Chapter 2

1743 Words
Lahat nakagayak sa bakuran ng mansyon. Kumpleto ang lahat mula sa mga manggagawa sa rancho, mga kamag-anak hanggang sa mga kasosyo at kaibigan ni Don Carlos sa kanyang mga negosyo. Kilala man sa pagiging mailap, makapangyarihan at istrikto ang Don malapit naman ito sa lahat anumang antas. Sadyang disciplinarian at over-protective lamang ito sa kanyang mga mahal sa buhay lalo na sa kanyang unica hija. Ika-labinwalong taon na kaarawan ngayon ng kanyang mahal na bunsong anak. Makikita sa paligid ang nagagandahang ilaw at mga eleganteng disenyo na pinasadya pa n'ya sa isang kilalang event organizer. Mga bulaklak na napapaligid sa bawat sulok ng mansyon. Handa ng bumaba ang mag-asawa upang asikasuhin ang mga bisita. "Pacing, si Emilia ba ay nagbibihis na?" pasigaw na tanong ng Don mula sa kanilang silid. "Ay sandali lang po Senyor, tingnan ko po sa silid ng mga nag-aayos kung tapos na po," sagot ng matanda na hindi alam ang gagawin. Kanina pa s'ya naghahanap sa lahat ng sulok hindi n'ya nakikita ang alaga. Mula sa masukal na bahagi ng bakuran palihim na pumasok si Emilia papanhik ng kanyang kwarto. Mabilis na nagtungo s'ya sa shower room upang makapaglinis ng katawan at sigurado hinahanap na s'ya ng mga tao sa bahay. "Miya!' tawag ni Manang Pacing. Ang kanilang mayordoma. Isa ito sa natatanging pinagkakatiwalaan ng kanyang ama pagdating sa mga gawaing bahay at pag-aalaga sa buong pamilya. "Saan na ba ang batang 'yun anong oras na at wala pa. Tiyak na magagalit na ang ama nito sakaling hindi ito makita," usal ng matanda. Kumakatok s'ya sa pintuan ngunit walang sumasagot at naka-lock ito kanina. Sinubukan n'yang balikan ult ito at napag-alaman na bukas na ang kwarto nito. "Sus me, anak bakit hindi ka pa nakapag-ayos magsisimula na ang okasyon," paninita ng matanda. "Manang Pacing, maganda naman na ako kahit walang kulay sa mukha, di po ba?" sagot n'ya sa matandang hindi mapalagay. "Oo nga, maganda ka na pero iba ang araw na ito. Inaasahan ng lahat na kakaibang Emilia ang makikita nila. Saka sayang naman ang kinuhang artists ng iyong mga magulang kung ganyan pa din naman magiging ayos mo. Hala sige na, samahan na kita sa kabilang room at kanina pa naghihintay ang mag-aayos sa'yo," saad ni Manang Pacing habang akay akay ang alaga. "Pasensya na kayo ha, naghintay pa kayo ng matagal. Kung saan pa nagsusuot itong batang to kasi. Pakiayusan na lang ng mabilis itong alaga ko. Kayo na ang bahala dito," utos ng matandang tagapag-alaga sa mga beauticians na hired ng ina. "Ay walang problema po manang, sandali lang ito at hindi naman mahirap ayusan at pagandahin pa lalo ang ating celebrant. Easy easy touches, kami na po ang bahala," sagot ng bakla na namumuno sa grupo at pumipilantik pa. Nagagalak na kinakamusta at binibigyang pugay ng mag-asawang Montezillo ang kanilang mga bisita. Masaya silang nakatayo sa main entrance ng gate kung saan dumadaan lahat ng imbitado. Hindi maipagkakaila ang paghanga ng nakakarami sa kagandahan ng paligid ng gabing iyon. Hindi ito ordinaryong araw lamang. Mula sa stage na may nagkikislapang mga ilaw at nagagandahang backdrop. May malaking projector na akalain mo ay sa sinehan ang mga naroroon at animo ay manunuod ang lahat ng isang napakagandang tanawin. Ngunit sa gabing ito bidang bida ang mala-diyosang mukha ng kanilang prinsesa. Hindi maipagkakaila na isang Montezillo ang nasa litrato. Namana ni Emilia ang lahat na pisikal na katangian ng ama at ugali ng kanyang ina naman ang kanyang namana. Sa harapan ng entablado ay ang kanilang reserved seats and dining area sa mga special guests na mga kaibigan at kasama sa negosyo ng pamilya at sa bandang gilid ng mga ito ay ang dalawang mahahabang buffet table para sa mga manggagawa sa rancho. May mga waiters na nagsi-serve sa mga special guests at self service naman ang mga tauhan sa rancho. May designated seats sa lahat ng bisita. Nag-aalala na ang Ginang dahil hindi pa nagsisimula ang okasyon. "Saan kaya nagpunta ang anak ko at wala pa ito?" tanong ng Donya sa sarili habang palinga-linga. Nawala ang pag-alala n'ya ng magsimula ng magsalita ang host ng programa. Kaibigan at kaklase ito ng kanilang anak. Si Loyd Villader. Magka- edad lang ang dalawa. Anak ng kumpare nila na kilala din sa kanilang lugar. Ang ama nito ay alkalde sa kanilang bayan samantala ang ina ay maagang pumanaw na isang inhenyero. May mga ari-arian naman itong naiwan sa nag-iisang anak. Ginagalang at tinitingala. Galing sa disente at prominenteng pamilya. Ito ang ninanais ng Don na mapapangasawa ng anak sa panahong handa na ito. "Magandang gabi po sa lahat! Andito na po ba ang lahat?" pagsisimula ng host. "Alam naman natin kung bakit naririto ang lahat, di po ba? Ngayong araw na ito ay ang ika-labinwalong taon na kaarawan ng unica hija ng mga Montezillo! At lahat tayo ay makikisaya upang mag-celebrate ng kanyang natatanging kaarawan," ang sabi ng binata dahil magsisimula na ang programa. "Nais ko lamang po tawagin ang masuwerteng mga magulang ng napakaganda kong kaibigan upang tayo ay bigyang pugay. May I call on Don Carlos and Donya Luisa Montezillo as we are about to start the party," pahayag ni Loyd. Mabilis na tumalima ang mag-asawa upang umakyat sa entablado. Nakasuot ng black pants, black shoes at striped na long collared sleeve ang Don at naka-long dress naman ang kanyang maybahay. Kitang kita kahit sa simpleng kasuotan ang karangyaan at awtoridad sa tindig at pananalita ng mga ito. "Salamat Ginoong Villader sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon na maging host sa gabing ito at upang samahan kami sa napakaespesyal na araw na ito. Ang ika-labing walong taong kaarawan ng aking Unica hija. Napakabilis ng panahon at ang aming maliit, makulit at matalinong unica hija ay isa na ngayong ganap na dalaga. Ang lahat ng ito ay para sa kanya. Nais din namin pasalamatan ang lahat ng manggagawa dito sa hacienda. Sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal kaya tayo pa din ay namamayagpag. Ang lahat ng incentivo at nararapat na ibigay sa inyo ay aking ibibigay bilang kapalit ng inyong katapatan at patuloy na pagsuporta sa ating kabuhayan. Lahat tayo dito ngayon ay magsasaya sa pangunguna ng ating napakagwapong host at ng ating main celebrant na si Emilia Montezillo!" paghuhudyat ng Don sa pagsisimula ng okasyon. Binalik nito ang mikropono kay Loyd. Nagpalapakpakan ang lahat ng dumalo sa pagpupugay ng Don. Nagpasalamat ang binata at nagpatuloy sa pagsasalita upang i-welcome ang celebrant. Pinagpapawisan na hindi mapakali ang dalaga. Kahit kailanman ay hindi pa din s'ya sanay sa ganitong uri ng okasyon. Lumaki s'yang simple at hindi maarte. At lalong hindi s'ya mahilig sa mga big events gaya nito. Pinagbibigyan na lamang n'ya ang mga magulang upang matuwa ang mga ito. Mga trenta minutos lang at nagawa na s'yang ayusan ng kanyang beautifician. Nandito na s'ya handang rumampa sa kauna-unahang pagkakataon. My hinahanap ang kanyang mga mata ngunit hindi n'ya makita. Gusto n'yang malungkot. "Bakit kaya wala si Miguel? Sabi n'ya pupunta sya," pabulong na saad n'ya. Nakailang ikot na s'ya ng paningin at nagkakandahaba na ang kanyang leeg ngunit hindi n'ya ito makita. "Is everything alright, sis?" tanong ni Albert. Panganay sa apat silang magkakapatid. Gwapo, matipuno, maalalahanin ngunit dominante. "Kuya, dumating ka pala!" manghang nasambit n'ya. Nagulat ang dalaga ng makita ito. Sa manila na kasi ito namumuhay upang asikasuhin ang iba pang negosyo ng pamilya. "Of course, anything for my little sister. Happiest birthday! Bukas na ang regalo ko ha," bati nito sabay halik sa kanya sa pisngi. "Hey, why do you look bothered anyway? It's your birthday so enjoy it! No if's and no worries. Just enjoy the moment," dagdag pa nito. "I'm alright Kuya. I was just a bit uneasy in this dress. Alam mo naman ayoko ng ganito," bulong n'ya sa kapatid. Napatawa na lang ito ng mahina at nagpaalam na babalik sa kinauupuan kasama ang dalawa pa nilang mga kapatid na lalaki at mag-asawang Montezillo. Kapansin-pansin ang magkakapatid sa taglay nilang kagwapuhan at kakisigan. Nagulat na lamang s'ya ng hawak na ni Loyd ang kanyang kamay upang igiya papunta sa gitna ng entablado. Pilit ang magandang ngiti na kanyang pinakawalan at nakikita n'ya ang kasiyahan ng kanyang mga magulang at kapatid na naka-pwesto sa hindi kalayuan. Hindi man lang n'ya narinig na natawag na pala ang kanyang pangalan. Maiksing pasasalamat at welcome speech ang kanyang binigay sa lahat na mga bisita. Lumapit ang kanyang mga magulang at hinalikan s'ya sa pisngi. Napangiti s'ya ng mas matamis ng nakita si Miguel kasama ang mga magulang at dalawang kapatid na babae. Payak na t-sirt at pantalon ang suot nito. Gwapong gwapo s'ya sa looks nito ngayon. Kinilig s'ya nung nag-wave ito sa kanya. Masaya s'ya na andito ngayon ang boyfriend n'ya at magiging kumpleto ang kanyang kaarawan kung makakasayaw n'ya ito. Ngunit kailangan nila mag-ingat. Pinigilan n'ya ang sarili na lumapit dito. Hanggang tingin lang muna s'ya. Mamaya makatyempo saka na s'ya lalapit. Nagsimula ng kumain ang mga bisita. Lahat ng pagkaing nakalapag ay pinahanda din ng mag-asawa sa kanilang event organizer. Kasama ito sa package na pinili nila. Eighteen roses. Pinapangarap ng mga dalagang debutante. Habang nagsasayaw s'ya kasama ang mga kaibigan na napabilang sa eighteen roses napapalingon at napapangiti s'ya kay Miguel na noon ay sa isang sulok at nakatanaw lang sa kanya. Masaya din ito sa nakikitang masaya s'ya. Nagulat s'ya ng bigla my humalik sa pisngi n'ya. Saka n'ya napansin si Loyd na hawak ang eighteenth roses sabay hawak sa bewang n'ya. Hindi na s'ya nakapalag lalo na at nakatingin ang madaming bisita at ang kanyang mga magulang. Ayaw n'ya mapahiya ito at iniiwasan n'ya na makahalata ang mga magulang. Matipid na ngiti ang binigay n'ya Kay Loyd at nagpasalamat. Kaibigan din n'ya ito at kaklase. Hindi maipagkakaila na gusto ito ng mga magulang n'ya. Madalas ito imbitahan ng ama. Magkasundo ang mga ito. Nag-angat s'ya ng tingin at palinga-linga ngunit hindi na n'ya nakita kahit anino ng nobyo. "Saan kaya 'yun? Naku, baka nagalit sa nakitang paghalik sa akin ni Loyd," kinakabahang sabi ng dalaga sa sarili. Kahit saan s'ya tumingin hindi na talaga n'ya ito mahagilap. "May problema ba birthday girl?" tanong ng binata. "Ah wala naman, medyo nangangawit lang ako kanina pa ako nakatayo at nagsasayaw eh alam mo naman ayoko ng naka-heels at maging center of attraction. Naiilang ako kanina pa," bulong n'ya rito. "Hahahaha oo nga pala nakalimutan ko. Tara na, maupo na muna tayo," inalalayan s'ya nito hanggang sa maupo sa malapit na silya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD