KYRHEIN POV
Araw ng sabado at walang pasok, nasa bahay lang kami ni Trio. Nasa kuwarto ako, siya naman hindi ko alam kung na saan. Naisipan kong lumabas, wala siya sa sala o sa kusina. Napakatahimik ng buong bahay, hindi naman siya kalakihan pero malawak. Lalabas na sana ako nang makita ko siya sa flower garden. Anong ginagawa niya riyan? Namimitas ng bulaklak? Mahilig pala siya sa bulaklak, akala ko babae lang ang mahilig, may lalaki rin pala.
"Why are you smiling?" Napaigtad ako nang bigla siyang magsalita. Nasa harapan ko na siya at may bitbit na tatlong pirasong rose flowers.
"For you," abot niya sa akin. Alanganin ko itong tinanggap at napakamot sa sintido ko.
"S-salamat," utal kong sabi.
"You're not answering my question. Why are you smiling?" Napanganga ako at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Ahmm... ano kasi... M-mahilig ka pala sa bulaklak?" tanong ko sa kaniya.
Tumawa siya ng mahina at napahawak sa kaniyang mapulang labi.
"Are you thinking that I am a gay?" tanong niya. Napalunok ako.
"W-wala naman akong sinabi," nauutal kong sagot. Kinakabahan na tuloy ako.
"Pero iyon ang nakikita ko. I am not a gay, mahilig lang talaga ako sa mga bulaklak. Namana ko sa Mama ko, bata pa lang ako ay ako ang lagi niyang kasama sa garden niya. Magtanim at mamitas ng mga bulaklak. Binibenta pa namin iyon, pero no'ng nawala siya ay nahinto ang pagbibenta ko. Come with me, I have something to show you." Hinila niya ako papasok sa bahay at nagtungo kami sa isang pintuan. Naka-lock ito, may kinuha siyang susi at binuksan iyon. Pagpasok namin ay binuksan niya ang ilaw. Tumambad sa akin ang mga gamit na tingin ko ay matagal na ito. May mga malalaking picture frame, at mga paintings. May mga rebulto pa ng... Ha-halimaw? Nagtataka akong tiningnan ito, may sungay, parang demonyo. Iniwaksi ko sa aking isipan ang mga naiimagine ko.
"Come here," tawag niya sa akin. Pinaupo niya ako sa kahoy na upuan.
"Gusto mong malaman ang pagkatao ko, 'di ba?" Alanganin akong tumango. Hinawakan niya ako sa kamay at tumabi sa akin.
"I'll tell you, everything. Sana kung ano man ang malalaman mo ngayon ay hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin. Kung ano man ang malalaman mo, sana... sana mahalin mo pa rin ako." Nagkatitigan kami. Kita ko sa mga mata niya ang kaba at takot.
"Kung ano man ang mga sasabihin mo, handa akong makinig at lalawakan ko ang aking pag-iisip. Kung natatakot ka o nag-aalala na baka lumayo ako sa iyo, sinisiguro kong hindi iyon mangyayari." Binigyan ko siya ng natural na ngiti matapos ko iyong sabihin. Huminga siya ng malalim at sumeryoso ang kaniyang mukha.
"I'm not a normal person, Kyrhein." Panimula niya. May inabot siyang litrato na halatang luma na ito dahil gasgas na at hindi na masyadong nakikita ang mga mukha ng nasa litrato.
"They are my real parents. This boy, is me. Lumaki ako sa madilim na buhay, hindi pangkaraniwan. Pero pilit naming ginagawang normal ang buhay namin. Iyon nga lang ay panandalian lang. Pinatay ang mga magulang ko, sa harap ko mismo. Gusto ng magulang ko na kumalas sa grupo ng mga kulto..."
"Kulto?" putol ko sa sasabihin niya.
"Yes, kulto. May sariling paniniwala, may sariling Dios at ritual na ginagawa. Ayaw ng magulang ko na lumaki akong kasamaan ang dumadaloy sa kaugatan ko at buong pagkatao. Ayaw nilang maging masama ako, pero dahil sa kagustohan nilang mailayo ako ay naging dahilan iyon ng pagkamatay nila. Nagkaroon ng paghatol, kinulong sila at pagsapit ng gabi ng ritwal, ay pinatay sila. Wala akong nagawa, anong laban ko? Otso anyos lang ako noon, wala akong kamuwang-muwang. Pinalaki nila ako na isang alipin, tinuruan nila akong pumatay. Hanggang sa nakasanayan ko na ito at wala na akong awa sa mga taong pinapatay namin. Hanggang sa, nakahanap ako ng paraan para tumakas. Doon ko nakilala ang nanay-nanayan ko na si Mama Olivia. Inampon niya ako, pinag-aral at itinuring na tunay na anak. Pero no'ng nasa tamang edad na ako at ganap nang doktor ay nalaman ko na isa pala siyang miyembro ng mg kulto. Bumalik ako sa dati kong gawain dahil iyon ang utos niya. Nambibiktima ako ng mga babaeng berhin, at kapag hindi ko siya sinunod o hindi ko gagawin ang kaniyang ipinag-uutos ay pinapatay niya ang mga ito. Wala siyang awa, wala siyang konsensiya. Hindi ko tunay na kapatid si Olga at Marie, maging si Volter. Kagaya ko ay ampon lang rin siya, pinatay rin nila ang magulang niya. Hanggang sa naging magkalaban kami, kapag mayroong pinapagawa si Mama Olivia, siya ang kalaban ko, kakupetinsiya. Pero dahil sa hangad kong maging matapang at malakas, ginamit ko ang kasamaan ko. Nagiging demonyo ako, itong paaralan na ito ang saksi sa kahayopang ginagawa ko. Gusto kong mamuhay ng normal, gusto kong kalimutan ang madilim kong nakaraan. Kaya no'ng nakita kita at nakilala, ay nagbago ang pananaw ko. Gusto kong mapansin mo'ko, kaya nga kita laging sinusundan at binabantayan. Nagseselos na rin ako dahil lumalapit sa iyo si Volter, nakikita ko kayo palagi. Dahil do'n, nakagawa ako ng masama. Ginamit ko ang mga kaibigan mo para lang makuha ka. Kulang na lang pumatay ako, pero bigla kang dumating. Nagkaroon ako ng tiyansa, nagdesisyon ako at pinapapili kita. Hindi ko nais ang mga ginagawa ko, pinilit lang ako. Hindi ako kasing sama ng iniisip mo o ninyo. Nakakaramdam rin ako ng awa at konsensiya, pero dahil hawak nila ako sa leeg, wala akong magagawa kun'di sundin kung ano ang gusto nila. I'm sorry, patawarin mo 'ko. Dinamay kita, kayo ng mga kaibigan mo. Sinaktan kita, nasaktan ko sila. Maniwala ka, hindi ko gusto ang mga ginagawa ko, Ky. Sana mapapatawad mo 'ko. I'm sorry, I'm really, really sorry." Hindi ako nakaimik, nananayo ang mga balahibo ko at dumadagundong sa kaba ang puso ko. Umiiyak siya sa harapan ko ngayon, bakit ako nasasaktan at naapektohan? Kusang umangat ang mga kamay ko at pinahid ko ang mga luha niya at niyakap ko siya. Hinagod ko ang likuran niya.
"Napatawad na kita, Trio. Alam kong pinagsisihan mo na ang mga kasalanang nagawa mo. Sana hindi mo na rin uulitin, sana magtuloy-tuloy na ang pagbabago mo. Hindi kita iiwan, Trio. Nandito lang ako palagi sa tabi mo, tatanggapin pa rin kita." Bigla ay kumalas siya sa pagyakap sa akin at tumingin sa mga mata ko.
"A-anong ibig mong sabihin? Anong tinatanggap?" Napangiti ako at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Tanggap kita kung ano at sino ka. Oo, aaminin kong nabigla ako sa mga nalaman ko. Aaminin kong kinabahan at natakot ako sa iyo. Pero, may parte sa akin na nagsasabing hindi na mahalaga kung ano ka noon. Dahil ang Trio noon, ay ibang-iba sa Trio'ng nakilala ko ngayon. Maaring naging masama ka sa paningin ko, hindi mo naman siguro ako masisisi. Pero tapos na 'yon, ang mahalaga ngayon ay kung paano ka magsisimula sa normal na buhay. Huwag kang mag-aalala, tutulongan kita, sasamahan kita." Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, napahikbi siya sa aking balikat.
"Thank you, thank you Kyrhein. Thank you so much. Gagawin ko ang lahat, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya. Babaguhin ko na ang buhay ko para sa iyo, para sa atin. Pangako ko 'yan."
"Baguhin mo ang sarili mo para sa sarili mo, Trio. Magiging masaya ako kapag nagawa mo iyon. Nandito lang ako, kasama mo sa pagbabago mo."
"Thank you..."
Matapos ang senaryong iyong ay binago namin ang itsura ng kaniyang bahay. Isa sa plano namin para magkaroon ng liwanag ang bahay niya. Naglinis kami at pinalitan ng kurtina ang buong bahay at pati na rin ang pintura nito. Tinanggal namin ang mga bagay na hindi magandang tingnan sa sala. Pati ang kuwarto niya ay nilinisan namin at binago. Buong araw kaming naglinis, dahil sa pagod ay hindi na kami nakapagluto kaya nagpa-deliver na lang kami ng pagkain. Habang kumakain kami sa sala ay nanonood kami ng palabas sa tv. Matapos iyon ay nagpaalam ako sa kaniya na magpapahinga na ako. Hinatid niya ako sa aking kuwarto at tinabihan sa kama. Nakahiga ako sa mga braso niya at sinuklay-suklay naman niya ang buhok ko hanggang sa makatulog na ako. Hindi na ako natatakot sa kaniya, nawala na ang takot ko matapos niyang sabihin ang lahat ng nakaraan niya. Dasal ko ay sana magtuloy-tuloy na ang pagbabago niya. Sana tuloyan nang maging mabait si Trio, si Trio na unti-unti ko nang minahal.