"ayy sorry ,sorry. Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong sa akin ng lalaking hindi ko pa makita dahil kasalukuyan akong nakayuko habang hinihimas ang noo kong natamaan.
"ay tanga ka? Umaray nga ako di ba? Tapos magtatanong ka kung nasaktan ako! Di uso tanga dito ha" masungit kong tugon dito
tanong pa e. Isn't obvious?
"sorry di ko sinasadya" pagpapaumanhin nito habang pilit hinahawakan ang noo ko na natamaan. Para kasing bata na kailangang maglaro nang ganyan..sa kalsad pa ha?
"sorry sorry ka diyan" inis ko ulit na sagot dito habang inaalis ang kamay niya sa noo ko. Baka mamaya may germs pa yan e.
Kaagad kong iningat ang mukha ko para makita at masamaan ng tingin ang hayop na lalaking ito pero mukha ako ata ang nagulat.....nyemas may itsura si engot
"bat ka nakatulala?" pambasag na tanong nito sa akin nang mapansin niyang kanina pa ako nakatingin sa kanya
Kasi ang pogi mo??
Ayy nahuli ka Bingo.
"syempre......(isip ng lusot bingo).... Ano.. sa ulo ako natamaan e!! syempre may nagalaw na parts doon...baka nga naginternal hemorrhage pa ako e" palusot ko dito
Bright idea Bingo. I am so proud of you. Ganyan ka dapat mag-isip! Oo may itsura siya pero sinaktan ka pa rin niya! Sa mundo ngayon kung sino pa ang may itsura sila pa ang madalas manakit ng tao... hugot ba yan Bingo?
"sus, grabe ka naman.. plastic lang naman yung tumama sayo e" sagot naman nito na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko
Aba pinagdududahn pa ako ng Engot na ito e! Hindi pa ba sapat yung pag-aray ko? Aaray ba ako kung nasarapan naman ako sa ginawa niya....medyo green... Basta masakit e!
"eh kung batuhin kita ng mono block chair, wag kang aaray ha. Plastic din yun" masungit ko pa ring sagot dito habang sinasamaan ko ito ng tingin.
"nagsorry na nga ako di ba? Ang sungit mo naman..." naiinis na nitong sagot sa akin na mukhang nayayamot na sa pagsusungit ko sa kanya.
"pareng Lino sino ba yang kaaway mo?" boses ng isang lalaki sa likod nitong tatanga-tanga na ito
"wala pare, ang arte kasi e parang hindi lalaki"sagot naman nito na ikinataas ng kilay ko. Aba-aba!!
Aba!! Pinariringgan pa talaga ako ha
"hoy!!! Niloloko mo ba ako ha! Anong gusto mo? Square na lang tayo oh" gigil kong sagot dito sabay tayo at umarteng tinataas ang manggas ng t-shirt ko. Pero hindi po talaga ako marunong makipagsuntukan.
"oy Bingo ikaw pala yan...." Sabi ni Melgar na ang lalaki palang kausap ni tatanga-tanga
"Hoy Melgar, pagsabihan mo yang kasama mo ha, half human half tanga ata yan e" sagot ko kay Melgar para magalit lalo yang Engot na kasama niya.
Hindi ko man kababata si Melgar ay nagging kaibigan ko na din ito dahil sa isa siya sa mga nauutusan ni Mama pag may kailangang bilhin sa palengke. Mas matanda ito sa akin ng dalawang taon pero maaga itong tumigil sa pagaaral dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Isa ang pamilya nila sa umuupa sa apartment nila Aling Sioni.
"Bingo naman e, wag mo namang sungitan ang bago nating kapitbahay. Mabait itong si Lino" sagot nito sa akin habang inaakbayan niyang ang tanga niyang kaibigan.
"siya kaya nangunguna!" sagot ko naman kay Melgar
Gwapo si Melgar, crush ko kaya ito noong grade six kaya lang nawala ang paghanga ko sa kanya ng magumpisa na itong manigarilyo at maginom. Alam ni mama, hindi ako straight though wala namang pag-aming naganap ay alam kung alam niya ito, dahil kung minsan ay tinatanong ako nito ng pabiro kung wala pa daw akong boyfriend
"tara na nga Melgar, para naman palang bata yang kausap natin e" sabat naman nung Lino
Kanina pa nagpaparinig to ah!
"talagang umalis ka na sa harap ko, baka isubsub ko lang yang mukha mo sa bangketa" pananakot ko dito as if kaya ko naman
"ikaw talaga Bingo, nakakatawa ka talaga. Sige mauuna na kami" natatawang pagpapaalam sa akin ni Melgar.
Kakainit ng dugo yung lalaking yun ha. Dapat magrerelax ako pero mukhang mas naistress pa ako sa paglabas ko. Walang hiyang yun. Akala mo naman excuse yung pagiging pogi niya sa katangahan niya.
"Fritz pumasok ka na dito,kakain na tayo!" sigaw ni mama mula sa loob ng bahay
"ma, wag kang atat, alas-cinco pa lang ng hapon, mamaya pa ang hapunan" ganting sigaw ko naman dito habang naka-upo pa rin ako sa labas ng bahay
"ay weh? Haha sige" sagot naman nito
Hay naku si mama....
Kinabukasan ay walang gana akong bumangon para maagang makapaghanda dahil ngayon ang enrollment ng university na pinapasukan ko. Mahabang pila na naman ang haharapin ko at tiyak badtrip na naman akong uuwi nito, bakit kasi hindi na lang gawing online ang enrollment o di naman kaya para mas madali ay wag na lang nilang pagbayarin ng enrollment ,mas bet ko yun!
"hoy, Fritz anong sinisimangot simangot mo diyan? Ang aga-aga ganyan ka anak,sige ka wala kang maaakit na lalaki niyan sa school" maagang asar sa akin ni mama habang inihahanda ang almusal sa lamesa
"naku ma ang aga nang ganyan ha" inis kong sagot dito
"ay, tarush ni Fritz..meron ka ba? May extra ako dito?" asar ulit nito sa akin
Nakuha pang mang-asar ni mama e, kung ibang tao lang nang-aasar sa akin ng ganito baka sinamaan ko na ng tingin. Buti na lang love na love ko tong mama ko kahit nahahawa na ng paunti-unti kay Jopay.
"tumigil ka ma, menopause ka na hahahaha" natatawa kong sagot dito na kaagad ikinapula ni mama
Boom panis
"wala kang allowance ha" inis na sagot ni mama
Hahaha nabadtrip siya, shockers
"mama, ang aga-aga ng simangot na yan" asar ko pa rin dito
"he tumigil ka, bilisan mo diyan at naghihintay na ang service mo sa labas" sagot nito sa akin
Hala ngayon na ba yun?
"MAMA! Naman e!, tinuloy mo talaga? At saka enrollment pa lang ngayon e" parang bata kong reklamo dito
"aba, Frtiz, sinusulit lang naming ang bayad na pang isang taon, at saka pasok sa banga yung service mo, hinanap talaga kita ng pak na pak" biglang asar nito sa akin
"ma, isusumbong kita kay papa..sasabihin ko ginagawa mo akong bakla" sagot ko dito
"sus, ako pa niloko mo Fritz ha, wag ako ,wag ako hahaha" tumatawang sagot sa akin ni mama
May tama na ata si mama
"ma mag-almusal ka na, napapala mo kasi katol inaalmusal lagi e" sumusuko kong sagot dito
Pagkatapos kong magalmusal ay kaagad ko nang inayos ang sarili ko, kasama na doon ang pagaayos ng bag,sepilyo,pabango,wax ng buhok, ay syempre ang paghingi kay mama ng pera pambayad ng tuition.
"Fritz,double time kanina pa sa labas yung service!" sigaw ni mama sa kwarto
"bat kasi di mo man lang pinapasok ma" sagot ko naman dito habang sinusuot ko ang uniform ko. Alam naman kasi ni mama na matagal akong magbihis ,hindi man lang nasanay.
"uyyyy si Fritz, humaharot nalaman lang na pogi ang sundo. Alam na this" nangaasar na sagot nito na sinabayan pa nang nakakaloko niyang tawa.
"mama naman e!" naiinis kong sagot dito
Lahat na lang binigyan ng meaning ha
"sige ma, aalis na ako. Nasaan ba yung tricycle na yun ?" paalam ko kay mama nang makalabas ako ng kwarto ko.
"nasa school na" sagot ni mama na kaagad kong ikinagulat
"char! Hahaha nandyan lang sa labas,sige bye anak. Use protection ha" pahabol ni mama na hindi ko na sinagot dahil alam kong hindi rin ito matatapos sa kaaasar sa akin
Dirediretso na akong lumabas at nang makita ko ang tricycle na nakaparada sa bahay ay kaagad na akong sumakay.
"kuya ,alis na po tayo" sabi ko nang tuluyan na akong naka-upo sa loob
"ay sir nandyan na ba kayo, sige tara na po" sagot naman nito bago tuluyan sumilip sa kinauupuan ko sa loob
magsasalita ba ako kung wala ako doon. Yan na naman tayo sa mga tanong na pang-engot e.
"ay takte ikaw!!" gulat na reaksyon ko nang makita ko kung sino sino ang magiging service ko.