Kanina ka pa tingin nang tingin ha!?" galit kong pagtatanong sa lalaking to na kanina pa siksik nang siksik sa akin.
"Anong masama? Bawal ka bang tignan ha?" maangas naman nitong sagot nito sa akin
"bakit ka dikit nang dikit? Ang luwang luwang doon oh!?" inis kong tanong dito. Ang init init kung makasiksik.
"bakit ba ang sungit mo? Parehas naman tayong lalaki ha? Bawal ba?" sagot naman nito
Sino ba naman ang hindi maiilang kung walang ginawa ang kasama mo dito sa bahay kung hindi tumitig at ngitian ka plus dikit pa nang dikit. Asking kung nasaan si mama? Umuwi siya sa probinsya namin para asikasuhin ang bukid namin doon, wag ka may bukid si mother haciendera. At dahil nga daw nagaalala si mama sa ilang days niyang pagkawala sa bahay ay pinakiusapan niyang samahan muna ako ni Engot. Hindi ba niya naisip na mas dapat siyang mag-alala with this guy?
"oo masama! Bawal lalo na kung ikaw ang titingin! Hindi ka naman chix e" mayabang kung sagot dito bago ko dinampot ang remote at inilapat sa favorite kung "adventure time"
"weh? Chix ba talaga hanap mo? Ikaw nga ang chix diyan e, pwede ba kitang maging chix ha?" nangaasar na tanong nito sa akin
Pero sinamaan ko lang ng tingin si engot
" sabi ko nga..manuod na lang tayo" palusot na sabi nito bago tumutok ulit sa tv.
Akala niya! Anong gusto niyang palabasin?
Nagpatuloy kami sa panunuod ng tv dahil alas tres ng tanghali iyon at katirikan ng araw kaya nakakatamad namang gumala.
Busy busyhan ako sa panunuod lalo na at nasa gitna ng laban sa Finn nang biglang magring ang cellphone ko
Istorbo!
"hello"iritable kong sagot
"hey hey...easy ang sungit mo naman ngayon.. si Topher to" sagot nang nasa kabilang linya
Ayy si Mr. Dreamboy pala to e
"Napatawag ka kuya Topher????" tanong ko dito . Sabado kasi ngayon at wala akong klase pero dahil bidabida itong si kuya ay may kailangan pa rin siyang asikasuhin hanggang ngayon
"Katatapos lang ng meeting namin sa team para sa national competition next week. Gusto sana kitang yayain sa labas.ok kang ba? Please???" yaya naman nito sa akin
"Kuya wala kasi si mama dito e, baka mabengga ako pag umalis ako ng walang paalam" sagot ko naman ditto
Ayoko namang paggalitan ni mama, dahil gala gala ako nang gala lalo na at wala siya dito sa bahay.
" sino yang kausap mo ha???" epal na tanong ng katabi ko na hindi ko alam kung kanina pa ba nakikinig or what.
"Syota ko. Wag kang magulo. Manuod ka diyan" pagtataboy ko dito
Ay ang kapal ko? So pinagseselos mo siya Bingo?
"Anong syota??? Alam mo bang sa akin lang boto ang mama mo kaya if magkakasyota ka ako lang daw dapat" sagot nito sa akin na nakapagpataas ng dugo ko.
Ano daw???
Confidence to the 10th power
"Hoy kung ano ano pinagsasabi mo diyan. Manahimik ka" sita ko dito habang pinapakinggan pa rin si kuya.
"Sige na nga, pero dapat nakauwi na ako bago maggabi,wala rin kasing magbabantay dito sa bahay e" napilitan kong sagot
"Yes your highness. I'll pick you up." Masayang sagot nito sa akin bago tuluyang ibaba ang telepono.
"Hoy hoy.saan ka pupunta??" sita sa akin ni engot
"Lalabas kami ni Kuya Topher,dito ka muna. Dont worry nandito na ako bago maggabi" sabi ko dito
"Hindi. Bawal ka lumabas" pigil nito sa akin sabay harang ng katawan sa dadaanan ko.
Shet weakness ko talaga yung malalaking braso ng lalaki.
"Wag ka na lumabas. Tignan mo na lang braso ko" nangaasar na sagot nito sa akin nang mapansin nitong napatitig ako sa braso niya
" ulul! Lalaki ka ba talaga? Bat ang liit ng braso mo?" ganting asar ko dito na mukhang ikinaburyo ni engot
"basta hindi ka lalabas, sa akin ka ibinilin ng mama mo kaya sagutin kita pag may nangyari sayong masama" salayasay nito sa akin.
Taray drama
"Hoy tigil- tigilan mo ko ha. Hindi ka baggage counter para pagbilinan. Kung gusto mo pumirma ka ng waiver para safe ka sa asunto" natatawa kong sagot dito
"Hindi mo ko madadaan sa kapilosopohan mo Bingo ha,basta walang aalis" nawawalang pasensyang sagot sa akin ni Lino
"tabi na kasi... aalis na ako. Susunduin ako nun.so tsupi" pagtulak ko dito pero matigas si engot at mukhang hindi man lang nauga
Ang lalaki ng muscles niya. Ang hot mo sa lagay na yan Lino
"Bingo ha akala mo hindi ko napapansin na hinihipuan mo ko" natatawang asar nito sa akin
"kapal mo Lino ha. Ang kapal ng apog at mukha mo. Tabi nga kasi diyan" buong pwersa kong tulak dito dahilan para matumba siya sa pagkakatayo niya at dahil nga hawak niya din ako ay bumagsak din ako na nakapatong sa kanya
And hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na nangyari.
Parang bumagal ang oras. Magkatapat ang mga mata namin, magkadikit yung mga labi naming... dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya, walang nagsasalita sa hindi namin malamang dahilan
Bakit iba yung nararamdaman ko? Bakit kinakabahan ako? Ano ibig sabihin nito?
"Bingo.. nasaktan ..... ka ba?" pambasag ni Lino sa katahimikan na namayani kanina
"ahh...hindi.... ay oo ...okay lang ako...sorry" nauutal kong sagot dito.
Yung lips ko.....
"pasensya na....nawala ako sa balance" naiilang na sabi ni engot sa akin habang nanatili kami sa ganung sitwasyon.
"hindi kasalanan ko...ako yung tumulak sayo.. kaya kasalanan ko..." kinakabahan kong sagot dito.
"hindi ako may kasalanan Bingo . Kung hindi ko hinarangan yung dadaanan mo hindi ka sana maiinis at manunulak" paliwanag nito
"ako nga kasi!!' naiinis kong sagot dito
"Bingo wala ka bang balak tumayo? Naiilang na kasi ako sa posisyon natin e"sabi nito sa akin na kaagad nakapagpahiya sa akin
Boom pahiya
"paano ako tatayo ang dami mong sinasabi!!" palusot kong sagot dito habang dahandshang tumatayo.
"sus. Lulusot ka pa e" nangaasar na sagot nito sa akin sabay tawa ng malakas.
"gago" tanging sagot ko dito bago nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto ko.
Ohmygod Lino anong ginagawa mo sa akin? Why are you making my knees weak? This cant be happening!
Natararanta na ako sa kakaibang nararamdaman ko kay Lino nang biglang may siraulong humampas sa pintuan ng kwarto ko.
"Anong probema mo ha? Nagaadik ka ba?" galit kong tanong dito pero minabuting kong wag munang buksan ang pinto dahil naiilang akong makita siya. Kahit naiinis ako sa kanya hindi ko mapigilang mapangiti at matawa sa pangaasar niya sa akin.
"wala naman, gusto ko lang sabihin na wag kang masyadong kiligin sa akin baka mapakasalan agad kita"sagot nito sa akin sabay tawa nang malakas.
Kagaya niyan! Dapat nababadtrip at nayayamot ako sa mga ganyang banat niya pero natutuwa ako e and what i hate the most is that HINDI AKO GANUN, i used to hate those corny banats, ayoko ng mga nagpapacute pero bakit nagiging ganito ako when he's around. Ive always been the type of guy who will build walls around him, ayoko ng may makapasok ng ganun kadali sa buhay ko,ayokong bigyan ng chance ang ibang taong saktan ako but with Lino? I know i might be assuming pero i think .... i love him.
Ang OA ko pero you cant blame me guys ngayon ko lang to naexperience ,ngayon ko lang to naramdaman. Yung feeling na gusto ko siya laging makita, then bilib na bilib pa ako sa pagmamahal niya sa Lola niya....ughhhh stop it Bingo youre no longer highschool
Hindi na ako lumabas ng araw na yun, kaya nakakahiya man ay tinawagan ko na din si Kuya na wag munang tumuloy at dinahilan ko na lamang na hindi maayos ang pakiramdam ko..... or yung puso ko? Ramdam ko man ang lungkot sa boses ni kuya ay wala na din itong nagawa.
"Bingo lumabas ka na diyan,binili na kita ng makakain,maghapunan ka na dito" sigaw ng taong kanina pa umeepal sa utak ko.
Pero pinili kong wag nang sumagot. Nakakainis pakiramdam ko ang landi ko n feeling ko para akong isang elementary student na nahihiya makita ang crush niya
"Bingo, bilis na. Alam kong gising ka, umakyat ako sa bintana mo kanina ...di mo ko maloloko" katok ulit nito.
Nak nang... tignan mo tong Lalaking ito..
"isa Bingo....." banta nito habang patuloy na kumakatok sa pintuan ko
"tsk,,,haaay. Ang kulit mo" masungit kong bungad ditto pagkabukas ko ng pintuan
"ikaw ang makulit! Balak mo bang magpakamatay sa gutom diyan" masungit na din nitong sagot sa akin
"wala ka ng paki" masungit kong sagot sabay baba
"teka nga, bat ba bigla ka na namang nagsusungit ng ganyan? Tungkol ba to sa halik kanina ha?" tanong nito sa akin habang sinsundan ako pababa
"hindi yun basta halik? Wag mo kong itulad sayo! First kiss ko yun, at sayo pa!" naiinis kong sagot dito
That's my first kiss. Inalagaan ko yun for my the one, pero kinuha lang ng engot na to
"bakit aksidente ang nangyari, kahit ako hindi ko naman ginusto yun.... at saka parehas naman tayong lalaki kaya ok lang yun" presko nitong sagot na para bang wala lang sa kanya ang nangyari
"ibahin mo ko sayo.... kung ikaw sampung dosena na ang nahalikan mo, ako wala pa! Kung sanay ka ng imudmud yang labi mo sa kung sino-sino ako hind!" galit kong sagot ditto pero this time nakaharap na ako sa kanya
"hindi ko ata gusto ang pinatutumbukan mo Bingo, oo hindi nga ikaw ang una kong nahalikan pero hindi ibig sabihin nun na kung sino sino lang ang nahalikan ko diyan. Hindi ako ganung uri ng lalaki Bingo" galit na sagot nito sa akin
"hindi yun ang ibig kong sabihin.... ang akin lang.....basta!!" give up kong sagot ditto
"kumain ka na diyan at iwan mo na ang pinagkainan mo. Ako na maghuhugas diyan bukas ng umaga, uuwi na ako. Ilock mong maigi ang gate, at kung may mangyari man itext mo ako kaagad para mapuntahan kita" monotone na sabi nito sa akin.
Nainis ata si Engot sa sinabi ko. Hindi naman yun yung ibig kong sabihin, what i am trying to say is that, for Pete's sake first kiss ko yun, it could have been memorable kung sa maayos na lugar, time yun nangyari..... Yung totoo bat parang hindi naman ako nagsisisi na siya yung una kong halik?