Prologo

1080 Words
Prologo Insulto “Mabuti naman at pinagtataguyod mo yung pagsusuporta ng mga kapatid mo, sana naman ay patapusin mo sila sa pag-aaral.” sabi ni mama habang naglilinis ng kaniyang kuko, nakasuot ito ng Spaguetti strap saka shortshorts. Ang trabaho nito ay tagapangasiwa sa club, at retired club dancer. Hindi muna ako nakapagsalita. Nagbunga kami nung nag trabaho pa siya sa club. Ang sabi ng mga iilang kapit bahay namin ay iba iba ang lahi namin pero hindi nila alam kung sino ang mga ito at hindi ko man lang alam kung sino ang tunay kong ama at ang ama ng mga kapatid ko. Takot akong mag sabi ulit kay nanay dahil baka mabugbog na naman ako kase nung bata ako, may nangbully sa akin na wala akong tatay, anak sa labas, ika nga. Nagtanong ako nang Nagtanong sa ina ako hanggang sa pumalahaw na ako ng iyak at ang ina ko ay hindi nakapagtimpi, binugbog ako at kinabukasan hindi nakapasok dahil sa masakit ang katawan at nilalagnat, ni hindi nga ako inaalagaan ng aking ina. Umalis lang ito ng bahay, kapag may kinikitang lalake. Bumuntong hininga na lang ako habang pinagmasdan ang dalawang kapatid ko na nasa high school na. Kasalukuyang nag-aaral. Obligasyon ko sila dahil ako ang bread winner ng pamilyang ito, hindi ako nakapag-aral at sa edad na disi otso ay nagtatrabaho na ko, at kung saan saan ako napadpad makahanap lang ng pera para sa pantustos ng pag-aaral nila. Ngumiti ako habang pinagmasdan sila, kahit ako ay nangayayat, pagod at maputla ang mukha sa kakatrabaho, ay hindi ako sumusuko, at hindi ako magrereklamo basta pagbubutihin lang nila yung pag-aaral nila. “Aalagaan ko po sila ma at susuportahan, hanggat makakaya ko.” umismid ito saka napairap. “Itaga mo sa bato iyang sinasabi mo, yung gastosin nila sa eskwelahan ikaw na sumagot.” pabalang nitong sabi. Tumango ako bilang pag sang-ayon, namamanhid man ang kamay ay nagawa ko pa ring ligpitin ang mga kalat sa bahay, nililinis ko bago ako aalis. Hindi ako nakatira dito sa bahay, uuwi lang ako kapag may isa sa kanila ang kailangan ako. Inihatid ko lang yung pera na kailangan nila kahit wala ng natira sa akin. Ayos lang rin sa akin kapag hindi nila ako kukumustahin, kung ano ba ang nangyayari sa akin, saan ako natulog, saan ako kumain, saan ako naghahanap ng masisilungan. Ayos na sa akin iyon kapag nakita ko mga kapatid ko na masipag na nag-aaral saka ayos lang din kapag kinikibo nila ako kapag may kailangan sila. Mas mabuti na iyon kaysa hindi nila ako papansinin. Napatingin ako sa kamay kong puno ng galos at paso dahil sa gawaing bahay. Namamasukan kase ako bilang katulong, at ngayong bente anyos na ako ay mas pursigido ako. Titiisin ko ito kahit sinasaktan man ako ng amo kong babae. Pagkatapos kong maglinis ay pinagpag ko ang damit ko saka kinuha ang mumurahing sling bag. Magpapaalam na sana ako sa kanila nang mabungarang lumabas si mama sa kaniyang kwarto at humalukipkip at nagsalita. “Alam mo, maganda ka naman agora, pwede kang mamasukan sa club. Madali lang kumita, kakandong ka lang magkapera ka na.” ngising sabi niya. Bumulatay sa aking mukha ang takot, kaya agaran akong napailing. “May trabaho na ho ako, maayos naman ang sahod ko. Kaya ayaw ko po.” napahigpit ang hawak ko sa sling bag saka napalunok nang tumawa ito ng sarkastiko. “Ang daming arte mo naman, agora. Bakit hindi ko na isipang ibenta ka na lang sa mga kano noon? Disin sana ay milyonarya na ko kapalit ng katawan at puri mo.” may bumara sa lalamunan ko at nagpipigil ng iyak. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Pinipigil ko rin ang mapaluha at bago pa manlabo ang mata ko sa luha ay ikinurap ko ito saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. “A-aalis na po ako.” mahina kong sambit at hindi ko hinintay ang tugon pa nito. Wala rin naman siyang pakialam kung mamaalam ako o aalis. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Nasasaktan ako sa sinasabi nito na siyang ikinadurog ng puso ko, sino ba naman ang hindi nang pagsabihan ako ng ganun na sa mismong mama ko ang nagsabi, at para bang hindi ako kadugo nito at kay dali niyang masabi lahat, na hindi ko kayang gawin sa tanang buhay ko. Bago ako pumara ng tricycle ay bumili muna ako ng asin sa tindahan. Ito ang uulamin ko kapag wala na akong pera, pamasahe na lang kase ang natira sa akin, malayo layo pa naman ang byahe pabalik sa pinagtatrabahoan ko. Kaya rin ako bumili ng asin upang may maulam ako sa tuwing nagtatrabaho ako sa amo ko. Hindi kase ito nagbibigay ng uulamin ko, ayos na rin sa akin kapag may kanin nang tiratira. Tiniis ko ang lahat sa puder ng amo kahit masakit na sa buhay ko ang ganitong sitwasyon, ni hindi ako makapagreklamo dahil walang aanib sa akin, lahat sila may koneksyon at tila wala akong karapatan sa lahat dahil isa lang akong mahirap na maid. Kumain ako ng masagana pagbalik ko sa trabaho, wala pa ang amo ko kaya minamadali ko ang aking sarili. Nang matapos ay saka ako nagliligpit. Naglilinis na rin ako sa mansion, sa buong kasulok sulokan, mahirap na at masisinghalan na naman ako. “Bukas na bukas ay maghanda ka ng makakain, at maglinis ka na rin dahil may bisita ako.” iyon ang salubong ni madam Alyda sa akin. “and please don't show your face to them, I don't want any maid roaming around while I was talking to my visitors.” striktang anas nito. Agaran akong tumango. “Masusunod po madam.” ani ko saka hahawakan na sana ang dala nito ng pigilan ako ni Friza ang anak ni madam at magkaedad lang kami. “don't you dare to touch it, baka may germs ka pa sa kamay mo.” nandidiri nitong anas saka nilalayo ang paper bags nila at ang body guard na nila ang nagdala papasok sa bahay. Hindi ako nagsalita, napamaang ako at umatras. “pasensya na po.” nasabi ko na lamang at yumuko. Si madam alytha ay walang reaksyon, nanatili ang sriktang tingin at nagpatuloy sila sa paglalakad. Minsan hinihilang ko na sana magkapera ako para makaalis na sa puder nila. Ngunit heto ang kinikita ko ay hindi pa rin sapat kaya kung makakapag-ipon ako ay hahanap ako ng Ibang mapapasukan, iyong walang mang iinsulto sana at saktang ang mahihirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD