Meeting my Engot 1
“Ma, ayoko ! Please kahit anong sabihin mo ayoko! Hindi ako papayag. Ayaw ayaw A-Y-A-W padlock tapon susi ni erase! " madiin kong giit sa mama ko sa kanina pa niyang ipinipilit na kasunduan sa akin.Hindi ba nila magets kung ano ang gusto at kung ano ang ayaw ko? Ang laki ko na kaya pwede na naman siguro akong magdecide nang pwede kong gawin.
"anak naman, para sayo din naman ito at saka tatay mo ang nagsabi na ikuha kita nito, nag-aalala lang naman ang papa mo sayo Fritz. Wag ka namang ganyan! Very wrong ka anak ha" pilit naman nito sa akin.
No way. Hindi porket sinabi ni papa pak ganern na agad sa buhay ko. Paano naman ako? Magmumukha akong kahiya-hiya nito noh.
"mama naman e, 3rd year college na ako tapos ngayon mo pa ako ikukuha ng service. Okay ka lang? Kayo kaya ang very wrong! Super wrong pa nga eh" pangangatwiran ko dito habang pilit kong tinutuon ang atensyon ko sa tv. Buti pa tong adventure time na sina Finn at Jake ginagawa lang nila kung anong gusto nila. Hindi ba pwede yung ganun?
"yun na nga anak e, malapit ka nang grumaduate kaya mas dapat ka naming ingatan. Marami pa naman ang nagkalat na masasamang loob ngayon sa University belt, baka mabiktima ka nila anak. Paano na lang kung holdapin ka nila, saksakin, ma-isnatch yang phone mo, kidnapin or worst rapin ka nila anak" madrama namang sagot sa akin ni mama habang niyayakap yakap pa ako.
Ma, bat kailangang OA?
"basta ma, ayoko!" buong tanggi kong sagot dito
Kakastress si mama. Sino ba namang college student ang gugustuhing magkaroon ng tricycle service papasok sa school at maging pag-uwi ng bahay. Ginagawa nila akong bata para sumang-ayon sa trip nila. If gusto nila bakit hindi na lang sila bumili ng saskayan at si mama na lang ang maghatid sa akin. Para namang wala silang tiwala sa akin sa ginagawa nila e.
Ako nga pala si Fritz Bingo Morales, but I prefer to be called as Bingo masyadong feminine ang first name ko, kaya ipinagpapasalamat ko ang bumuo ng second name ko (Salamat papa). Im currently on my third year sa kursong Marketing Management sa isang hindi naman kasikatan na University sa Manila. Nag-iisang anak lang ako ni mama na isang housewife at ni papa na isang seaman sa isang cruise ship na ilang taon na ding nagtatrabaho doon. Kung tutuusin hindi naman kami ganun kayamanan pero masasabi kong mas madali ang buhay namin dahil nabibili ko ang anumang gustuhin ko, dahil na din sa ilang taong pagtatrabaho ni Papa bilang seaman.
"anak sige na naman,tataasan ko ang baon mo pag pumayag ka, win-win situation yun Fritz ha" pilit ni mama sa akin
"ma, ayoko kahihiyan ko yun noh" sagot ko naman dito
"anak hindi yun kahihiyan, at saka iniisip lang namin ang safety mo. At saka anak! Ligtas amg may alam! Di mo ba yun alam? Kailangan mo ng sandata on sakuna! so please pumayag ka na" explain naman nito sa akin
"kahit anong sabihin mo ma, ayoko pa rin. Kahit pa anong gamitin mong tagline diyan ayoko! Sabi nga nila kung may katwiran ka..ipaglaban mo" tanggi ko dito
"Bahala ka, kahit ano namang tanggi mo ay wala ka na ring magagawa dahil nakapagdown na ako for one year sa tricycle diver na inarkila naming para sayo e, " sabi ni mama na kaagda kong ikinagulat
"mama!!!" gulat kong reklamo dito na sinabayan ko pa ng pagpatay ng tv
"sorry not sorry. Fritz! Hahaha I got this" pangaasar nito sa akin bago siya umalis at umakyat papunta sa kwarto niya.
Si mama ang nagsama ng pangalang Fritz sa akin dahil pangarap niya talaga ang magkaroon ng anak na babae pero dahil nga lalaki ako ay nilagyan niya na lang daw ng taste of pagiging girly ang name ko. Hindi na kasi pwedeng magkaanak pa si mama dahil noong ipinanganak ako ay halos mag-agaw buhay ito, mabuti na nga lang at nagawan agad ng paraan na maisalba ako at si mama.
Bakit kasi kailangan akong kontrolin ng mga magulang ko, for Pete's sake hindi na ako bata, masyado na akong matanda for those things. Kainis. Pero hindi ko naman kinaiinisan yung fact na mahal na mahal nila ako at overprotective sila sa akin, pinagpapasalamat ko naman yun. Pero.....ughhh.
Sa inis sa ibinalita sa akin ni mama ay minabuti ko na lang na lumabas muna at magpahangin. Hindi kami nakatira sa isang exclusive na subdivision though afford na ni papa na bumili kami ng bahay doon ay ipinaki-usap nito sa amin na dito na lang kami tumira dahil dito na siya lumaki at mahal na mahal niya ang mga tao dito.
"Bingo!, anong ginagawa mo dito buti pinayagan ka ng mama mo lumabas?" nangaasar na tanong sa akin ni Jopay
Feeling kasi ng mga tao dito sa Barangay namin Mama's boy ako, though hindi ko naman ikinakahiya ito pero nakakainis lang dahil na mimisinterpret nila ang pagiging Mama's boy.
"eh ikaw, anong ginagawa mo dito buti pinakawalan ka sa kadena mo?"ganting asar ko naman dito na ikinatawa nito ng malakas
Yan ako, hindi ako matinong kausap lalo na kung hindi ka rin matino
"ikaw talaga, ang sungit mo" tugon nito sa akin
"so saan ka nga pupunta, samahan mo na lang ako dito" suhestiyon ko dito
"ayyy, wit! Pupunta ako doon sa kabilang kanto, may bagong lipat daw e, hotty patoti daw" malandng asar nito sa akin
Hay naku lalaki na naman
"ayyy, may bagong lipat na naman doon sa pinauupahan nila Aling Sioni?" tanong ko dito. Kilala kasi si Aling Sioni na isang matandang dalaga na nagpapaupa ng sampung pintong apartment sa kabilang kanto, pero dahil sa taglay na kasungitan nita ay hindi rin nagtatagal ang mga umuupa sa apartment nito.
"oo nga, bibisitahin ko muna. You know getting to know, pa-aura,pa-beauty then mahuhulog siya sa ganda ko. Tapos unti-unti niyang hahawakan ang kamay ko then boom! Kang-kangan na!" sagot nito na agad kong kinurot dahil sa tabas ng dila niya
"ano ba yan? Inuna pa ang kaharutan kesa sa kababata" tampu-tampuhan kong sagot dito
"aba oo naman, kukuluntay ang balat ko sa kasungitan mo Bingo , mabuti sumama ka doon kela Aling Pepay at sumali sa Bingo para mafeel mo yung name mo" asar nito sa akin sabay takbo papunta sa kabilang kanto
Walang hiya.
Kababata ko si Jopay pero sa state university siya nagaaral dahil medyo hirap sila sa buhay. Nakilala ko bilang kalog si Jopay pero hindi maipagkakaila ang pagiging matalino nito, dahilan para maging scholar ito ng isang pulitiko sa siyudad naming. Yun nga lang, medyo maharot at mahilig sa lalaki si Jopay pero alam niya naman ang limitasyon niya pagdating sa ganung bagay.
Nasa malalim akong pag-iisip kung paano ko malulusutan ang pagiging overprotective ni mama nang may bigla na lang nambato sa akin ng plastic na bote ng coke.
"ayyy punyeta! Ang sakit ha!" galit kong react ng tumama ito sa noo ko