CHAPTER 1
Precious's POV
Isang mausok, mabaho at amoy araw ang sumalubong sakin pagkababa ko ng Bus.
My gahdd!! Isang oras ako sa byahe! ang traffic pala talaga sa EDSA! nakakaloka!
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nag ku-commute no?? wala kasi akong sariling sasakyan..
Mahirap lang ako na maganda na may pangarap sa buhay! hindi ako tulad ng iba na nagkikinangan sa ginto ang mga suot na damit, mga naggagandahang sasakyan at nag papalakpakang credit cards sa loob ng pitaka!
Magkaiba naman ang bawat tao sa mundo. May kanya-kanya tayong tungkulin na dapat gampanan.
Sila--- mayayaman na kailangan pagsilbihan.. Habang ako naman--- mahirap lang na kailangan maglingkod sa kanila bilang isang mababang uri.
Hindi naman porque sinabing mahirap ako or tayo ay hahayaan na nating apak-apakan nila ang pagkatao natin. Ang ibig kong sabihin ay kumbaga, sila ang Amo-- tayo ang empleyado. Ganern..
Pagdating sa tapat ng SC ay mabilis na tumakbo ako papasok ng building kung saan doon ako nagtatrabaho.. Nakita ko kasi yung nakasabit na orasan sa may tindahang pinaghintuan ko! giz!!! sobrang late ko na pala!
Kaha-hire ko lang last week as secretary ng Scyneth Company tapos late ako??!! my gosh!! it can't be! baka matanggal ako! unang araw ko palang palpak na!
Mabilis na tumakbo ako papasok ng building at tinahak ko ang daan pa 60th floor!
yes! nasa pang 60 pa ang office ng napaka bait kong amo!
Actually hindi ko pa nakikita ang mukha ng magiging boss ko, nung nahire kasi ako as his sexytary ay! mali! secretary pala is yung PA nya ang nag assist sakin hehe..
* Tok tok tok*
Katok ko pagdating sa tapat ng office ng boss ko.
"Come in." tinig ng babae ang narinig ko.. Dahan-dahan kong pinihit ang siradura at pumasok.. "Good morning! Precious!" nakangiting mukha ni Ma'am Judith ang sumalubong sa'kin pagpasok ko.. Sya yung PA ng boss ko na sinasabi ko.
"Good morning Ms. Judith, hmm.. Sorry po I'm late.. Naipit po kasi ako sa traffic kanina pagdaan ng EDSA." pagpapaumanhin ko.
"It's okay, wala pa naman si Sir. Basta sa susunod ay agahan mo nalang.. Ayaw kasi ni sir ng late.. May pagka masungit din yun. haha." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Buti nalang at mabait itong si maam Judith, kasi yung ibang PA sa ibang kumpanyang napasukan ko ubod ng aarte! kala mo sila yung boss!
* Kring~~~ kring~~~ kring~~~ *
" Sandali lang Precious ah, Sagutin ko lang.. " paalam nya saka sinagot ang tawag. Habang busy si maam Judith sa kausap nya ay Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng office.
Maayos at organized lahat ng gamit. Malinis tignan at galante.. malawak ang inookupang spasyo ng office, may sariling Cr, kusina, at balcony.. Kulang nalang ay maglagay sila ng mga kagamitan pang bahay para hindi mona sya matawag na Office. dahil sa totoo lang ay mukha na syang maliit na unit, halos kumpleto na ang kagamitan eh.. Kulang nalang lagyan ng kama sa loob para pwede nang tirhan! my gulayy! ganon ka galante ang magiging Boss ko!
Imagine? malaki pa yung Office nya kaysa sa bahay na tinitirhan ko? grr..
" Precious.. Hindi daw makakapasok si Sir.. Paki take down notes mo nalang daw lahat ng mga important details, hahanapin nya yan bukas kaya wag mong kakalimutan ha? saka yung mga nag papa-appointment, Mag set ka ng schedule kung saang araw pwede si Sir.. Basta ikaw na ang bahala dyan ah.. I have to go na, pinapapunta ako ni Master sa mansion. So see you tomorrow, goodluck!" hindi na ako nakasagot dahil nagmamadali syang umalis at lumabas ng opisina. Wala naman akong ibang nagawa kundi gawin ang mga hinabilin nya.
Lumipas ang buong araw na puro sagot ng tawag, lista dito lista doon, pasa dito pasa doon ng mga paper works ang ginagawa ko.. Honestly.. Hindi madali ang maging Secretary.. Nakakapagod din ang magsulat no! tapos yung office pa nasa pinaka dulo ng floor! akala mo naman si sir galit na galit sa empleyado nya! masyado nyang pinapagod para piliin ang ganito kataas na floor! akyat panaog! nakakapagod!
Matapos ang mahabanggggg oras ay sawakas! natapos din ako sa paglilista! grabe! ang hectic pala ng schedule ng isang Manager ano? grabe ang meetings na dadaluhin nya bukas! may 10:00 am tapos may 11:30 am.. Break, right after ng break may susunod na naman sa hapon.. Nakakaloka! ganon pala ka busy ang mga Boss namin? pero bakit sa ibang kumpanyang napasukan ko hindi naman ganito ka busy yung mga schedule nila?? halos wala nga laging naka schedule na dadaluhang meeting.. Puro sila Vacant.. Di kaya mas malakas ang palo nitong kumpanyang pinag tatrabahuhan ko ngayon unlike before? I don't know.. Sabagay mas mataas ang sahod nila dito kaysa sa RC.. Reducal Company.. Yun yung name ng company ng dati kong pinagtatrabahuhan..
'ang weird lang nung name.'
You know what guys, sa tatalong kumpanyang pinagtrabahuhan ko.. Never kong naramdaman na welcome ako, never kong na feel na belong ako sa kanila.. Kasi sa mga kumpanyang 'yon? lahat nag resign ako.. Kasi parang hindi ko makita yung sarili ko na nagtatrabaho ako don.. Feeling ko wala akomg improvement.. Hindi ako umaasenso..
Yung bahay na tinitirhan ko hanggang ngayon bahay parin naman syempre, hindi naman pwedeng maging barko yun diba?? oo no.. oo.. Nababaliw na ko.. Sayo Charot!
Ayun nga guys, yung bahay na pinapangarap kong magkaron ng second floor manlang hanggang ngayon isang floor parin..
' Mas mahirap self kung may bahay ka pero walang floor.'
Mag-isa lang kasi ako sa buhay.. Wala na akong parents mula pagkabata. Iniwana ako ng papa ko sa mama ko, tapos iniwan din ako ng mama ko sa lola ko, Ending iniwan din ako ng lola ko. hindi dahil inabanduna ako gaya ng ginawa sakin ng totoo kong magulang.., iniwan ako ng lola ko ay dahil pumanaw na sya dahil na rin siguro sa katandaan.. Hindi ko alam kung galit ba talaga sakin ang panginoon o sadyang ayaw lang talaga ng mga taong nakapaligid sakin kaya INIIWAN nila akong lahat..
Sanay na rin naman akong mag-isa.
'Pero iba pa rin ang may magulang na tumitingin sayo.. '
Matapos kong mag emote ay umuwi na ko.. Wala na rin naman na akong gagawin dun sa office.. Nagawa kona lahat ng dapat kong gawin..
* KINABUKASAN *
Maaga akong gumising dahil ayokong ma-late na naman sa trabaho ko.. Gaya ng dati kong gawain ay nag commute lang ako.. Thankful naman ako dahil walang traffic.
Dumeretso agad ako pa 60th floor dahil doon nga ang office ng boss ko.
Knock knock..
"Come in." lalaki.. Boses lalaki ang narinig kong sumagot! bigla akong kinabahan! kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito! giz!! Ang aga naman ng boss ko! nauna pa sakin dumating! " Please, come in." nabalik ako sa ulirat ng muling magsalita ang nasa loob.. Kabadong binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok.
LECHE!! KABADO AKO BENTE!
BAKIT KASI ANG AGA NYA???!!!
Maaga na nga akong pumasok-- pero mas nauna pa rin sya sakin???!
"G-good M-morning po, Sir.. I'm sorry, I didn't know that---" nahinto ako sa pagsasalita nang pumihit ang upuan nya paharap sakin.. Nakatalikod kasi sya kanina.
Ang pogi ni sir!!
" It's okay.. Precious right?? " tanong nya kaya nahihiyang tumango ako. " Don't worry, Maaga lang talaga akong pumunta ng office lalo na pag absent ako ng isang araw, for sure tambak na naman ang mga paper works ko.. Haha.." naamaze ako dahil ang bait pala nya!
Nawala bigla yung kaba ko!
Hindi na nga ako nakapagsalita dahil ang daldal pala ng boss ko! haha.
Bata pa sya mga nasa 20+ palang siguro..
"Anyways.. Yung binilin ko ba kay Judith nagawa mo?? " after 10years! naalala nya rin kung bakit kami nasa Office! my gahd! ang dami nyang sinasabi hindi naman related sa trabaho ko hmp!
Pumunta ako sa table ko at kinuha yung folder na pinaglagyan ko ng mga inimput ko kahapon na schedule nya at yung paper works at inabot sa kanya.
"Here, Sir.. May meeting po kayo mamayang 10:00 am together with the stockholders of Salvenia's Company and later on 11:30 am, may meeting naman po kayo with the CEO of Scyneth's Company.. " paliwanag ko.. Tumango naman sya habang binabasa ang laman ng folder.
"Great job! thank you for this.. " nakangiting sabi nya habang tinaas pa ang folder na hawak nya.. Ngumiti din ako ng may pagmamalaki.. Hehehe proud lang ba't ba!
"Hi hon! oh?! Precious? nagkita na pala kayo.." nakangangang napatingin ako kay Ma'am Judith nang lumapit sya kay Sir at halikan ito sa labi!
' OMG!!! Nananaginip lang ba ako?? o totoong BF ni Ma'am Judith si Sir???'
"K-kayo?" gulat paring tanong ko.
"Hahaha... Yeah.. Actually engaged na kami. Sorry I forgot to tell you.." natatawang sabi ni Ma'am Judith saka naupo sa tabi ni Sir na Fiancee' pala nya.
"Whoa! Congrats! Ma'am Juls! Sir!" Manghang sabi ko.. Hindi parin talaga ako makapaniwala na Mag bf/gf pala 'tong dalawang 'to! pero infernes ah.. Bagay sila! Maganda si Ma'am Judith, at gawapo si Sir.. Mabait si Ma'am Judith, Mabait din naman si Sir.. Oh diba, perfect couple!
" Hahaha.. Thank you, Press.." nakangiting tugon ni Ma'am Judith.
" if you don't mind me asking Sir.. Kung Fiancee' nyo na po pala si Ms. Judith, e bakit po PA nyo po sya, bakit hindi po kayo humanap ng papalit sa trabaho nya?" nahihiya kong tanong.. Gizz! nakakahiya! dapat pala hindi nalang ako nagtanong!
"Hahaha.. I already told her to leave her work to other employee but she insist. Gusto parin daw nyang mag trabaho kahit na engaged na kami. Haha.." napangiti ako ng paluin ni Ma'am Judith sa balikat si Sir, wala lang nakakatuwa lang ang pagiging sweet nila. Nakakainggit.
"Sabagay, ganon naman po talaga pag napamahal na sayo, mahirap ng bitawan. " wala sa sariling nasabi ko.. Emote lang ba't ba haha.
"Hugot?" sabay na tanong nilang dalawa.
"hahaha.." tawa naming tatlo..
Matapos ang kwentuhan ay bumalik na kami sa trabaho..
'Yun naman talaga dapat.'
Swerte ko at mababait ang naging Boss ko.. Kala ko talaga nung una masungit eh hahaha..
Sana makahanap din ako ng lalaking gaya ni sir, mabait at masiyahin.. ang swerte ni Ma'am Judith dahil naka bingwit sya ng ginto haha..
ISANG MALAKING SANA ALL
chosss..
~~ * To be continued * ~~