Chapter 1

1120 Words
Chapter 1 Ikinasikdo “You also make cleaning here maid.” maarteng anas ni frida. Tinuro nito ang salas ng kwarto niya. “make sure you do it clean, cause i will make my soon to be boyfriend sitting in here.” turo na naman nito sa sopa. Sinunod ko ang sinabi niya saka pinalitan ng sheets. Nakasuot ako ng malinis na gloves dahil ayaw nila na kinakamay ko ang kanilang gamit baka raw mahawa sa kung sakit ano man meron ako. Wala naman akong sakit sadyang maputla at payat lang talaga ako. Minsan naiinggit na ako sa kagandahan ni frida, alam kong kasalanan ang mainggit pero Di ko lang talaga mapigilan na ikokompara ko ang Mukha at katawan ko kay frida. Maganda siya, anak mayaman. Ako isang maid lang at hindi naranasan na minahal ng isang magulang. Lumipat ako sa vase kung saan nilalagay ang mga bulaklak. “Don't touch my flowers maid. You just make linis the vase.” dagdag nito saka inagaw ang bulaklak nito na nahawakan ko na. Wala namang pinagbago sa trabaho ko, sadyang ganito sila. Palihim kong pinasadahan ang tingin ang suot ni frida. Nagkunware akong nagpupunas saka liningon siya, nakatalikod siya sa akin habang inaayos ang bulaklak nito. Sexy ang damit niya, may laman si frida, sa harapan man o sa likuran. Sakto lang din ang pangangatawan, saka lahat sa kaniya maganda. Tinignan ko ang suot ko saka, marahang napangiti ng mapait, kailan kaya ako magkakaroon ng damit na sexy? Halata namang mamahalin ang suot niya at sa akin ay mura lang. Pinagkasya upang may maibigay sa mga kapatid at ina. “Magluto ka na ng agahan, agora. Alam mo namang ikaw lang ang maid dito, you'll do the multitasking right?.” Matigas na wika ni madam alytha. Hawak ang pamaypay saka sopistikakadang manamit. Tumingin ito sa kaniyang wristwatch. “Malapit na silang darating kaya bilisan mo, sisiguraduhin mong malinis at masarap ang niluluto mo.” mando nito. Agaran akong tumango. “Masusunod po madam.” wala akong Ibang sasabihin kung hindi ang palaging Masusunod po madam at tumalima na papuntang kusina. Hindi kailan man ay naging masaya ako sa tuwing iniinsulto nila ako, kahit ginawa ko naman ang utos. Kaya ngayon nag-iisa lang akong maid dahil nung marami pa kami ay hindi nila makakayanan ang ugali ng amo kaya ako na lang naiwan kahit nasasaktan na ako kapag umaatake ang pagka-irita nila at ako ang pagbuntunan ng inis. Naghugas na ako ng kamay saka muling nasuot ng pastik gloves. Minabuti kong hinanda ang mga ingredients. Sanay na akong magluto kaya hindi na mahirap sa akin, sanay na akong masugatan sa kutsilyo, mapaso, matalsikan ng mantika. Lahat tiniis ko, dahil wala akong Ibang choice. Binasa ko ang ibabang labi ko habang nagpatuloy sa paghihiwa. Iyung paghiwa na parang sanay na sanay talaga, kase paulit ulit ko itong pinapraktis saka nanonood rin ako minsan ng mga nagluluto kaya medyo may idea ako kung paano, at kung ano ang tamang timpla. Kailangan kong maging masaya, at mamahalin ang pagluluto saka pagtimpla, dahil kung hindi ay baka pangit ang lasa at pag masama ang loob. Ngumiti ako sa kabila ng aking iniisip. Pagkatapos ng dalawang oras ay nakatapos ako ng walong putahe, pinagsabay ko lang ito tutal kompleto ang kagamitan nila. Nagpupunas ako ng pawis saka bumuntong hininga. Napangiti ako sa amoy ng niluluto ko. Sinunod ko ang kanin saka malinis na sinandok iyon patungo sa lalagyan, meron ding fried rice na maraming hinahalo at nangingibabaw ang bango nito. “I hope it is delicious maid.” taas kilay na sabi ni frida sa akin. Marahan akong tumango. “Tikman niyo po mam.” hindi ko siya tinawag sa kaniyang pangalan dahil ayaw nito. Umuusok sa init ang ulam, kita ko ang paglunok ni frida roon. Palihim akong ngumiti. “Well, don't want to taste it.” irap niya saka tumalikod. Hindi ko na lang siya pinansin at iniising inihanda ito sa dining area. Inihanda ko ang lamesa habang nakamasid si madam. “They already arrive, ako na diyan agora. Umalis ka na saka h'wag kang magpapakita kung nandiyan na sila, ang mga bisita ko ay hindi gusto ng kalat.” striktang anas nito. Nagbow muna ako bago tumalikod, hindi na ako nakapagsalita. Nagtago ako sa may sulok, iyung nakikita ko pa rin sila. Mayamaya pa ay narinig ko ang tila Angel na halakhak ni madam alytha sa mga bisita niya. “Welcome to my house, Roda and George!. Let's take a sit, sit.” paunlak ni madam. Tinuro nito ang upuan. “Hello, alytha it's been a long time.” sabi nung si George ata ang pangalan. Bahagya akong sumilap, ngunit malabo nila akong makita. Maligayang sinagot ito ng matanda saka magkaedad lang ang mga ito. “How's your company?.” Tanong ata nung si asawa ni George. Mukhang Anghel at mabait, maganda saka Mukhang mahinhin, gwapo rin ang asawa nitong si George. Sinagot naman iyon ni madam ngunit hindi ko na maiintindihan dahil malalim ang salitang binitawan, saka kunti lang ang alam ko sa ingles. Nakinig lang ako, hanggang sa sumulpot si frida. “Hello tita and tito!.” nakangiting bungad niya rito habang iba na ang damit. Nakashortshorts saka croptop, nakalugay ang buhok, lumilitaw ang kaputian ni frida sa kaniyang suot. “Oh hey sweety, how's your school?.” Bati ni Roda ata ang pangalan. Humalik siya rito sa pisngi. Di nakasagot si frida at pansin ko ang Palihim na pagngiwi nito sa tanong ng babae. Sumagot si madam alytha kay Roda. “Well, ang dami niyang achievements, alam mo na nagmana sa akin.” sabay silang natawa at namangha. Pinupuri nila si frida, dahil madaming naka display na medalya at award sa room nito. “Job well done iha, pagpatuloy mo lang yan.” puri nung nagngangalang George. Naiingit ako, dahil may nagpuri kay frida at sa tanang buhay ko, hindi ako makaranas ng papuri ngunit meron sana pero sa maling dahilan naman, malungkot kong pinasadahan sila ng tingin. Ngunit naaawa ako sa mag-asawa dahil hindi naman nagsabi ng totoo si madam alytha na may achievements si frida. Ang totoo niyan ay peke ang lahat ng iyon, mapaniwala lang ang mag asawa. “Where's Garreth by the way?.” Tanong ni frida sa mag-asawa sabay ngiti ng mabait at nawala ang kamalditahan. Sasagot na sana ang mga ito nang may sumulpot na isang binata na may katangkaran at kagwapohang taglay. “Sorry I'm late.” ngumiti ito na siyang ikinasikdo ng puso ko at hindi ko alam kung bakit kaya napahawak ako sa aking puso at pilit kinakalma iyon, napaayos ako ng tayo. Sadyang nakaperpekto niya tignan na kung kahit ako ay nahihiya siyang tignan at kahit hindi man ako nakikita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD