Gulat man ay hindi rin nag-react si Engot
"tsanggalang yan" mahinang bulong ni engot
Aba Aba!! nag-react din pala
"hoy sinasabi mo diyan? Saglit nga maghintay ka diyan!.. iba ka din e noh!? Mama!!!!! " sigaw ko sa labas
Dali dali namang lumabas ng bahay si mama dahil sa pagsigaw ko.
"ano ba yan Fritz ang ingay mo ha?" sita sa akin ni mama
Kasi sa kagagawan mo to Ma e
"Mama ito kasi oh, bat ito?" sumbong ko dito
"oh anong problema diyan? Choosy ka pa ba? Taas ng Standards anak ha" tanong sa akin ni mama na kaagad ikinatawa ni engot n kanina pa nakikinig sa amin
"Ma, ayoko niyan. Iba na lang .......si Melgar na lang ma" sabi ko dito
"ayyy anak, ang alam ko hindi mo na crush si Melgar e..di ba elementary mo pa yun crush..." biglang sabi ni mama
Ohmy god.Hindi niya ba alam na may ibang tao. Ang kahihiyan ko mama, nahuhulog sa floor.
"ma ano ba? May tao oh" mahina kong bulong dito
"ay oo nga noh hahaha, Lino pasensya ka na sa anak ko ha. Ganito talaga to pinaglihi to kay Mulan e" sabi naman ni mama
"okay lang po ma'am, hindi po ata ako type ng anak niyo" nakangisi namang sagot nito sa akin
" Naku alam ko ang taste nito Lino, unting push lang to hahaha"nangaasar na sabi ni Mama kay Lino
"hoy, wag kang naniniwala sa mama ko, nagbibiro lang yan" nambabanta kong sagot dito
"sige,sabi mo e" simpleng sagot nito
"oh siya, anak wag ka nang ano diyan, umalis na kayo at tumatanghali na. Lino ,anak ikaw nang bahala kay Fritz ha, prinse...este prinsipe namin yan." Singit ni mama
"Fritz,wag nang mag-inaso diyan. Sakay na, akala mo ikinaganda mo pag-iinarte mo ha" bilin naman nito sa akin na sinamaan ko lang ng tingin habang padabog akong sumasakay sa tricycle
"sige po alis na kami ng prinsesa niyo" paalam ni engot sa labas
"namo ha!" sigaw ko mula sa loob
Hindi ito nagsalita at tuluyan nang pinaandar ang makina ng tricycle, wala pang 20 minutes ay nakarating na kami sa harap ng University.
"nandito na po tayo mahal na prinsesa" biglang sabi nito
Walang hiya ito ha
"Alam ko hindi ako bulag,maghintay ka wag kang atat. Gusto mo ikaw na lang pumasok sa school, ikaw ata malelate e" naiinis kong sagot dito
Hindi na nagsalita si engot kaya ipinagpatuloy ko muna pagfill up ng form sa loob ng tricycle nang bigla akong magulat sa ginawa nitong pagpasok
"Hoy, ano to? Bat ka sumisiksik dito?" gulat kong tanong dito
"Mag-usap nga tayo? Bat ba ang init ng dugo mo sa akin" biglang tanong nito sa akin
"oh mag-uusap lang pala e, bat sumisiksik ka pa dito, ang init init e" reklamo ko dito kunwari
"para matino ang sagot mo. Bat ang init ng dugo mo sa akin ha?" sagot naman nito sa akin
" bat mo nalamang mainit? Nathermometer mo? Luh...gawa gawa siya oh!"pamimilosopo ko dito
"Pilosopo ko ha. Bakit nga ang sungit mo sa akin?" at mas lalo pang lumapit sa akin.
Grabe hindi ko alam pero bat kinabahan ako bigla ng maramdaman ko yung nagtatama yung mga braso naming. Hindi ko alam bat bigla akong nagandahan sa mga mata niya , wala namang espesyal sa suot niya ngayon pero gwapong gwapo ako sa suot niyang sando at faded na maong shorts.
"wala ka na doon" mataray kong sagot dito
"baka naman may gusto ka sa akin? Umamin ka nga" nanghahamon nitong tanong sa akin
Wow. Level up ang kakapalan.
"baka naman gusto mong magkape para kilabutan ka sa sinasabi mo, at saka lalaki ako no!" naiinis kong sagot dito
"sus, siguraduhin mo lang ha, baka mamaya mahulog ka sa akin...tsktsk" nakangisi nitong sagot
"ulul, napapala mo kakapapak mo sa rugby. Tabi nga diyan !! papasok na ako...." Sagot ko dito sabay tulak sa kanya palabas ng tricycle
"bye my princess, hahahaha ano oras labas mo nga pala" sabi nito sa akin
"hulaan mo, gago" sagot ko dito sabay nagmamadaling lumakad papasok ng gate
Walang hiya yung engot na yun, mala-electricfan sa kakapalan e. Yan na nga ba sinasabi ko e, hindi naman sa kinahihiya ko ang s****l preference ko pero ang ikinatatakot ko lang ang gawin akong katatawanan at paglaruan ng kung sino man.
"Bingo!!!" malakas na boses na bumasag sa pag-iisip ko
"lalim ng iniisip mo ha!" agad na sabi nito sa akin ng mahabol niya ako mula sa mabilis kong paglalakad
"ay ikaw pala yan Topher,kamusta?" sagot ko dito
"ito okay naman, may vacation was great tiring but very fulfilling you should have come. Kung pumayag ka lang sana na isama kita then magiging mas Masaya sana" mahabang sagot nito na mukhang batang tuwang tuwa sa mga pinuntahan nila ng family niya
"naku, siyempre family vacation yan, ayoko namang ispoil ang moment niyo" maikli kong namang sagot nito
"sus, youre not nobody naman sa family e, you know them and they also know you they like you pa nga e, kaya next time I wont take no for an answer ha! Promise?" sagot naman nito sa akin habang itinataas pa ang kanang kamay niya asking me to say promise
"promise" sagot ko dito sabay taas din ng kanang kamay
He is Christopher Mallari , siya ang pinaka maituturing kong kuya,bestfriend at protector ko dito sa University. Nakilala ko siya noong 1st year college kami sa isang organization kung saan isang siyang officer, he's very welcoming and accommodating sa akin up to the point na nakalimutan niyang may iba pang bagong recuit sa org. He is a 4th year civil engineering student, kaya naman bilib na bilib ako sa kanya pagdating sa math. Hindi lang yan he is also part of the university-wide debate team na ilang beses ng nagchampion, isa rin siyang soccer player, and a deans lister. Yan ang kuya Topher ko, and take note ako lang ang pinayagan niyang tawagin siya ng Topher. If we're gonna talk about looks, hrabe ang perfect ata nito shocks, matangkad si kuya Topher dahil na din sa dating basketball player ang dad niya, he's Moreno pero hindi yung morenong sunog ha, yung tan ang dating nung kanya, and medyo lumaki na yung katawan niya ngayon kasi nagstart na siya last year mag-gym e.
"Come on, Bingo hatid na kita sa building niyo" hila nito sa akin sabay kuha ng bag ko
"Kuya Topher, wala pang class ngayon. Doon ako pupunta sa admin papaenroll nga e" sagot ko naman dito
"kuya,kuya ,kuya ka na naman e, ilang beses na kitang sinabihan na don't call me kuya" sermon nito sa akin
"ang awkward kasi pag tinawag kitang ate hahaha" natatawa kong sagot dito
"tsss. Ikaw talaga. Basta call me with my name topher that's enough" sagot nito sa akin
"wag ka nang magtampo TOPHER, okay na TOPHER.... Hahaha" namimilosopo kong sagot dito
"Youre too cute talaga" tanging sagot nito sa akin habang tuloy na kaming dumiretso sa admin office.
Nagging mabilis ang proseso nang pagpapaenroll dahil na din sa kasama ko si Topher. Marami kasi siyang connections kaya there are instances na hindi na kami pinapapila at agad kaming inaaccomodate. Ayokong mang pumayag dahil feeling ko unfair sa iba , ay pinipilit ako nito at nagtatampo-tampuhan.
"Tara, mall tayo gusto mo?" yaya sa akin nito pagkalabas ng admin office
"ahhh, wala akong dalang extra money e, next time na lang" sagot ko dito
"ano ba yan, di ba sinabi ko na sayo before na basta ako kasama mo wag ka nang magworry pagdating sa pera" pagpapaalala sa akin nito
Owww so sweety, patotie
"ehhh, nakakahiya naman Topher" nakayuko kong sagot dito
"magtatampo talaga ako sayo niya Bingo" pananakot nito sa akin
"sige na nga, makapanakot naman ito..." sagot ko dito at tuluyan na nga ako nitong hinila papunta kung saan nakapark ang kotse nito.
Nagging Masaya ang pagiikot naming sa mall ni Topher , he's actually a total package , a boyfriend material , ilang beses ko na nga itong nireto sa mga blockmates at kaibigan kong tingin ko ay bagay dito pero lagi naman itong tumatanggi at ang isasagot lang sayo ay " study First" jusko akala mo naman mapapaksalan niya ang mga libro at diploma. Ang bad influence ko sa part na ito hahaha. Halos sumabog na din ang tiyan ko sa dmai ng pinakain nito sa akin, gusto niya daw kasi na magkalaman ang katawan ko para daw if ever magstart na akong maggym ay siya na ang bahalang magturo sa akin, dami alam ni Topher.
Pinipilit man ako nitong ihatid ay hindi na ako pumayag dahil masyadong nang malalim ang gabi at sa Makita pa ito nakatira. Kaya ang ginawa na lang nito ay itinawag ako ng taxi at halos sermunan at bigyan niya ng assignment si Manong driver sa dami ng habilin na sinabi nito. yung totoo tatay ba kita Topher?
"mama, im home..." sigaw k okay mama nang makapasok ako sa bahay
At bigla na lang lumabas si Mama ng kusina na mukhang galit na galit kasama si Engot na para bang galing sa bugbugan sa itsura nito.
Anong ganap?
Anong meron sa serious face?