lalake ang pumasok sa loob ng restaurant na pinagtatrabahuan ko. Naroon ang dalawang katrabaho ko at ang kaibigan kong si Bella. Naghiyawan sa labas nang marinig ko ang ilang beses na pagpapaputok ng baril.   “Ana!” mariing tawag sa akin ng kaibigan kong si Bella.   Napaluhod ako at pagapang na tinungo ang kinakukublihan niya. Niyakap niya ako at gumapang ang buong takot mula sa aking likuran hanggang batok.   Bang!   Isa pang putok muli sa baril at kumalabog ang pinto ng locker room. Sinipa ng isa sa armado ang pinto at napahiyaw kaming apat sa gulat. Lumakad sila papasok at natanaw ng mga mata ko ang ilang mga tao sa labas na nakabulagta at naliligo sa sariling dugo.   “Ikaw! Tumayo ka!” bulyaw nito kay Bella.   Tinuro niya kaniyang sarili dahil sa labis na takot at hindi niya rin ito kilala. “A-Ako, ho, ba?” naiiyak niyang tanong.   “Hindi ikaw! ‘Yang nasa likuran mo!”   Nabundol ng kaba ang dibdib ko. Ako ang tinutukoy ng armadong lalake. Napaatras si Bella at kaagad na tumayo nang tutukan siya ng baril sa uluhan nito.   “Huwag, po! Maawa kayo sa ‘min!” pagmamakaawa ni Bella.   Nagpasya akong tumayo at itinaas ang magkabilang kamay ko bilang tanda na ako ay sumusunod sa kanila. “Pakiusap… h-h’wag ninyo kaming saktan…” sambit ko.   “Ikaw! Sumama ka sa ‘min!” Hinaklit niya ako sa aking braso dahilan upang masaktan ako.   Niyakap ako ni Bella mula sa aking likuran at pumalahaw ito nang iyak. Matalik kong kaibigan si Bella sa trabaho rito. Pinipigilan niya ang pag-alis ko at nanlulumo ako. Umiyak ako nang umiyak nang higpitan pa ng lalake ang pagkakahawak sa braso ko at hinatak ako.   “Huwag! Ano ang gagawin n’yo kay Ana?!”   Sumenyas ang lalakeng nakatataas sa kanila at lumapit kay Bella ang dalawang lalake. Hinatak nila palayo sa akin si Bella at hawak ko rin ang kanang kamay ni Bella. Tila ayaw naming magkahiwalay ng landas.   “Bitiwan mo siya! Kailangan namin ang anak ng may-ari ng resto na ‘to!” bulyaw muli nito kay Bella.   Nanlaki ang mga mata ko dahil nagkakamali sila. Napagkamalan nila akong anak ng may-ari ng resto. Umiling-iling ako habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.   “H-Hindi, po, ako ang hinahanap n’yo! Pakiusap! Nagkakamali kayo!”   Isang putok muli ng baril ang narinig ko at nang mabaling ang atensyon ko kung saan iyon nanggaling ay nanlaki ang mga mata ko. Tila bumagal ang takbo ng oras noong sandaling iyon. Nakatutok ang baril sa uluhan ni Bella. Kitang-kita ko ang duguang uluhan ni Bella at marahan itong nawalan ng balanse. Ang mga mata niyang walang buhay ay nagbigay takot sa akin at kilabot. Si Bella, pinatay nila.   “Bel… la… hin… di…” hiyaw ko nang buong lakas at nagpumiglas.   Binitiwan ng dalawang lalake si Bella at nag-iyakan pa ang dalawa naming kasama. Inilang hakbang ko ang kinahihigaan ni Bella. Mabilis akong sumalampak sa sahig at hinawakan ang uluhan ni Bella. Duguan siya at walang hininga. Hindi ako makapaniwala! Wala na ang matalik kong kaibigan!   “Bella! Huwag! Bella! Bella! Gising!” Niyugyog ko ang katawan ni Bella ngunit tumulo ang dugo mula sa kaniyang labi.   Sinabunutan ako ng nakatataas sa kanila at pilit akong itinayo. Nabitawan ko si Bella. Hindi ko inalintana ang sakit at gusto ko pang yakapin si Bella. Dahil sa isang lamang akong mahinang babae at walang lakas ay nakaladkad ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Itinayo ako ng dalawang lalake at tinalian ang mga kamay ko.   “Mga hayop kayo! Pinatay n’yo ang kaibigan ko! Mga hayop!”   May dinukot sa bulsa ang lalake at iwinasiwas. Isa pala iyong tela na kulay itim. Isinuot iyon sa aking ulo kaya wala na akong makita. Nandilim ang paningin ko at naramdaman ko na lang na lumabas na kami ng locker room. Halos maputol ang hininga ko dahil sa pag-iyak ko. Sa isang iglap ay nawalan ng buhay si Bella. Wala akong makita at isinakay ako sa kotse. Dahil sa pagpupumiglas ko ay hindi sila nakatiis. Naramdaman ko na lang ang pagpukpok ng baril sa ‘king ulo. Nawalan ako ng malay-tao.   Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang kirot sa aking uluhan. Hayop ang mga lalakeng ‘yon. Madilim at wala akong makita. Bumigat ang paghinga ko nang sumagi sa aking isipan si Bella. Isang mahinang pag-iyak ang pinakawalan ko. Nakagapos ako sa isang upuan. Hanggang sa may dalawang lalakeng pumasok. Napaigtad ako at nanginginig na naman ang mga kamay ko.   Baka kung ano ang gawin nila sa ‘kin. Hindi ako ang anak ng may-ari ng resto. Part-timer lang ako sa resto na ‘yon. Pinakiusapan lang ni Bella ang may-ari na tanggapin ako dahil wala pa ako sa hustong edad ko. Napapikit ako nang mariin nang alisin ang takip sa aking ulo. Naaninag ko ang napakaliwanag na ilaw. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nasa loob kami ng isang kulob na kuwarto na gawa sa metal. Walang bintana at walang kahit ano na laman.   “G*go! Bakit ito?” Singhal ng lalake sa kasama niya.   Namukhaan ko ang lalakeng pinagtaasan ng boses. Siya ‘yong nakatataas kanina na bumaril kay Bella. Sinamaan ko siya nang tingin. Wala siyang puso. Ganoon lang kadali sa kaniya na patayin si Bella.   “B-Bakit? Siya ang anak ni Hernandez!” sagot nito.   “P*tang-ina! Ano’ng kalokohan ‘to! Hindi siya ang anak ni Hernandez! Tingnan mo nga!” Inabot nito ang litrato sa lalake at ilang beses akong pinagmasdan.   Napakamot na lamang ng ulo ang lalake at napailing. “Paano ‘to? Magkamukha kasi sila.”   “Tsk! Mayayari tayo nito kay Boss! De bale, patayin na lang natin ang babaeng ‘to at itapon! Kunwari ay nanlaban. Saka natin dukutin ang anak ni Hernandez.”   Halos mawalan ako ng hininga sa binitawang salita ng lalake sa harapan ko. Isang mala-demonyong ngiti ang gumuhit sa labi ng pumatay kay Bella.   “Sige! Pero, bakit ‘di natin muna pagsawaan ang katawan nito. Bago natin itapon.” Nagtama ang tingin nilang dalawa at humalakhak.   “A-Ano’ng gagawin n’yo?! H-Huwag! Pakiusap!” sigaw ko.   “O kaya ay magpanggap ka na lang na anak ni Hernandez. Hindi ka naming papatayin. Naiintindihan mo?”   Lumapit ang isa sa kanila at hinipo ang aking hita. Inilayo ko ang hita ko at laking gulat ko nang punitin ng isa ang damit ko. Tumambad ang aking harapan. Kahit may suot akong panloob ay hiyang-hiya ako. Yumuko ako at pilit na tinatago ang hinaharap ko at brassiere.   “Huwag ka nang pumiglas. Mabilis lang ‘to. Sayang naman ang katawan mo…”   Umiyak ako at taimtim na nagdasal. Sana ay mailigtas ako sa kapahamakan. May dumating na grupo ng mga lalake at napahinto ang dalawa sa kanilang ginagawa.   “Mga tarant*do! Ano’ng ginagawa n’yo sa anak ni Hernandez!”   “S-Sorry, Luciano… wala lang kaming magawa.”   Tinutukan sila ng baril ni Luciano at sinenyasan na lumayo sa ‘kin. Ibinaba ni Luciano ang baril at tinutok sa baba ko. Pilit niyang inangat ang mukha ko. Kinikilatis ang aking kabuuan. Mahahalata niya kayang hindi ako ang anak ni Hernandez? Dumarubdob ang kaba ko sa aking dibdib. Kinilabutan ako sa malamig na temperatura ng baril.   “Ilabas n’yo siya. Dalhin sa ring!” maawtoridad na utos ni Luciano. May pagtataka sa mukha ng dalawa. “S-Sa ring, boss?!”   “Oo! Bingi ba kayo? O gusto n’yo pasabugin ko ‘yang bungo n’yo?!”   Naguguluhan ako at pilit nila akong itinayo. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Ano’ng ring? Nasaan na ba ako? Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang buong lugar. Walang bintana at hindi ko makita ang mundo sa labas. May tunnel kaming dinaanan at sa dulo niyon ay naririnig ko ang hiyawan. Mga tao? Nang marating namin ang dulo ay huminto kami at laking gulat ko nang makita ang isang ring sa baba. Naghiyawan ang mga tao sa loob. Parang stadium ang itsura niyon. Nahagip ng mga mata ko ang mga kalalakihan sa baba na nakahubad at tanging shorts lang ang suot.   Minabuti kong huwag sabihin ang totoo na hindi ako ang tunay na anak ni Hernandez. Ayaw ko pang mamatay at kailangan kong makagawa ng paraan upang makatakas. Naghihintay sina mama at ang kapatid ko. Tiyak akong nag-aalala na sila sa ‘kin.   “Dalhin siya sa ring at ipakilala. Siya ang magiging premyo ng mga lalaban ngayong gabi. Kung sino ang tatanghaling hari ngayong gabi ay siyang mag-uuwi sa anak ni Hernandez.”    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook