Chapter 25 ALP Alasingko na kami natapos sa pag-inom ni Mark. Medyo lasing na kaming dalawa, kaya tinawagan ko si Sheena na kung maari ay sunduin kami sa bar na pintuhan namin ni Mark. Nahihilo na ako at baka mabangga pa kami ni Mark kapag pinagpilitan kong mag-drive. Kaya, narito kami ni Mark sa likod ng driver seat sa kotse ko. Habang si Sheena naman ay panay ang sermon sa amin ni Mark. "Nakakahiya kayong dalawa! Iinom-inom kayo tapos hindi niyo naman kaya ang sarili ninyo!" Tahimik lang kami ni Mark sa panenermon niyo sa aming dalawa. "Ginawa niyo pa akong driver! Hayyzz... kayong dalawa ang sarap niyo pang-untugin!" Patuloy pa nitong sermon sa amin. "Sinamahan ko lang naman ang ex mo na uminom. Nabasted, eh," sabi naman ni Mark. "Huh! Ang laki ng tama mo kay Danica, Alp, ha? '

