Precious Pov
Lumipas ang ang mga araw at linggo, Hindi ako kinakausap ni ser.
'Sa tuwing lalapit ako sa kanya ay lumalayo sya. whueeee!! huhuhu.. hindi ako sanay na hindi nya ako kinakausap..
kung kakausapin man niya ako ay sa tuwing magpapasa lang ako ng mga folders.. Madalang pa 'yon sa buong isang linggo.
'Tapos hindi manlang nya magawang ngumiti.. Huhu.'
Sa loob din ng ilang linggong lumipas ay mas naging close kami ni Jeff.. Lagi nya akong hinahatid sundo sa bahay papunta dito sa Scyneth building... Lagi din kaming sabay kung kumain.. Breakfast, Lunch, at Dinner.. Pero sa nakalipas na linggong yun ay hindi ko dama ang sarili ko.. para akong wala sa sariling naglalakad habang nakalutang.. Lagi akong tahimik at wala sa mood.. Sa madaling salita, nawala yung dating precious na masigla..
Hindi ko alam kung yung nangyari ba nung nakaraang linggo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito o yung pagiging cold sakin ni ser?? para kasing naninikip yung dibdib ko sa tuwing iiwasan nya ako.. Parang pinipiga yung puso ko sa tuwing nakikita silang magkasama ni maam Izella..
Sa loob ng tatlong linggo ay walang ibang pinakikisamahan si ser kundi si Maam Izella lang.. Sya lang din ang kinakausap nya palagi.. Bagay na kinatutuwa ni Valentina. (Si Izella daw)
'Sabi nila, Everything happens for a reason.. Pero anong dahilan ng kalungkutan ko?? bakit ito nangyayari sakin?? bakit kailangan maramdaman ko ang ganitong bagay? '
Araw-araw nasa isip ko si ser.. Iniisip kung bakit mas pinili kong lumayo sa taong gustong-gusto ko namang makasama?? bakit mas pinili kong itanggi kung anong tunay kong nararamdaman sa kanya??
'Admit it or not.. May nararamdaman na ako para kay ser.'
Hindi naman ako indenial na tao.. Alam ko naman kung may gusto naba ako sa isang tao o wala..
At aaminin kong gusto ko din si ser.. May gusto ako sa kanya.. Pero mas pinili kong itago yun para sa pang sarili kong kapakanan..
Selfish na kung selfish..
Wala naman na akong magagawa dahil nandyan na.. Nangyari na..
"Give me my schedule para sa mga meeting na dadaluhan ko mamaya.. " yun lang at saka na sya lumabas ng office.. Ni hindi manlang nya ako sinulyapan or dinaanan manlang na mata nya.
Nasa Office ako ngayon.. Kakatapos ko lang isulat yung mga pinagawa ni maam Izella.
Hindi na ako nakasagot dahil tuluyan na syang nakalabas.
Napabuntong hininga ako saka tumitig sa mga papel na nasa harap ko..
'Ang hirap ng ganitong set up.. Yung magkasama kayo sa iisang room pero parang may nakaharang sa pagitan nyo para di nyo makita yung isa't isa.. yung magkalapit lang kayo pero parang ang layo nyo parin sa isa't isa.. Masakit lang sa dibdib..'
"Good Job, Piece of trash.. You did my command well." napaangat ako ng tingin nang magsalita si maam Izella.. lumakad sya palapit sa table ko at doon naupo sa katabing silya.
"Ginagawa ko naman po talaga ng maayos ang trabaho ko, Maam.. Dati pa. " sagot ko habang nagkukutinting ng kung ano-ano na nakapatong sa table ko.
" Well.. That's not what I mean.. I'm talking to you And Aljon's closeness.. Napansin ko kasi lately na hindi kayo nagkikibuan? may problema ba kayo?" tanong nya pa.. Naiinis ako sa totoo lang..
Ayokong pinag-uusapan yung bagay na pinagsisisihan kona..
"Maam.. Hindi naman po kasi sa lahat ng oras kailangan magkausap kami ng boss ko.. We have lot of works need to do.. and talking is not required on that." walang ganang sabi ko saka muling nag kutikot sa lamesa..
"Well, you have a point there.. But still.. I'm warning you... Stay away on my boyfriend. " matapos sabihin yun ay umalis na sya.
'Boyfriend mo sya pero ako ang gusto?? ayos ka din e no?'
'Gusto ka parin ba hanggang ngayon? matapos ng ginawa mong pambabasted last week.'
Muli na naman akong napabuntong hininga sa naisip ko..
Hanggang kailan kaya kami mananatiling ganito?? hanggamg kailan kami hindi magkikibuan??? hanggang kailan nya kaya ako iiwasan?'
Miss kona sya.. Miss na miss kona sya..
''wag kang nagrereklamo, Precious.. tandaan mo. Ikaw ang pumili nyan.'
WHUAA!! oo na brain! wag mona akong sumbatan! lalo mo akong inistress e!
Saka hindi ko naman akalain na ganon pala si ser pag nabasted..
"Altamars! " sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay biglang bumukas ang pinto ng office lumabas mula ron si Jeff..
"oh, Jeff? anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko saka tumayo sa kinauupuan at naglakad palapit sa kanya.
"Yayayain sana kitang kumain sa baba.. May opening ngayon don na bagong bukas na Kainan! ano?? in ka?" masayang aniya habang may naka display na malapad na ngiti sa kanyang labi..
"Ah.. May trabaho pa ako e.. Ikaw nalang, sorry.." Pagsisinungaling ko.. dahil ang totoo ay wala na akong gagawin. Tapos na ko sa mga gawain ko.
"Ganon ba?? sayang naman.. mabilis lang naman yun.. Kakain lang tayo. sayang din yung libreng pagkain." biglang lumungkot yung mukha nya..
'Whuaaaa!! precious! bakit di mo muna samahan! saglit lang naman kayo eiii whueee!!! di kaba naaawa sa tao?? nag effort syang akyatin ka dito sa napakataas na building na to para lang yayain kang kumain-- tapos tatanggihan mo??! whuaa! bad!'
Whuaaa!! ikaw talaga brain ang hilig mong mangunsensya!! whueeee!!! huhuhu..
"Hmm.. Sige na nga.. Basta bilisan lang natin ah. Baka kasi mapagalitan ako ng boss ko pag hindi nya ako naabutan dito sa office.. " sabi ko habang nangangamot pa ng batok..
"Yess!! salamat! so let's go??" tumango ako saka sinara ang pinto at sabay na sumakay kami ng elevator pa ground floor..
Naalala ko tuloy yung nung aksidenteng nakasabay ko si ser sa private elevator nya.. Laptrip mukha nya non dahil sa inis e.. hihihi..
'Remind you, Precious.. hindi kayo bate ngayon.
Nang makarating sa baba ay sinalubong kami ng napakaingay na speaker na nagmumula sa isang bakanteng spasyo na pinapagitnaan ng dalawang tindahan ng mga damit. Dito ako bumili ng damit ko dati..
'WHuaaa!! may mga lobong naka sabit!! kyaahh!!! ang cuteeee huhuhu... '
Lumapit pa ako sa nagkukumpulang mga tao na nakapila sa isang hilera, Animo'y hindi mabibigyan ng regalo kapag hindi pumila.
Nagningning ang mga mata ko nang makakita ng maraming hotdog na naka stick!
'Whuaaawww!!! HOTDOG!! huhuhu... ang sarap .'
dalidali akong naglakad patungo dun sa hotdog-an..
"Anong sayo maam,?" nakangitng anang lalaki.. Nakasuot sya ng kulay dilaw na damit habang may sumbrero na kulay pulang nakapatong sa kanyang ulo.
'Parang nasa jollibee lang ako a?'
Ganon yung sa jollibee e.. Kulay pula lang yung sa kanila.
"Hotdog. Gusto ko ng hotdog hihih.." nagpakawala ako ng matamis na ngiti..
"Eat all you can maam.. go ahead" tinura nya yung mga hotdog na may stick saka matamis na ngumiti sakin bago ulit umalis.
'Whuaaa!!! mukhang mabubusog ako nito!! Kyaahh!! whueeee huhuhu.. Sarap titigan ng mga hotdog.. Pero mas masarap silang kainin!!'
Walang pag-aalinlangan na kumuha agad ako ng tatlo at agad na kinagat yung isa.. Nang maubos ay yung isa naman ang kinain ko.. Hanggang maubos ang mga hawak ko.. Hindi pa ako do'n nakuntento at kumuha pa ako sa lagayan..
'Whueee huhuhu ang sarap! lalo na pag libre! '
Dadampot pa sana ako nang wala na akong makapa?
Whuaaa!!! naubos konaaa!! kyaah!!!! Huhuhu.. Baka pagalitan ako.. Whueee..
'Hindi ka naman gutom sa lagay na 'yan self no?'
Gusto kopa ng hotdog! pero teka... Ilan ba nakain ko??
Binilang ko yung nakain ko..
27?!!!
WHUAAAA!!!! ang takaw ko naman!!
"Altamars?? oh? bakit parang gulat na gulat yang hitsura mo?" mabilis na naitago ko sa likod ko yung mga stick nang marinig ko yung boses ni Jeff!
"a-ah? h-hindi ah.. Hehehe.. M-may tinitingnan lang ako.. " pagdadahilan ko..
"Ah.. Alin? " tanong nya.. WHuaaahh!! bakit ba kasi ang dami nya pang tanong! huhuhu...
"N-nag hahanap ako ng h-hotdog.. Tama! tama! wala ata silang handang hotdog?" *pout* nag pout pa ako na parang nalungkot..
"Whoah! talagang hotdog ang paborito mong kainin ha?? , haha.. Teka alam ko may mga hotdog silang handa.. Naka stick pa ang mga 'yon." nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nya!
'Whuaaa!! alam nya?? hutaaa!!! huhuhu... whuaaaa!!! i'm so dead na!! '
"W-wala ah.. Kanina pa kaya ako paikot-ikot kahahanap ng mga hotdog, pero wala." giit ko.. Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga sticks na nasa likod ko.
"Teka, Tanongin ko si bro." para naman akong namanhid sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya!!
'Whuaaa!!! precious mabubuking ka!! huhuhu.. Nakakahiya..!'
" 'wag na.. Iba nalang kakainin ko.. " agad na pigil ko..
"Sigurado ka?" tanong pa niya.. Naninigurado. .
'Sigurista talaga itong si Jeff.'
"Tara don tayo.. " turo nya dun sa putuhan Saka nangunang maglakad..
Ang daming handa!! dinaig pa birthday ng 7years old na bata!
Nang medyo makalayo na sakin si Jeff ay agad akong naghanap ng basurahan at do'n tinapon yung mga sticks..
"Try mo 'to, masarap to." sinubo nya sakin yung kutchinta na hawak nya.. Gizzz!!! ang sarap!!!
"San ka nakakuha non? hinge pa ako." sabi ko.. Whueee ang sarap talaga!!!
Tumayo si Jeff sa kinatatayuan nya saka naglakad sa Putuhan at kumuha ng kutchinta.
Pagbalik nya ang daming laman nung plato!
"Ubusin mo yan ah.. " ngiting bilin nya. Tumango naman ako. Animo'y uubusin talaga lahat.
"Kamusta na pala ang pakikitungo nyo sa isa't isa ni Sir. Aljon? " out of the blue, he asked.
Tumingin ako sa kanya.
"Ganon parin naman.. Hindi kami nagkikibuan. " sagot ko. Alam ni Jeff ang tungkol sa hindi namin pag-uusap ni ser.. Sinasabi ko kasi sa kanya lahat.. Maliban dun sa Kiniss ako ni ser.. May iniba ako sa kwento..
"Hayaan mona.. Ganon talaga mood ng pamilya Cistudio. Mood swing.." natatawang aniya.. Ngumiti din ako ng pilit..
'sa tuwing binabanggit ang pangalan ni ser may sakit akong nararamdaman sa dibdib ko.. kakaibang sakit.. hindi tulad ng dati nung unang beses kaming magkasagutan.. Kakaiba.. Ibang-iba.'
Napabuntong hininga ako sa naisip ko.
"Ayos kalang, Altamars? Matamlay ka.. May masakit ba sayo?" nag-aalala ang tono ni Jeff pero nginitian ko lang sya at tumango..
"Kanino folder to?" maya-maya ay tanong nya.. May dinampot syang folder dun sa gilid nya..
May naalala ako bigla!
Whuaaaaa!!! Magpapasa nga pala ako ng folder kay ser ngayon!!! whueee!! huhuhu... gizzzzz!!! baka mapagalitan na naman ako non!!
Nanlalaki ang mga matang napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Whuaaa!!! Jeff!! Ngayon ko ipapasa yung folder kay ser!!" nag-ihisteryang palahaw ko..
"Hahah relax.. pwede mo naman ipasa yun mamaya.. Panigurado ay busy ngayon 'yon si Sir. May opening dito sa baba e. " pagkakalma nya sakin pero hindi parin napanatag non´ ang loob ko.
"Hindi.. Sasaglitin ko muna! babalik nalang ako.. whueee huhu.. Ayokong magalit na naman sya sakin huhu.. Sandali lang ah.. Aakyatin ko lang saglit!" saka ako tumakbo palabas.. HIndi kona hinintay ang sagot nya dahil alam ko naman na pipigilan lang naman nya ako. Huhuhu PATAY AKO NITO!!!!
'Bakit ba kasi nawala sa isip ko yung bagay na 'yon! importante pa naman yun! saka hindi pa nga kami bate ni ser, madadagdagan na naman kasalanan ko! '
'puro ka kasi hotdog, Press! hindi masarap masarap masermon gaya ng pagkain lang mg hotdog ha? kasi yun ngunguyan moblang at lulunukin.. Mabubusog at masasarapan ka.. Pero amg sermon ng taong mahal mo?? hindi masarap yun---, masakit yun sa dibdib.'
Pagdating ko sa tapat ng elevator ay hindi ako mapakali.. Lakad lakad ako pabalikbalik.. Whueeee!!! bakit kasi ang tagal bumukas! huhuhu..
Nasa bandang 40th floor palang ang elevator dahil bumubukas ito kada floor na madaanan para magbaba ng sakay, bago makarating dito sa ground floor.. Whueee!! huhuhu..
Sa sobrang pagkainip ay inakyat ko nalang ang hagdan! whuaaa!!! huhuhu.. Mapapagod ako nito!! gizz!!!
Hingal na hingal ako ng marating ko ang 3rd floor! tumakbo ka ba naman paakyat mula first floor?! di ka hihingalin??!
tumakbo ulit ako papunta sa Elevator dito sa third floor pero wala, sarado din!! no choice ako kundi makipag mano-mano sa hagdan!!! kyaahhh!!! huhhu ang taas!!!!
Simula nang masimulan ko ang pagtakbo paakyat ay hindi ko na binibilang kung saang floor nako, dahil hindi naman ako maliligaw! nasa pinaka taas ang floor na pupuntahin ko!! whueee huhuhu...
'Whuaaa! kaya mo yan, Precious! kasalanan mo yan dahil mas inuna mo ang Hotdog kaysa sa trabaho!'
Huminto ako sa bandang 30th floor dahil hindi kona kaya!! hingal na hingal na ko! hindi na ako makahinga!
Sapo-sapo ko ang dibdib ko habang nakatuwad dahil naninikip ang dibdib ko! humawak ako sa tuhod ko ng makaramdam ako ng hilo!
Whuaaaa!!! ayoko na!! huhuhu... Dapat pala naghintay nalang akong makababa yung elevator!! huhuhu.. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala kahirap mag hagdan! whueee!
Nang maka kuha na ako ng sapat na hangin ay bumuntong hininga muna ako at muling inumpisahan ang pag akyat ng hagdan..
After 10 minutes..
40th floor....
10minutes
50th..
15 minutes...
60th floor!
Sawakas! narating ko rin ang impyerno!
napaupo na ako sa tiles ng floor dahil sa sobrang pagod!
Hindi ako makahinga!
Habol habol ko ang paghinga ko habang nagpupunas ng pawis!
tagaktak ang pawis ko sa buo kong katawan!!
Makalipas pa ang Sampung minuto nang makarecover na ako ng kaunti..
Tumayo ako sa pagkaka upo at naglakad papunta sa Office kahit na ayaw pang kumilos ng mga paa ko dahil sa pangangalay..
'Gusto kong humiga!! whuaaa!!! huhuhu.. Ang sakit ng binti ko!! biruin mo 'yon?? 45minutes akong lakad takbo?! tapos hagdan pa ang kalaban ko! natapilok pako kanina sa may bandang 50 floor huhuhu pinalo ko nga yung sahig! bad sya eh! wala naman akong ginagawa sa kanya! '
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng office dahil sobra na talaga akong nanghihina! halos hindi kona maigalaw ang katawan ko sa sobrang pangangalay!!
Nang sawakas ay nabuksan ko ang pinto ay nag-angat ako ng tingin..
Bagay na sana hindi ko nalang ginawa..
Kasabay ng pag-angat ko ng tingin ay sakto namang actual kong nakita kung pano hinalikan ni Maam Izella si ser Aljon..
Hindi ako nakagalaw!
Natulala ako!!
Lumakas ang t***k ng puso ko.
Nanginig lalo yung tuhod ko!!
Nawalan ako ng lakas!!
Siguro ay pag ginawa kong gumalaw sa kinatatayuan ko ngayon ay matutumba ako!!
DAHIL NANGHIHINA NA ANG MGA TUHOD KO!!!
Kung kanina ay nanghihina ako dahil sa pagod-- mas lalo na ngayon.. Pero hindi pagod ang dahilan kundi ang nakikita ko..
Ang paninikip ng dibdib ko ay mas lalong tumindi.. Hindi ako makahinga.. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko.. Nanunuyo ang bibig ko..
Nanginginig maging ang buo kong katawan.
Gusto kong umalis pero para akong na glued sa kinatatayuan ko.. Ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko para tumakbo paalis!
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pangingilid ng mainit na likido sa palibot ng mata ko! kalaunan ay unti-unti itong bumagsak..
'Bakit ba ako nasasaktan?? bakit koba nararamdaman ang ganitong bagay sa loob ng dibdib ko?? '
'Nahihirapan na ako..'
"'Wag nang titigan kung nasasaktan na.." naramdaman ko ang paghila sakin nang taong nagsabi niyon.. Doon ay hindi kona nakita ang halikang nagaganap sa pagitan nina ser at maam Izella.
"Bakit hindi mo nalang aminin ang tunay mong nararamdaman para sa kapatid ko, kaysa sa nagtitiis ka ng ganyan.. Nasasaktan at nagdurusa?" napaangat ako ng tingin kay ser Andrew dahil sa sinabi nya..
Yes, si ser Andrew ang naglayo sakin sa dumudurog ng puso ko..
Sa halip na sumagot ay pumalahaw ako ng iyak!
"Whueee.. Huhuhu.. whuaaa huhuh.." atungal ko.. "Bakit ganon ser?? ginawa ko naman lahat para pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.. pero bakit mas lalo pa pong lumalala.. Huhuhu... Nahihirapan na po ako... sobra na po akong nasasaktan sa mga nangyayari..." patuloy lang ako sa pag-iyak habang binubuhos ang inanakit..
"Ganon naman talaga kapag nagmamahal ka.. Kung kailan umiiwas ka-- ay saka ka mas lalong nahuhulog sa isang tao.. "
"Pero hindi kami pareho ng nararamdaman.. Magkaiba kami ng napupusuan.. Gusto ko sya, pero baka ang gusto nya naman ay iba.. Masakit sa dibdib yun ser.. Like he stab my heart in a million times." napayuko ako sa sinabi ko..
Hindi parin nawawala ang paninikip ng dibdib ko..
Matinding lungkot ang bumalot sa buo kong pagkatao..
"Precious.. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.. "
"pano kung malaman ko nga po ang totoo tapos mali ako?? edi mas nasaktan lang po ako lalo?"
"Well.. You have to take the risk.. Nothing will happen if you don't make any act.. "
"Wag mo ko ma english english dyan ser! broken ako!"
'Itong si ser ang hilig mag english! nanonose bleed ako sa kanya e! tsh.. Iko-comport ako tapos bibirahan ng English? ano nalang almaiintindihan ko non? '
"Hahaha.. Ikaw talaga puro ka biro.. Kaya lagi kang nasasaktan e.. Iniisip nila ay wala kang nararamdaman, wala kang pinagdadaanan, malakas ka, at matatag.. Hindi na nila naiisip na tao ka na nakakaramdam din.. Dahil Masayahin ka at palabiro." natatawang ani ser.
'Tamo! tamo! pinagtatawanan pa ko! whueee huhuhu... Naiiyak na nga ako dito tapos pagtatawanan pa! huhu bad ka ser! parehas kayo ng tukmol mong kapatid!
"Oh, Precious? bakit ka umiiyak? anong nangyare?" nag-angat ako ng tingin at doon nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Maam Judith.
Yung luhang kaninang umurong na ay muling bumalik!
'bakit ganon?? nakita ko lang si maam Judith bakit parang mas gusto kong umiyak? huhuhu..'
Nang makita ko si maam Judith ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko! pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi!
"Maam Judith... Whueeee huhuhuhuhuhu... " at ayun na nga.. Pumalahaw na naman ako ng iyak.. Parang batang iniwan ng nanay.. Totoo naman.
Naglakad palapit sakin si maam Judith at niyakap ako.. Doon ay humagulgol ako ng iyak..
'Bakit parang sobra naman ata ako kung mag react?? nag kiss lang naman sila. wala namang kami.'
"Shhh.. stop na.. Ano bang nangyari?? " pagkakalma nya sakin.. Hindi ako nagsalita pero nahinto ako sa pag-iyak.. Naisip ko lang na bakit nga ba ako umiiyak? samantalang wala namang kami?
"wala po maam, Judith." sagot ko.
"Precious?"
"Whuaaa huhuhu.. Namatay po kasi yung aso ng kapit bahay namin.. Kaya ayun po.. Nalungkot ako.." palusot ko.. Nakita ko sa vision ko ang hitsura ni ser Andrew! whueee huhuhu nakakahiya!!!
Nagpipigil sya ng tawa!!!
'WHuaaaa!!! ano ba kasing pinagsasabi ko?!! huhuhu nababaliw na naman akooo..'
"Hyyy naku Precious.. Kala ko panaman ano ng nangyayari sayo.. Aso lang pala ng kapitbahay nyo na namatay.. Ako maaga mamamatay sayo dahil sa pag-aalala e." ani maam Judith saka humiwalay sakin sa pagkakayakap.
"Hehehe.. Sorry po maam Judith.. Nasobrahan po ata ako.. Over react " nangangamot ng ulo na sabi ko.
"Hmm.. Oh ano? ayus kalang ba?? naku.. 'wag mong pinoproblema yung aso ng iba.. Ang intindihin mo e yang sarili mo." umiiling-iling na sabi nya pa. Tumango naman ako.
"Ano nga po palang ginagawa nyo dito, Mam Judith?" pag-iiba ko ng usapan.
" Ah.. yeah.. Nandito kami para sa bagong business na itatayo dyan sa ground floor.. Kinausap kami nung may-ari para sa babayarin nila sa pwesto. " sagot nya.
' ah.. e bakit sila yung kakausapin? pwede naman yung si tukmol?'
'Whuaaa!! Precious wag kanang maraming tanong!'
OO na! wag mona akong pagalitan, Brain.
"Oh sya.. Pano, Precious? una na kami ah.. Marami pa kaming aasikasuhin e.. " pakuwa'y sabi ni maam Judith.
" do the right thing and follow your heart.. walang mangyayari kung hindi mo susubukan.." Litanya ni ser bago tuluyang umalis.. Naiwan akong nakatayo habang tulala sa kawalan..
'Should i tell him what inside my heart? or should i keep it myself?'
Bumalik ako ng groun floor pero this time ay nag Elevator na talaga ako.. Whueee ayoko na mag hagdan! ang sakit sa binti!
Pagdating don ay naabutan ko si Jeff na may kausap na babae.. Masayang nagkukwentuhan.
'SANA ALL MASAYA.. SANA ALL NAKANGITI.'
Mapapa sana all nalang talaga ako.
"Jeff." banggit ko sa pangalan nya pagkalapit. May ngiti nya akong nilingon. Nginitian ko rin sya kahit pilit.
'Hindi parin ako okay.. Mabigat parin pakiramdam ko.. Masakit parin..'
'Hindi ko alam kung bakit koba nararamdaman ito.. Kung saan nagmumula ito.. Ni hindi ko nga alam kung may karapatan ba akong masaktan dahil from the first place ay wala naman kami.. '
ako lang talaga 'tong assumera.
"Oh, Precious? andyan kana pala.. " aniya.
" ay wala ako Jeff.. Imagination mo lang ako.. Tsh.. Malamang andito ako.. Nakikita mo nga ako diba?? Eme ka din e no." nakangiwi kong sabi..
Naiinis ako!!!
Whuaaaa!!! huhuhu hindi mawala sa isip ko yung nakita ko!! whueeee!!! huhuhu... Bad precious!! pati si Jeff dinadamay mo sa problema mo!! whueee huhuhu..
"Hahaha.. Ano bang nangyari sayo at parang mainit ang ulo mo?? may nangyari ba habang kinukuha mo yung---- teka, asan na yung kinuha mong folder?? akala ko ba ay ipapasa mo kay Sir. Aljon 'yon ngayon? asan na? bakit di mo dala?" sunod-sunod niyang tanong.. Mas lalo naman akong nainis!
Whuaaa!!! bakit ba kasai palagi nalang syang maraming tanong?!!! huhuhu.. Mas lalo ko tuloy naaalala yung Kiss ni Higad ke Ser! hmp!
'Dati ako lang yung hinahalikan nya ng ganon.. Tapos ngayon pati si maam Izella na rin.. WHueeee!! huhuhu ayoko na sayo ser! bad ka!! '
"Napasa kona." pagsisinungaling ko.. Tinatamad ako.. Wala akong ganang magsalita para ikwento pa sa kanya ano yung buong nangyari.
"Ah... O.... Kay?? " nawiwirduhan sagot nalang nya.. Ngumiti ako kahit na sobrang napipilitan lang talaga ako.. Ayoko kasing makahalata pa sya.. Tinatamad talaga ako magkwento.. Saka baka maiyak at masaktan lang ulit ako.. Sariwa pa nga e.. Di pa naghihilom.
Hindi na sya nagsalita matapos non.. Yung girl na kasama nya ay nandon padin. nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan habang ako ay nakikinig lang at hindi nagsasalita.. Kumikibo lang ako pag may itatanong sila sakin.. Wala eh.. Wala na akonsa mood.
'Talaga kayang nawala na ang pagkagusto sakin ni ser?? sabagay.. Hindi naman siguro hahalikan o makikipag halikan kay maam Izella kung may gusto pa sya sakin.. '
'Bopols mo kasi, Precious.. Dapat sinabi mo rin na gusto mo sya nung umamin sya sayo.. Arte mo kasi e.. May pasabi sabi kapang 'Sorry ser. But I don't like you' ulul! emwe mo! gustong susto mo nga sya eh.. Tsk.. Mahal mona nga e.'
Woi brain! ngayon ko lang sya minahal no! nung nag confess sya sakin wala pa talaga akong nararamdaman sa kanya! wag kang story maker dyan! hmp!
'Sige.. Itamggi mopa.. Para itanggi din nya ang nararamdaman nya para sayo..'
Luh! eme ka kamo brain! wala nga sabi eh.
'Whatever, Precious.'
Hmp! hindi kita bati Brain!
WHuaaa nalulunod na naman ako sa pag-iisip!
Ilang minuto pa akong natulala bago natauhan..
"Hahahaha really?" rinig kong tawa nung babae.. Luh.. Nagkukwentuhan parin sila hanggang ngayon?? wala aking naintindihan hahaha...
"Ahmm Jeff.. Una na ako marami pa akong gagawin sa office eh.." Maya-maya ay paalam ko.
"oh.. tara ihahatid kita.. Pasensya na at naabala pa kita.. Ang sabi ko ay saglit lang tayo . Sorry" nahohiyang sabi nya.. Nginitian ko naman sya saka kinaway ang kamay ko.
"Naku wag na.. Ayos lang ako.. Saka walang kasama si Hazel dito kung iiwan mo sya.. " nilingon kopa si Hazel nang sinabi ko yon.. Nginitian nya ako kaya ngumiti din ako sa kanya..
"Sigurado ka?? baka magalita ka ah? baka bukas di mona ako pansinin hahha."
"Uyy hindi ah.. Ikaw talag.. Sige una na ako.. Baka inahanap na ako ng B-boss ko." pagpapalusot ko.
Naglakad na ako pabalik ng office.. Sumakay ako ng elevator.
After 15 Minutes ay bumukas na ang elevator.
Naglakad ako ng dahan-dahan patungo sa office.. kinakabahan ako dahil baka ano na naman makita ko at masurpresa ako..
'Tapos na kaya sila?? Siguro naman tapos na sila dahil 5hours na ang nakalipas..'
Nanlaki ang mata ko ng makitang 10 na pala ng gabi!! gizzz!!! ang tagal ko palang nawala!! whuaaa huhuhu.. yung folder!!! kyaahhh!!
Mas lalo akong kinabahan!! whuaaa huhuhu.. Siguradong nasa office nyan si ser!! whueeee..
'ang tagal ko naman pala mag muni-muni?? sabagay hindi mo naman talaga mamamalayan ang oras pag nakikipag kwentuhan ka..'
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay huminga ako ng malalim saka ibinuga.. Talong beses ko yun ginawa ng paulit-ulit..
"Come on."
Kakatok palang sana ako nang magsalita na sis ser sa loob!!
'Luh.. Pano nya nalamang may tao sa labas?'
.
Napalingon ako sa baba.. Wala naman butas.
Kahit na nagtataka ay dahan-dahan ko parin binuksan ang pinto at sumilip..
Nakatalikod si ser..
' Yes!'
mabilis na pumuslit ako at dahan dahang naglakad papasok.. WHUAAAA!!! KINAKABAHAN AKO BENTE!!!
"Where have you bee? bakit ngayon ka lang."
"Ay hotod mong malaki!" napatalon ako sa gulat nang magsalita si ser!!! Whuaa!!! huhuhu... I'm so dead now whueeeee!!
Dahan-dahan kong nilingon ang table ni ser na nasa harap ko lang naman! Kyahhhh!!! ang seryoso nya huhuhu... Pumihit na rin kasi sya paharap sakin.. WHueee huhuhu..
"I said Where have you been?!" ulit nya sa tanong nya kanina.. Nakagat ko ang labi ko sa baba dahil sa sobrang kaba!!! .
'WHuaaa!! para na akong maiihi sa kaba!! gizzz!! bakit kasi ang seryoso nya!!! huhuhu..'
"S-sa Ground floor, S-ser.." nauutal kong pag-amin.. Bakit sa ground floor naman talaga ako galing a. .
"What are you doing there in the middle of your work?!" tanong nya ulit.. Whuaaaaa!!! ayan na naman yung mukha nyang mukhang unggoy huhuuhu.. Galit na talaga yan sya..
'Ano ba kasing nangyare at ang init ng ulo nya whueee.. huhuhu baka sakin nya mabunton galit nya!! lord help mee'
"K-kumakain ng hotdog po s-ser.."
"Ugh!! I'm serious okay! can you please answer me properly! even a once, Ms. Altamara.." napapitlag ako nang magtaas sya ng boses! whueee huhuhu.. Maayos naman yung sagot ko ah! ano pa bang sagot ang gusto nya..
"I'm serious too ser.. I really ate Hotdog there.. ako nga nakaubos lahat ng nakatusok eh" *Pout* ngumuso ako..
' Whuaaa!! bakit kasi ayaw nyang maniwala huhuhu.. Totoo naman eh.'
"Sinong kasama mo?"
"Si Jeff po ser.. hehe." ngumiti ako ng peke.
" So iniwan mo talaga ang trabaho mo para lang makipag date sa lalaking 'yon!" inis nyang sabi.. Natameme ako. Hindi agad ako nakapagsalita.
'Whuaaa ano bang problema nya!!! huhuhu..'
"Hindi naman po ako nakipag date ser.."
depensa ko.
"Ah nakipag landian lang? sabagay wala naman ibang papatol sayo kundi ang isang tulad nyang mababa ang uri."
Mabilis na nangilid ang mga luha sa mata ko dahil sa sinabi nya..
"For the second time.. he called me flirt.. '
Ang sakit naman sa dibdib non.. Pero kahit na ganon ay hindi ako kumibo.. Yumuko lang ako dahil ayokong makita nya akong mumiiyak.. Ayokong sabihin nyang dinadaan ko ang lahat sa iyak para maawa sya. Ayokong magmukhang talunan.
Kahit na naka yuko ay naramadaman ko amg paglapit niya dahil sa mga tunog na nagmumula sa kanyang shoes.
"Tapos ngayon iiyak ka?? how weak you are.. How pathetic you are.. Oh well.. Pinalaki ka nga pala ng nanay mo ng bobo at salat sa pera kaya ginagamit mo yang katawan mo para kumita ng pe----"
*PAK!*
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nya nang sampalin ko sya ng buong lakas!
"WALA KANG ALAM!!! Kaya 'wag mo kong pagsalitaan ng mga bagay na hindi naman totoo! OO!! OO NA! OO NA!! BOBO AKO! yan naman ang tingin sakin ng lahat e! bobo! tanga! stupida! i***t! walang silbi!--- pero hindi ako Malandi gaya ng sinasabi mo! hindi ako bayaran gaya ng inaakala mo! hindi ko ibinebenta ang sarili ko para lang kumita ng pera!! dahil alam mo kung bakit?? Dahil yun nalang ang meron ako! yun nalang ang maipagmamalaki ko sa sarili ko! dahil kahit ako mismo ay inaamin na wala akong ganda wala akong pera! wala ako lahat! wala ako lahat ng katangian ng isang babae na gusto ng isang lalaki!
Alam ko naman lahat yun e! hindi mo na kailangang ipamukha pa sakin 'yon dahil tanggap ko... Tanggap ko na kahit na anong gawin ko ay hindi parin magbabago na isa lang akong DUKHA.. Isang babae na salat sa pera.. Isang babae na walang hinangad sa buhay kundi ang magkaro'n ng magandang buhay.. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na ibenta ang katawan ko para lang sa pera.. Kaya kong magtrabaho at isakripisyo ang sarili kong buhay para lang kumita ng pera basta wag lang galing sa masama.. Pero sabagay.. HINDI nyo maiintindihan 'yon dahil lumaki kayong nakukuha nyo ang mga gusto nyo.. Lumaki kayo sa luho.. lumaki kayong pasan kayo ng mga magulang nyo.."
"Tama na!! enough! you know nothing about my family! don't you dare mention their name here! " sigaw nya sakin pabalik.. Nginitian ko sya ng mapait. saka pinunasan ang mga luha ko.
" Ikaw ba ser? may alam ka tungkol sa buo kong pagkatao para husgahan ako?? diba wala?? kaya wala ka rin karapatan husgahan ako pati ang pamilya ko dahil wala kang alam!! hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko sa buhay para lang mabuhay!! hindi mo alam kung gaano kahirap mabuhay mag-isa ng walang magulang na sumusuporta sayo! ngayon! sabihin mo sakin kung anong alam mo sa buhay ko para pagsalitaan ako ng kung ano-ano! " sigaw ko. pero hindi sya sumagot.. Nakatitig lang sya sakin.. Sa ginawa nyang 'yon ay Muli na naman nagsibagsakan ang mga luha sa mata ko,
Gusto ko syang yakapin dahil hindi kona kaya.. Sobra na akong nasasaktan.. Hindi ko kayang makipagbangayan sa taong mahal ko.. mas higit akong nasasaktan..
Pero wala akong magawa.
'Bakit kaba nagkakaganyan.. '