KYRHEIN POV
Isang linggo na ang nakaraan simula no'ng tinaggal ang rules ng school. Naging maayos naman ang lahat at naging maganda na rin ang pakikitungo sa akin ni Trio.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria para kumain, napapansin ko ang mga tingin ni Volter mula rito sa kinauupuan ko.
'Pasensya ka na, Volter hindi na ako maaring lumapit sa iyo dahil ayoko ng gulo. Mapapahamak lang tayong lahat...'
Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya at nagpaalam sa mga kaibigan ko par pumunta sa washroom.
Mabilis akong naglakad patungo roon at pagdating ko ay agad akong pumasok sa banyo. Matapos ay lumabas ako at naghugas ng kamay, inayos ko rin ang sarili ko bago lumabas.
Paglabas ko ay may humila sa akin dinala ako sa parte na walang makakita sa amin.
"V-Volter!" gulat kong sambit sa kaniyang pangalan. "Why are you avoiding me? Pinagbawalan ka ba niya? Anong ginawa niya sa'yo?" Sunod-sunod ang kaniyang tanong habang nakahawak sa aking mga braso.
"V-Volter, o-okay lang ako. Bitawan mo na ako, kailangan ko nang umalis," sabi ko sa kaniya habang inaalis ang mga kamay niya.
"No. Tell me, anong ginawa niya sa'yo?" tanong niya ulit.
"Wala siyang ginawa sa akin, kinulong niya lang ako sa kuwarto..."
"You're lying. Hindi 'yan ang sinabi sa akin nila Apple. He is hurting you."
"Isang beses lang 'yon, kasalanan ko rin naman iyon. Pero nangako siyang hindi na niya iyon uulitin, basta sumunod lang ako sa mga gusto niya."
"What? At ano ang mga gusto niya? Ang iwasan ako, gano'n ba?"
"Oo. Iyon ang dapat kong gawin, I'm sorry. Kailangan ko nang umalis, baka makita niya tayo." Tinakuran ko na siya pero hinila niya ulit ang braso ko, dahilan para mapasandal ako sa pader.
"V-Volter, please. Baka makita niya tayo, mapapahamak tayo pareho. I'm sorry, kalimutan mo na rin ako." Nakaramdam ako ng mainit na likido sa aking pisngi. Hindi ko naman siya ipagtabuyan kung hindi lang ako nag-aalala sa kaniya at sa aming lahat.
"Kyrhein, you know that I can't do that. You are so special to me, at hindi ako makakapayag na lumayo ka sa akin dahil lang takot ka sa kaniya. You're in danger, Ky."
"I told you to stay away from him!" Sabay kaming kaming napalingon sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ng husto ang aking puso. Galit na galit ang mukha ni Trio na nakatingin sa aming dalawa ni Volter. Hinila naman ako ni Volter papunta sa likuran niya.
"And why? Bakit mo siya pinapalayo sa akin?"
"Because he is mine! And you have nothing to do with it!"
"I won't let you own her, Deme. Alam nating dalawa na hindi mo siya pakakasalan dahil mahal mo siya, gusto mo lang siyang asawahin dahil sa kapangyarihan. But sorry, dahil hindi ko siya ibibigay sa'yo..." Napatili ako nang suntokin ni Trio si Volter. Sumubson ang mukha niya sa sahig at dumugo ang kaniyang labi.
"T-Trio, tama na," nanginginig kong pakiusap. Pero hindi siya nakinig sa akin, nakatuon lang ang atensyon niya kay Volter.
"Tumayo ka!" singhal niya rito.
"Tayo!" Dinakma niya ang kuwelyohan ni Volter at pinatayo ito.
"Kyrhein! Now you choose, me or him?!" sigaw niya sa akin. Napapapikit ako at nangangatog ang aking mga binti sa takot. Tumutulo na rin ang mga luha ko at habol ang hininga.
"T-Trio, tama na. Bitawan mo na siya, 'wag mo na siyang saktan..."
"Answer me! Ako o ang lalaking 'to?! If you will choose him, I will kill him. If you choose me, I'll let him, live!"
"Ky? D-don't listen to him. Umalis ka na, kaya ko ang sarili ko... aggghhhh!"
"Shut up!" Sinikmuraan ni Trio si Volter sanhi ng pamimilipit nito sa sakit.
"Tama na! Please, tama na! Volter... I'm sorry. I'm really sorry, si... Si Trio ang pinipili ko..."
"Kyrhein, no! Mapapahamak ka lang sa mga kamay niya..."
"She already choose me, wala ka nang magagawa..." Pabagsak na binitawan ni Trio si Volter dahilan para bumaksak siya sa sahig.
"I'm sorry, Volter. Mahal ako ni Trio, at...m-mahal ko na rin siya..." Tumulo ang mga luha ko matapos banggitin ang mga katagang iyon. Alam kong mali, alam kong hindi ito ang dapata, pero kailangan ko itong gawin dahil ayokong mapahamak siya o sila. Mas gugustohin ko pang ako na lang ang magtitiis at mahihirapan. Alam ko rin na hindi na ako sasaktan ni Trio. Alam kong obsessed lang siya, maayos rin ang lahat ng ito. Matatapos rin ang lahat ng ito...
"Ky..."
"You heard what she said, right? H'wag ka nang umasa, Volter," sabi ni Trio rito. Nilapitan niya ako at pinahid ang nga luha ko.
"Shhh… Enough crying, let's go, uuwi na tayo," sabi niya sa akin at hinila na ako. Nilingon ko pa si Volter na tumayo na at hanggang tingin na lang sa akin ang nagawa. 'I'm sorry, I'm really sorry...'
Nakarating na kami sa bahay ni Trio at dumiretso ako sa aking kuwarto. Ni-lock ko ang pinto at umiyak ako ng umiyak sa kama. Nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil sinaktan ko si Volter. Kita ko sa mga mata niya ang sakit no'ng sinabi kong mahal ko na rin si Trio. Hindi niya lang alam na mas nasaktan ako dahil niloko ko siya, hindi ko mahal si Trio. Sinabi ko lang iyon dahil ayokong may mas matindi pang gawin si Trio sa kaniya. Ayoko siyang mapahamak ulit ng dahil sa akin.
Natigil ako sa kakaiyak nang marinig ko ang boses ni Trio sa labas ng aking kuwarto. Inayos ko ang aking sarili at pinagbuksan siya. Napatitig siya sa mukha ko at sinuri ito.
"Are you okay? Why are you crying?" tanong niya sa akin.
"W-wala to, ahm... Namimiss ko lang ang pamilya ko," pagsisinungaling ko.
"Come here." Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. 'I'm sorry Trio,' sabi ko sa utak ko.
"Tama na, malapit mo na rin silang makikita, ilang buwan na lang," nakangiti niyang aniya. Tumango lang ako at umupo sa kama ko.
"What do you want for dinner?" tanong niya.
"I-ikaw na ang bahala. Kakain naman ako kung ano ang iluluto mo," sabi ko sa kaniya.
"Would you like to join me in the kitchen?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya, matamis siyang nakangiti at naghihintay sa sagot ko.
"S-sige. M-magbibihis lang ako at susunod roon, okay lang ba?" tanong ko.
"Sure, no problem." Lumabas na siya at sinara ko naman ang pinto, huminga ako ng malalim at nagpunta sa closet ko para magbihis. Tinali ko rin ang buhok ko para hindi sagabal. Lumabas na ako at nagpunta sa kusina kung saan si Trio. Pagdating ko ay abala siya sa paghihiwa ng rekados. May bell pepper at pancit sa gilid.
"Anong lulutoin mo?" tanong ko sa kaniya.
"Hmm, pancit guisado," sagot niya.
"Puwedeng... tumulong?" Tumingin siya sa akin at malawak na ngumiti.
"Sure, here. Ikaw na lang ang maggisa ng bawang, be careful baka mapaso ka," sabi niya at inabot sa akin ang panggisa. Habang naghahalo ako sa bawang ay hindi ko mapigilang mapatitig kay Trio. Mas guwapo pala siya sa malapitan, matangos ang ilong makapal ang kilay na sobrang itim. Hindi gaanong mapula ang labi niya pero maganda ang kurba nito. Mukha siyang suplado kapag salubong ang mga kilay niya.
"Ahhww!" daing ko nang mapaso ako sa kawali.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya.
"N-napaso ako," mahinang sabi ko.
"Sa hinahalo ka kasi tumingin, 'wag sa akin," nakaloko niyang sabi at nakangiti pa.
"H-hindi ah..."
"Ako na rito, just sit here and wait until I'm done," sabi niya. Hinayaan ko na lang siya na magluto, naghintay na lang ako kung kailan soya matatapos.
"Are you hungry?" tanong niya.
"Ha? Ahm, medyo. Ang bango ng niluluto mo," nakangiti kong sabi.
"Really? I'm sure, magugustohan mo rin 'to. Aayusin ko lang ang table para makakain na tayo."
"Ako na lang," presinta ko. Kumuha ako ng dalawang plato ang mga kutsara't tinidor. Naglagay na rin ako ng tubig at baso. Inihain na rin niya ang kanina at ulam na inilapag ko naman sa lamesa. Sabay kaming umupo at nilagyan niya ang plato ko ng pancit na niluto niya. Natatakam ako sa amoy pa lang kaya agad ko itong tinikman.
"Be careful, mainit pa 'yan," paalala niya.
Inihipan ko muna ito bago isubo at nilasan.
"Mmmmm... Ang sarap naman nito, ang galing mong magluto. Alam mo, ganito magluto si Mama ng pancit. May kaunting sabaw at lasang-lasa ang ingredients," natutuwang sabi ko sa kaniya.
"Really? Thanks that you like it. Let's eat," aniya at nagsandok na rin ng kaniyang kakainin. Habang kumakain kami ay napagk'wentuhan namin ang tungkol sa pamilya ko. Marami akong nai-share sa kaniya maging sa sarili ko. Sa susunod, buhay naman niya ang aalamin ko. Natapos ang hapunan namin na maraming nakain at napagk'wentuhan. Kami pa rin ang naghugas at sabay na pumasok sa aking kuwarto. Dito na rin siya tumatambay at gumagawa ng kaniyang lesson plan. Habang ako ay nanood na lang ng palabas hanggang sa makatulog.