Chapter 24 ALP Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ngayon ni Danica pabalik sa Laspinas. Hindi siya umiimik at nakatanaw sa labas ng bintana ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung tama ba na ipagpilitan ko ang aking sarili sa kaniya kahit na ayaw niya sa akin. "Danica?" tawag ko sa pangalan niya. "Uhmm.." walang gana niyang sagot. "Are you sure na ayaw mo magpakasal sa akin?" paninigurado kong tanong sa kaniya. "Alp, huwag mo na ipagpilitan ang sarili mo sa akin. Wala akong gusto sa 'yo at malayo ang agwat ng edad natin. Tama na 'yong minsan nating napagsaluhan na kalibugan," seryoso niyang sabi sa akin. "Ano sa palagay mo ang nangyayari sa atin, isang kalibugan lang para 'yo? Danica, alam ko gusto mo ako. Alam ko kailangan mo ako nararamdamn ko iyon sa pagtatalik natin kanina. Hindi

