Gising buong gabi si Emilia dahil puno ang isipan n'ya ng mga nangyari at naging karanasan sa nakalipas na walong taon. Pumasok s'ya sa kanyang silid at pinilit na umidlip kaht sandali lang. "Hayysss, mag-alas singko na hindi pa ako nakakatulog," bulong n'ya. Tumabi s'ya sa anak na mahimbing na natutulog. "Mom, wake up! Pupunta tayo ngayon kay Lolo," sabi ni Emerrad habang niyuyugyog ang balikat ng ina. Bahagyang nagmulat lang si Emilia at tinatamad pa bumangon sa pagkakahiga. Hinila ng anak ang isang kamay n'ya dahilan upang tuluyang magising si Emilia. Humikab s'ya dahil sa inaantok pa. "Mom, let's go. Ang bagal naman eh," naiinis na saad ng anak. "Lumabas ka na, susunod ako." Utos ni Emilia na hndi pa din matigil kakahikab. "No, dapat sabay tayo." Nakasimangot na sagot ni Eme

