bc

Love at second best

book_age16+
616
FOLLOW
1.8K
READ
second chance
powerful
self-improved
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
heavy
small town
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Emilia na anak mayaman ay nagmahal ng isang hamak na tauhan sa Hacienda na hinadlangan ng mga magulang. Pagmamahal na kayang hamakin ang lahat ngunit naudlot dahil sa isang masamang pangyayari na kailanman ay hindi mawaglit sa isipan ng dalaga. Hindi n'ya mahanap ang katahimikan na ninanais lalo na nang nagbunga ang pagmamahalan nila ng kasintahan na si Miguel at hindi n'ya maatim magpatawad sa ama dahil sa malagim na sinapit ng nobyo sa mga kamay ng ama. Si Loyd na nagmahal sa kanya simula at sapul na kailanman ay hindi s'ya iniwan. Ngunit, kung kailan handa na n'yang harapin ang bukas kasama ito ay saka naman nabuhay ang nakaraan. Bumalik at unti-unti s'yang binabawi sa kasalukuyan. Isang lihim na magbibigay ng panibagong pag-asa sa pag-ibig na minsan ng naudlot. Magagawa pa kaya nilang ipagpatuloy ang pagmamahalan na minsan ng pinatay ng sariling mga magulang?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Excited ang lahat sa magiging kaganapan ngayong gabi ikawalo ng Oktubre. Lahat ng tauhan sa rancho ay masayang ipinatawag ni Don Carlos. Kaarawan ng nag-iisang prinsesa ng hacienda at bilang pasalamat na din sa kanyang mga nasasakupan sa maganda at masaganang ani. Kilala ang Don sa kanilang lugar dahil sa taglay nitong implewensya sa kapangyarihan at kayamanan. Napakalawak na lupain ang pinagmamay-ari nito na matatagpuan sa isang bayan sa Nueva Ecija. Ito ay mga nasa mahigit otsenta ektarya. Sampung ektarya dito ay taniman ng mga palay at kasing-lawak din nito ang kanilang gulayan. Sa kabilang dako naman ay taniman ng mga pinya, ubas, kalamansi, mangga at iba pang uri na mga prutas. Sa lawak nito ay kinakailangan ng sasakyan para maikot lamang ang buong lugar. Rancho na mala-paraiso. Dito makikita ang mga puno na hitik sa bunga. Mga punong-kahoy na kadalasan ay ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan sa bahay. Talon at ilog na s'yang nagsusuplay ng tubig sa buong rancho. Mga alagang baka, kambing, baboy at iba pang farm animals ang makikita sa itaas na sulok ng kanilang bukirin na may lawak na kwarenta ektarya. Lahat ng kailangan ay nasa hacienda na at wala ng hahanapin pa ang lahat ng nakatira dito. Lahat ay alagang- alaga. Masaya at simple ang pamumuhay ng mga taga-rito. Halos lahat ay magkakilala at magkakaibigan. Iisa lang kanilang kina-iilagan at tinitingala. Iyon ay si Don Carlos Montezillo. "Manang Pacing, kamusta ang preparasyon?" tanong n'ya sa mayordoma. "Nakahanda na po ang lahat Senyor wala na po'ng dapat ipag-alala pa," sagot ng katiwala. "Maayos kung ganoon. Kailangan bago magsimula ang programa dapat andito na ang lahat sa bakuran ng mansyon," paalala ng Don. "Opo, naipagbigay alam na po sa lahat na bago mag alas-syete ng gabi ay nandito na sila," saad ng matandang mayordoma. "Si Emelia nasa'an at hindi ko nakikita mula kaninang umaga," nagtatakang tanong n'ya. "Teka at hahanapin ko po. Hindi ko din s'ya napansin na lumabas," saad ni Pacing saka ito pumasok para tingnan ang dalaga sa kwarto. Kamalig. Ito ang tawag sa isang maliit na kubo na gawa sa kawayan. Nakatirik ito malapit sa puno ng acacia kaya naman hindi agad ito mapapansin lalo na sa kalayuan. Ito na ang nagiging tambayan ng dalawa. Simula bata ay naging paboritong tagpuan ng dalawang matalik na magkaibigan. Sila Emelia at Miguel. Bagama't malaki ang pinagkaiba ng estado sa buhay ngunit hindi ito naging hadlang upang mapalapit sila sa isa't isa. Patago nga lang dahil mahigpit na ipinagbabawal ito ng ama. Si Miguel na dalawampung taong gulang at si Emilia na kaarawan n'ya ngayong araw. Sa wakas nasa legal na edad na s'ya. Maglalabing walong taong gulang na ang dalaga kaya naman hindi nag-aksaya ang mga magulang na sina Don Carlos at Donya Eloisa na paghandaan ang napaka-espesyal na araw na ito ng kanilang nag-iisang anak na babae. Naiisip ng dalaga hindi na siguro masama kung magkakaroon s'ya ng kasintahan. Kinikilig s'ya pag naiisip n'ya ang bagay na yan. Mabuti pa ang mga kaibigan n'ya may mga kanya-kanyang kasintahan ang mga ito palibhasa hindi naman mahigpit ang kanilang mga magulang. S'ya na solong anak na babae ay hirap magkaroon man lang ng manliligaw dahil sa ama at tatlong mga kapatid na lalaki. "Maligayang kaarawan mahal kong kaibigan!" bati ni Miguel sa dalaga. Binulaga s'ya nito. Kanina pa s'ya naghihintay rito sa kanilang tagpuan. Malamang galing ito sa kwadra ng kanilang mga alagang hayop. Naging tagapag-alaga ng kanilang pinyahan at gulay ang pamilya nito mga sampung taon na mula ng nakapasok ito sa hacienda. Samantala ang binata ay sa paghahayupan naatasan na mag-alaga. Mahilig ito at maalaga sa mga hayop kaya malulusog ang kanilang mga alaga. Bata pa lang ay nakabuntot na ito sa mga trabahador sa hacienda kaya nahatak ito ni Mang Roger na s'yang may hawak sa kanilang hayupan na maging isa sa mapagkakatiwalaan nito. "Uy salamat. Magiging espesyal ang kaarawan ko kung dadalo ka mamaya sa mansyon. Mas magiging masaya ang araw na ito para sa akin." sagot n'ya habang nkangiti. "Syempre naman dadalo talaga ako," sagot nito. "Alam mo Miguel napakabait mo, maswerte ang magiging nobya mo," saad n'ya rito. "Asus, baka kamo malas," natatawang sagot sa kanya. "Bakit malas?" nagtatakang tanong n'ya. "Mahirap lang ang pamilya ko, tatay ko isang hamak na trabahador sa hacienda samantala ang nanay ko ay isang maybahay at minsan ay kahalili ng tatay ko sa hacienda. Wala ako'ng maipagmamalaki sa babaeng mamahalin ko." nalulungkot na sagot nito. "Ano ka ba naman. Ang babaw naman ng dahilan mo. Ang mahalaga mabuti kang tao at may pangarap ka para sa sarili at pamilya mo," sabi pa n'ya. "Alam ko naman yun pero impossible kasi na magugustuhan ako ng taong gusto ko," napabuntong-hininga ito. "So may natitipuhan ka na nga?" medyo nakasimangot na tanong n'ya rito. "Oo kaso hindi pa pwede at hindi maari na magiging kami," sagot nito. "Bakit at sino ba s'ya para hindi ka gustuhin?" pangungulit ng dalaga. "Basta. Hindi kami nababagay kaya kuntento na muna ako sa kung anong meron kami. Magsisikap ako para maging magaan ang buhay namin ng pamilya ko at para maiangat ko din sarili ko," saad ng binata. "Alam mo, masyado mong ibinababa ang sarili mo. Napakabait mo, masipag, matalino at responsable. Maswerte nga ako na maging kaibigan mo. Ano bang gusto mo sa isang babae?" tanong n'ya. "Simple lang. Hindi maarte, lalong hindi mayabang, mahal ako pati pamilya ko, maganda ang kalooban at matalino. Ikaw?" sagot ng binata habang nakatitig sa kanya. "Ako? Gusto mo ako?" manghang tanong n'ya. "Hahaha hindi. Ikaw ano ba gusto mo sa isang lalaki kung may manliligaw sa'yo?" tanong ng binata habang natatawa. "Baliw! Pinagtatawanan pa ako," naasar na sabi n'ya. "Ano nga?" pangungulit sa kanya. "Bakit binabalik mo sa akin ang tanong?" pabalang na sagot n'ya. "Bakit naiinis ka?" natatawa na sabi pa din nito. "Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga!" sambit n'ya sabay tayo at nagmartsa palabas. "Uy, ano ba'ng problema mo? Nag-uusap lang naman tayo ah," sabi ng binata. "Eh nakakainis ka pinagtatawanan mo pa ako. Akala ko ako ang gusto mo, hindi pala," nagmamaktol na sagot n'ya. "Bakit mo naiisip na gusto kita?" balik-tanong ng binata. "Wala, never mind." sagot n'ya. "Ano nga kasi? Magsalita ka hindi kita pagtatawanan, promise!" seryoso na ito. "Hayyys, sa palagay mo bakit gusto kitang kasama?" sabi n'ya. "Kasi kaibigan mo ko at dahil hindi ka namimili sa pakikipagkaibigan. Teka, bakit ka nga ba naiinis?" saad nito sa kanya. "Ang slow mo! Naiinis ako sa reaction mo na natatawa ka dahil inakala ko ako ang gusto mo," naiinis na tugon n'ya. "Okay? So?" nabibitin na tanong nito. "Nagmamaang-maangan ka ba o talagang eng-eng ka! Eh kasi nga gusto kita! Kaya ako naiinis sa naging reaction mo," sigaw n'ya rito. Nagulat ito sa sinagot n'ya. Natulala at hindi alam ang sasabihin. Maging s'ya ay biglang nahiya sa inamin. Matagal na n'yang crush ang binata. Kaya naman kahit alanganin at alam n'yang hindi papayag ang papa n'ya naging magkaibigan sila ng patago. At dito sa kamalig na ito ang naging playground at tagpuan nila. "Oh ayan sinabi ko na, ok na ba? Kung wala kang sasabihin, uuwi na ako at baka hinahanap na ako sa mansyon." paalam n'ya rito sabay talikod. "Sandali lang." Pagpigil ni Miguel sa kaibigan. Humarap si Emelia na nakataas ang kilay. "Ikaw naman talaga ang tinutukoy ko na gustong gusto ko. Kaya lang, alam naman natin na hindi maari. Napakayaman ng pamilya mo samantala kami isang hamak na manggagawa dito sa rancho," pag-amin ng binata. "Hindi mahalaga sa akin ang katayuan natin sa buhay. Ang nais ko lang maging masaya kasama ka. Mabait ang papa, maiintindihan n'ya tayo. Mahal n'ya ako kaya alam kong mamahalin din n'ya ang taong mahal ko," nangungumbinsi na sabi n'ya sa binata. Maging s'ya ay masaya sa nalaman na gusto din s'ya nito. Pero alam n'yang kaakibat ng kasiyahan iyon ay isang napakalaking problema. Mabait ang papa n'ya pero napakahigpit nito pagdating sa kanya. Magbabaka-sakali s'ya na magugustuhan ng mga ito ang binata. Hindi maiwasan na s'ya ay mabahala pero ang importante ay masaya ang puso n'ya. " So, pa'no yan? Gusto mo'ko at gusto din kita?" sabik na tanong n'ya sa binata. "Ikaw ano ba ang plano mo? Nag-aalala lang ako sa magiging reaksyon ng pamilya mo. Alam ko na hindi nila ako magugustuhan para sa'yo," nag-aalalang sabi ng binata. "Naiintindihan ko ang pag-alala mo pero kakayanin natin yan basta magkasama tayo. Ang mahalaga, tayo di ba?" panggigiit n'ya. "Hindi ka ba natatakot sa papa mo sakaling malaman n'ya tungkol dito?" tanong nito. "Syempre natatakot pero darating din yung pagkakataon na magiging maayos din lahat. Basta masaya tayo yun ang mahalaga." giit ng dalaga. "Okay, payag na ako na magiging tayo pero dapat mag-ingat tayo. Gusto ko na maipagmamalaki mo ako sa pamilya mo pagdating ng panahon," nasabi na lang n'ya. "Yes, may boyfriend na ako!" tuwang-tuwa sigaw ng dalaga. "Pag-iigihan pa natin ang ating pag-aaral upang hindi na hahadlang pa ating mga magulang," hawak na nito ang kamay ng dalaga. Malapad ang mga ngiti habang magkahawak-kamay ang dalawa. Walang pagsidlan ng kasiyahan ang magkasintahan. "Sana hindi matapos ang araw na ito. Ang saya ko! Pangako ipaglalaban kita at ang relasyon natin. Kahit anuman ang mangyari, mahal kita at hinding hindi magbabago yun," pangako ng dalaga. "Sobrang mahal din kita Emilia. Andito lng ako para sa'yo. Aalagaan at mamahalin kita. Kasama ka sa mga pangarap ko. Ikaw ang magbibigay ng lakas sa akin para magsikap pa. Pinapangako ko yan," nakangiting sagot ni Miguel. Niyakap s'ya nito. Tumayo ito at gumawa ng marka sa puno ng acacia. Isa ito sa magandang alaala na ayaw nila mabura. Gamit ang matalas na kutsilyo sinulat n'ya ang initials ng kanilang mga pangalan sa loob ng nakaguhit na hugis puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook