Araw ng linggo at masaya ang lahat sa pagbubukas ng bagong tayong store ni Emilia. Isa itong boutique kung saan mabibili ang iba't ibang uri ng pampaganda at produktong pangkalusugan. Naging matagumpay ang unang branch at sa loob ng isang taon ay napagpasyahan n'ya na magbukas ng kanyang second branch sa Ortigas. Malapit din mula rito ang magiging bahay nila na lilipatan sa susunod na buwan. "Congratulations!" bati ng mga naroroon. "Thank you, it's free to have a feel of our products," sabi n'ya sa mga bisita habang nakangiti na nais sumubok ng kanilang produkto. Natutunan n'ya ito mula sa mga workshops na sinalihan at sa pakikipagkaibigan sa mga kilalang personalidad sa industriya. Unlimited food at mayroon silang freebies sa kanilang invited guests. "Hello, sissy! Maligayang pagbu

