Chapter 2
Puri
Matangos na ilong, mahahabang pilik na mata, ang mga labi ay perpektong nakaukit, at malinis na gupit ng buhok. At saka ang kaniyang pagtindig ay tila pag-aari ito ng buong paligid na kung sino mang mga babae ay mapapalingon sa angkin nitong kakisigan.
Napabitaw ako ng titig sa binatang iyon. Nanatili pa rin ang aking kamay sa bandang dibdib at pinakiramdaman ang kakaibang pagtibok nito. Sinuway ko ito dahil ang alam ko sa sarili ko ay mali. Hindi ako maniniwala sa unang tinging pag-ibig. At ayaw kong makaranas nun. Nakahuma ako at umayos ng tayo saka nagpatuloy sa pakikinig nila.
“Hey garreth.” Ngisi ni frida saka nanguyapit ito sa batok ng binata at pinatakan ng halik ang natural na mapulang labi ng binata. Mukha atang napilpilan ang lalake dahil sa pagiging agresibo ng babae. Napalunok ako sa aking nararamdaman na tila hindi ko gusto ang nangyare, na parang may nagpo-protesta sa akin na gustong sugurin si frida sa ginawa nitong pag halik.
Muntik ko ng nabatukan ang sarili ko sa naisip.
Humawak ito sa beywang saka inalayo nito ang sarili kay frida. Batid ko rin na akoy nagulat sa inakto niya, maliban sa may relasyon ang dalawa ay hindi naman ipagkakaila iyon.
“Watch your move, frida.” suway ng mama nito at nanghihingi ng kapatawaran sa ginawa ng anak. “It's okay tita.” alanganing ngiti naman ang iginawad ng binata.
“Mom, nililigawan po ako ni Garreth, besides anong masama roon? Alam naman nila tita at tito eh. Right tito and tita?.” Ngisi pang Tanong nito na siya namang ikinatango at ikinangiti ng mag-asawa.
“Hayaan mo na, alytha besides sila din naman ang magkakatuluyan.” sabi nung si George, tatay ata ni Garreth na nagmana sa kagwapohan.
Humawak si frida sa braso ni Garreth saka ngumiti sa binata at sinuklian rin nito ng ngiti. Tumikhim ang mag-asawa sa kabila ng nangyare at pilit na ibalewala. “Take a sit son, you can sit beside frida.” imuwestra nito ni roda ang upuan sa kanila.
Pagkatapos ay nagkakamustahan sila at ang nag-iisang anak ng mga cua. Rinig ko lang din kay frida iyon, at itong binata pala ang sinasabi niyang soon to be boyfriend. Kay swerte niya kung ganun dahil alam kong may kaibatan ang binata lalo na at sa mabini at maginoong titig nito na kailan man ay hindi ko pa nakikita.
Gusto ko rin sanang magkaroon ng nobyo ngunit alam kong malabo dahil wala rin namang magtatangka sa akin dahil sa kapayatan at putla ko. Wala rin akong masyadong laman Di katulad ni frida.
“How about we eat first?.” maligayang sabi ni madam. Tumayo ito upang paunlakin silang kumain doon sa dining room. Napasiksik ako lalo sa dingding.
“Sounds great, mukhang mas lalo akong nagutom.” si goerge at hinihimas ang tiyan nito. Sumunod na rin sila.
“Me and my daughter are the one who cook this dishes for you all.” tinuro nito ang pagkain sa kanila habang takam rin ang mga ito sa handa, nagsimula na silang umupo.
Gusto kong magprotesta at sabihing ako iyon pero alam ko naman kung saan ang limitasyon ko. Malungkot ko na lamang na pinakinggan ang salitang binatawan ni madam. Kahit labag sa loob kong angkinin niya ito ay wala akong magawa sapagkat naniniwala ang mga ito. Kaya hanggat maaari ay nanatili akong tahimik.
“Oh, looks so delicious. Mukhang mapaparami ang kain ko nito.” sabi nung si roda ang mama ni Garreth. Sa kabila ng aking lungkot ay nagawa kong ngumiti. Ngayon ko lang naranasan na may pumuri sa niluluto ko ngunit alam kong hindi iyon para sa akin.
“I didn't know you can cook.” wika ni Garreth kay frida.
“Y-yeah I can, and surprise!...” ngiti niya sa binata. Rinig ko ang mahinang tawa nito. “I cook it for you, garreth I know you'll love the taste.” pagmamayabang nito.
Nakisabay na rin ang mag-asawa.
“You did great job iha and alytha. Parang pang word class ito.” manghang sabi ng matanda sa kanila habang iniisang tikman ang pagkain, pati na ang asawa nitong hindi makapagsalita.
“M-mabiro ka talaga roda. Pero t-thank you.” balisa at hilaw ang ngising Iginawad ni madam. Ayaw nito na na magluto siya dahil mainit saka tinatamad siya. Kaya hindi alam nung mga bisita niya na ganun ang ugali niya.
“It's true I'm not joking.”
Dagdag ni roda rito kay madam at frida. “I think Roda is right.” tumatango ang asawa saka parang sarap din sa pagkain.
Tumuon ang mata ko ni Garreth na iniisa ring tinikman ang niluto ko--niluto raw ni madam alytha at frida. Bumalatay sa ekspresyon nito ang bahagyang pagkamangha sa mata at ngiti. “Hmm... I think this is my new favourite dishes. Lahat ng ito.”
Kahit ako ay napangiti rin dito mula sa aking tinataguan, at alam kong hanggang dito lang rin ako.
Naengganyo naman si frida sa sinabi nung lalake.“T-talaga Well I c-can cook for you.” utal ngunit nakaya niyang maging confident sa harap ng binata na paniwalang paniwala na siya ang nagluluto. Humawak pa ito sa braso saka bahagyang napahaplos roon. Hindi na napansin ng binata dahil pokus ang atensyon sa kinakain.
“I did great cause, I'll pour out my love and happiness while I'm cooking.” dagdag ni frida rito.
Marahan ang ngiti na iginawad ng mag-asawa habang pinagmasdan ang kanilang anak. Pati na rin sa madam alytha.
“Well, I'll wait to that.” ngiti nito na halos hindi na matanggal. At sa isipan ko.
“Mabuti pa ay busugin muna natin ang sarili sa pagkain.” putol ni madam mula sa eksena. Sabay naman silang natawa na bahagyang ikinasimangot ni frida.
Kumain na sila habang panaka nakang nagsalita. Gusto ko ring makakain ng masarap na pagkain kaya napalunok ako. Napahawak ako sa aking tiyan na walang laman at nagrereklamo na sa gutom. Iniwan ko na sila roon, habang ako ay pagod at hapong pumasok sa maids quarter. Tanging banig lang at kumot lang ang meron ako at ang bag ko ay ginawa kong unan kapag ako ay natutulog.
Huminga ako ng malalim habang kinuha ang asin saka kanin na pinuslit ko kanina sa kusina buti na lang ay hindi ito nilalanggam. Banayad akong kumain at iniisip ito na isang masarap na niluto ko kanina, ang gusto kong putahe na ginawa ko sa isang bersyon.
Simple lang naman iyon, at malaki ang tuwa na narinig ang papuri nila. Ngunit bumalik sa isipan ko ang pag angkin ni madam alytha sa niluto ko. Sino ba naman ako para ipaalam sa kaniyang bisita na ako ang nagluto.
Balang araw magiging chef rin ako. Ipapakita ko sa kanila na hindi lang ako hanggang dito. Sisikapin ko ang mga lahat na natutunan ko sa panonood kapag ako ay matatagalan sa pag grocery. Dadaan kasi muna ako sa mga Internet shop upang manood sa mga sikat na chef.
Nagsimula naman akong magkainteres nung nasusugatan ako sa kamay, napapaso saka binulyawan ng paulit ulit at binugbog, hindi ko akalain na sa kabila nun ay naging pursigido ako na matutunan iyon lahat at hindi muling lumapat ang kamay nila sa akin maliban sa may ginawa naman akong kapalkapan na hindi ko sinasadya.
“You promised me, you cook for my birthday.” iyon ang bungad na rinig ko mula sa Teresa ni frida. At kasalukuyan atang kasama ang binata sa teresa nito a dito sa likod napili nila kung saan naroon ako na hindi nila nalalaman, bahagya akong nagtago sa ilalim ng ikalawang palapag sa teresa nila. Habang ang kanilang mga magulang ay nasa harapan kung nasaan ang swimming pool at doon na mahinga sa lounge ni madam saka may maliit rin na cottage ron.
Naglilinis kase ako ng malaking vase nila at hindi ko sinadyang marinig ang kanilang boses.
“O-of course garreth, it's your birthday so I can cook for you, at mas papasarapin ko pa lalo.” rinig kong bumungisngis si frida.
Hindi ko alam kung magluluto ba talaga si frida dahil hindi ko pa naman nakikita noon na nagluluto siya.
“I'm proud of you.” tila manghang anas ng binata. Natigil ako sa pagpunas.
Kung ako ata ang nasa kalagayan ni frida hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak dahil ngayon ko pa lang naranasan na may namamangha sa akin. Asa naman ako kung ako iyon?.
“Kaya ka hulog na hulog sa akin, pero papahirapan muna kita sa panliligaw sa akin.” rinig kong tugon ni frida.
“No matter it takes, I will wait for you.” nasa imahe ko ang ngiti nung nagngangalang garreth. “You'll be mine soon.” humigpit ang hawak ko sa pamunas.
“Let's talk into my room.” iyon na ang huling tugon ni frida kay garreth. Hindi ko na alam ang ginawa nila sa loob ng kwarto.
Nililigawan pala ng binata, at kung ako si frida ay papayag na talaga ako. Ngumisi ako ng mapait, hindi ko dapat maramdaman ang kung ano man ang namumuo sa akin dahil wala akong karapatan at hindi nila---niya ako nakikita.