Matagal na panahon ang pakikipagbuno ng binata upang maiayos ang pamumuhay ng kanyang pamilya. Nag-aral s'ya ng medisina ng mga hayop habang nagtatrabaho bilang assistant ng isang animal doctor ng isang clinic na malapit sa University of the Philippines Los Banos na pinapasukan. Libre ang kanyang pag-aaral gaya ng offer ng kanyang dating college professor ganun din ang dorm na kanyang tinitirhan. Labis ang paghihinagpis ng binata sa kanyang paglisan sa kinalakihang probinsya subalit wala s'yang magawa kundi ang gawin ang nararapat para sa kaligtasan n'ya at ng buong pamilya. Durog ang puso dahil kailangan n'yang talikuran ang babaeng minamahal kapalit ng kanyang buhay at kinabukasan. Ngunit pinangako n'ya sa sarili na babalikan ito sa oras na may magandang buhay na s'yang maibigay rito. Na

