Chapter 4

1736 Words
"I am so sorry kung sa tingin mo ay nagiging makasarili ako," hinging paumanhin ng binata. "Naiintindihan ko, basta magiging matatag lang tayo." Ang sagot ng dalaga at hinalikan sa pisngi ang nobyo. Nagyakap ang magkasintahan saka sila tumayo palabas ng bakuran. "Ihahatid na kita, hindi maaring may makakakita sa atin. Alam mo naman kung ano ang mga priorities natin sa ngayon," nakangiting pahayag ng nobyo. Ngumiti ang kasintahan at magkaakbay sila na tinahak ang daan pauwi ng mansion. Habang naglalakad ay masayang nagkkwentuhan ang dalawa. "Pasensya ka na wala pa ako'ng kakayanan na may maipangreregalo man lang sa iyo," malungkot na sambit ni Miguel. "Ano ka ba, hindi ako materialistic na tao upang humangad ng regalo mula kahit kanino lalo na sa'yo. Sapat na ang makasama kita," sabi ni Emilia. Nauunawaan n'ya ang sitwasyon ng nobyo kaya dapat lang na matuto s'yang mag adjust at tanggapin ang kayang ibigay nito sa kanya. "Salamat, napakaswerte ko kasi mabait at maunawain ang girlfriend ko." Pilit ang mga ngiti na banggit ni Miguel. "Hayaan mo sa susunod makakabawi din ako sa'yo," dagdag pa nito. "Aysus, ikaw lang sapat na." Malawak ang mga ngiting sagot ng dalaga. "Hanggang dito na lang kita maihahatid. Mahirap na," paalam ng binata. "Sige, kita tayo bukas?" paglalambing ng dalaga. "Di ka napagod?" tanong n'ya sa girlfriend. "Hindi, mas gusto ko na kasama ka." Umiiling na sagot nito sa kanya. "Sige, kita tayo sa dating tagpuan!" paalam ng binata pero hindi ito gumalaw sa kinatatayuan. Hinihintay nito na tuluyang mawala sa paningin n'ya ang dalaga. "I love you, Mahal!" paalam ng dalaga sabay bigay ng mabilis na halik sa labi ng binata. Maski ito ay nagulat sa kanyang ginawa.Mabilis s'yang tumakbo papasok sa lihim na lagusan papasok ng kanilang bakuran at saka diretso sa kanyang silid. Dahan-dahan n'yang pinihit ang pintuan at tahimik na pumanhik ng kanyang silid. Sumilip s'ya sa binata at nakita pa n'ya ang binata na akma pa lang tatalikod patungo sa direksyon pabalik sa kanilang bahay. Nakatulog na may magandang ngiti sa kanyang mga labi ang dalaga habang nakayakap s'ya sa kanyang malambot na unan. "Goodnight, Mahal!" mahinang bulong ng dalaga bago tuluyang makatulog. "Magandang umaga aming prinsesa!" Malakas na bulalas ng mga tao sa kanyang silid. Nakasuot pa ng pantulog ang mga ito. "Ang aga n'yo naman mambulahaw, Kuya!" nayayamot na puna n'ya sa mga ito. "Di ba sabi ko, bukas na ang regalo ko so that's today sis!" excited na panimula ng kapatid na si Albert. "Di ba pwedeng mamaya na? I'm so sleepy, gusto ko pa matulog." Ungos ni Emilia sabay balik sa pagkakahiga. Ang sarap ng panaginip n'ya eh naudlot pa dahil sa mga ito. "Come on, you can go back to sleep later. Just take a glimpse." Pangungumbinsi ng dalawa pa n'yang mga kapatid na sina Luis at Juan Carlo na mas nakababata kay Albert. "Sige na nga! Ano ba kasi iyon?" pagpayag ng dalaga. Walang magawa ang dalaga kundi bumangon. Naka-blind fold ang mga mata at inalalayan s'ya ng mga kapatid pababa ng hagdan hanggang sa sila ay makarating sa labas ng bahay. Naroroon ang mayordoma na si Pacing kasama ang mga magulang na nakamasid sa nangyayari. "Here we are! We hope you like it," sabay-sabay na sigaw ng mga nakakatandang kapatid na lalaki pagkatapos tanggalin ang blind fold. "Wow, ang ganda! Para sa akin talaga ito?" tanong n'ya sa mga ito. "Yes, it's all yours. Go and take a look!" utos ng kuya na si Albert sabay abot ng susi. Patakbong itinungo ni Emilia ang nakadisplay sa garahe. Sa unang pagkakataon mayroon na s'yang sariling sasakyan. Isa itong Ford Everest blue car na kakasya ang anim hanggang sampung tao. Tamang tama dahil katatapos lang n'ya mag-aral ng driving at lisensya na lang ang kulang. Kulay asul na s'yang paborito n'yang kulay. Binuksan n'ya ang pintuan sa unahan saka naupo at sinubukan itong paandarin. Nagdrive s'ya palabas at papasok ng mansion. Hindi man s'ya materialistic pero na-aapreciate n'ya ang pa-birthday ng mga kapatid. Pababa s'ya ng kotse nang napansin n'ya isang box na may pangalan n'ya. Nababalutan ito ng pula na wrapper. Binuhat n'ya ito. "What's this?" tanong ni Emilia kay Juan Carlo at Luis. "It's for your to find out dearest sister," sagot ni Luis. Isa ito sa most eligible bachelor. Isa itong piloto na ang byahe ay sa labas ng bansa samantalang ang kapatid na si Albert ay isang sikat na negosyante sa manila. Si Juan Carlo naman ay nagsisimula na sa pagpasok sa pulitika sa kanilang probinsya. May sariling adhikain ang mga ito sa kani-kanilang larangan. May sariling bahay at pagkakakitaan. Binuksan ng dalaga ang kahon at binasa ang nilalaman nito. Kopya ito ng absolute deed of sale ng isang condominium unit sa manila at kasama sa kahon ay ang susi nito. "Oh my god, di kaya ang OA ninyo magregalo!" Tuwang-tuwa tuwa s'ya sa regalo na natanggap. "Anything for our only sister, we love you! Happy birthday again!" sagot ni Albert. "Bakit may pa-condo pa?" nagtatakang tanong n'ya sa mga kapatid. "You deserve it and besides you need to have a place kung pupunta ka ng manila. You can also have it rented if you don't wanna live there." Mahabang paliwanag ni Luis. "Alright, I have nothing more to say but thank you all so much!" Nagdadrama habang nagpasalamat s'ya mga ito. Hindi n'ya inasahan ang mga regalo mula sa mga ito. Madami s'yang natanggap na birthday presents galing sa mga kaibigan at kamag-anak. Hindi na nga n'ya alam kung magagamit pa n'ya ang mga iyon sa dami. Niyakap n'ya ang mga kapatid saka naman lumapit ang mag-asawang Montezillo. "Happy birthday, love!" bati ulit ng mga magulang. May inabot ito sa kanya na nakabalot sa isang makapal na plastic envelop. "Thank you Ma, Pa!" usal pasasalamat na lamang ng dalaga. Niyapos s'ya ng ina at hinalikan naman s'ya ng Don sa noo. Binuksan n'ya ang inabot ng mga magulang. Nanlaki ang mga mata sa nabasa at sa nalaman kung ano ito. "Bakit n'yo binibigay sa akin ito?" tanong n'ya. "Dahil ikaw ang bunso at nag-iisang babae sa inyong magkakapatid. Settled at established na ang mga kuya mo kaya naisip namin na sa iyo ipapamana ang bahay na ito. Ngunit, kailangan mo muna magtapos ng pag-aaral bago tuluyang mapasaiyo ang bahay na ito. Ok ba iyon?" Salaysay ni Don Carlos. "Pa, kaya ko naman sarili ko at gaya ng mga kapatid ko I'll be successful in my chosen career. Hindi ko kayo bibiguin, may mana man o wala. Ang mahalaga sa akin ang makapagtapos," nakangiting pahayag n'ya sa ama. "Iyan ang unica hija namin!" proud na sabi ng ama. Pumasok na sila ng mansion at dumiretso sa komedor. Nakahain na ang kanilang almusal. Ilang taon din at ngayon lang nakumpleto ulit ang kanilang pamilya sa harap ng hapag-kainan. Pagkatapos kumain ng almusal ay nagkayayaan ang mag-anak na maglibot ng hacienda. Sakay sila ng kanyang bagong sasakyan at s'ya ang nagmamaneho. Inikot nila ang buong hacienda mula sa taniman at kakahuyan papunta sa kanilang grazing area ng mga alagang hayop. Magtatanghalian na sila ay napadaan sa kanilang hayupan. Pumwesto sila sa isang maliit na gazebo kung saan natatanaw ang kagandahan ng buong rancho. Bata pa sila ay nakatayo na ang gazebong iyon at mga ilang minuto ang lalakarin saka marating ang tagpuan nila ng boyfriend na si Miguel. Dala ang isang basket na puno ng prutas at kanilang mga pagkain na nasa picnic box ay nagsalo-salo ang buong mag-anak kasama si Aling Pacing. Pagkatapos mananghalian ay sumadya si Don Carlos kasama ang pamilya sa kwadra ng mga kabayo at iba pang alaga sa rancho. Nadatnan nila si Miguel na naglilinis sa loob. "Magandang araw po sa inyo!" magalang na bati ng binata. Tumango lamang ang Don at nakangiti naman ang Ginang. Umikot ang kanilang paningin sa loob ng rancho. Abala ang mga tauhan sa kani-kanilang mga trabaho. "Magaling ang ginagawa mong pag-aalaga sa ating mga alaga, iho!" puna nito. "Maraming salamat po, Don Carlos!" alanganing sagot ng binata. Lumabas sila sa kwadra ng mga hayop at bumalik sa gazebo. Masaya silang nagkukwentuhan habang nakamasid sa iba pang mga hayop na nanginginain at naglalaro sa malawak na bukirin. "Ma, magbabawas lang ako," paalam ng dalaga sa ina. Sumenyas lang ito bilang pagpayag. Agad na tumalima ang dalaga at hinanap ang binata. Nakita n'ya ito sa isang sulok na nag-aayos ng mga supplies ng rancho. Yumakap s'ya mula sa likuran nito. "Congrats! Nagustuhan ni Papa ang ginagawa mong pangangalaga sa mga hayop," bati ng dalaga. "Baka may makakita sa atin," iwas ng binata. "Wala noh! Namiss agad kita." Nakangiting sagot n'ya rito. "Miss din kita pero alalahanin mo na kailangan natin mag-ingat, teka doon tayo!" bulong ng binata at hinila s'ya papasok sa isang maliit na silid. "Ano'ng gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ni Emilia. May dinukot ito mula sa likuran nito. "Para sa'yo dahil ito lang ang kaya ko'ng maibigay sa'yo ngayon. Happy birthday!" Madamdaming pahayag ni Miguel. Tatlong pirasong puting orchid na may kasamang maliit na singsing. Kinilig s'ya sa ginawa ng boyfriend. "Salamat, Mahal!" naluluhang sagot n'ya habang tinatanggap ang bigay ng lalaki. Sinuot nito ang singsing. Isa itong aluminum na mula sa isang inumin. Coke ring ang tawag n'ya rito. "Babawi ako, sa susunod hindi na aluminum ring ang ibibigay ko sa'yo kundi tunay na singsing na," pangako ng binata. "Alam ko na magsisikap ka, ngayon pa lang proud na proud na ako sa'yo." Saad ng dalaga habang nakatitig sa gwapong mukha ng kasintahan. "S'ya sige na baka hinahanap ka na nila," paalala nito. "Sige, mag-ingat ka sa trabaho. Baka bukas na ulit tayo magkikita sa tagpuan hapon na kasi mahirap na magtaka sila." Paalam n'ya sa kasintahan. Nakatingin ang lahat sa kanya habang naglalakad s'ya pabalik ng gazebo. Ang mga ngiti ay abot hanggang langit. "Nakuha ko sa isang sulok duon ung orchid, ang ganda." Masayang bungad n'ya sa mga ito. "Bagay sa'yo anak, orchid means love, luxury, beauty and strength." Puri ng magiliw na ina. "Oh tara na, kailangan na natin umuwi bago pa tayo abutan ng gabi," sabi ng ama na nag-aya ng umuwi. Naging masaya ang araw na ito sa lahat. S'ya na, sa maiksing sandali ay makasama ang buong pamilya at si Miguel na may pa-flower pa. Naging makabuluhan naman ang araw para sa mga lalaking miyembro ng pamilya na nag-usap tungkol sa kanilang future plans sa hacienda at sa kanilang mga personal na buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD