KYRHEIN,
Dalawang linggo ang nakalipas, unti-unti na nang nagbago si Trio. Madalas na siyang nakangiti at madaldal. Ang dami niyang kinikwento sa akin kahit hindi ako related sa mga sinasabi niya. Minsan, sumasabay siya sa amin ng mga kaibigan ko tuwing lunch break. At hindi maiwasan ang pagchismisan ng ibang istudiyante. Bawal sa school ang relationship between teacher and student. Sinasabi ko ito kay Trio, pero wala raw siyang pakialam. Handa raw siyang mawalan ng trabaho bilang professor kaysa ang relasyon namin ang maputol. Hindi ko nga alam kung bakit gano'n ang pag-iisip niya. Wala pang opisyal na kami na o legal na kami dahil wala namang kaming maayos na pag-uusap tungkol doon. Nagsama lang kami sa kaniyang bahay pero wala kaming lebel, at mas lalong hindi namin alam kung ano kami sa isa't-isa, in short, malabo ang relasyon namin. Gusto rin niya na umalis na lang sa pagiging professor at mag-doctor na lang dahil iyon naman talaga ang propesyon niya. Kaya ngayon, inaasikaso na niya ang kaniyang papel para sa pagdo-doctor. Nasa kuwarto ako ngayon at nag-aaral dahil bukas na ang final exam namin. Sa wakas matatapos na rin ang pasokan. Makakuwi na ako sa amin, makikita ko na sila Mama at Papa, pati ang sila Kuya at Ate. Nasasabik na akong makita at makasama sila. Mayamaya lang, bumukas ang pintoan ng aking kuwarto at pumasok si Trio. Nagtaka pa ako dahil may dala siyang tray na puno ng pagkain. Pagtingin ko sa relo ko, alas otso na ng gabi. Hindi ko man lang namalayan ang oras, at ngayon ko lang naramdaman ang gutom.
"Hi," aniya at matamis na ngumiti sa akin.
"H-hi. Sorry, hindi ko namalayan ang oras."
"It's okay, alam kong nagre-review ka para bukas. But now, you have to eat para may laman ang tiyan mo," saad niya. Pinatong niya sa mesa ang tray at inayos ito. Lumapit ako para tulungan siya.
"Hindi na kita inistorbo dahil alam kong focus
ka sa pag-aaral. So, I prefer a delicious dinner for my girl," aniya at pinisil pa ang aking pisngi.
"Thank you. Nakakahiya na, wala man lang akong nagawa rito sa bahay mo," saad ko sa kaniya.
"Don't think about it, okay? Easy lang sa akin ang mga ito. Cooking, house cleaning and washing, sisiw na sisiw sa akin 'yan. Ang importante, ang pag-aaral mo. Soon, kapag graduate ka na, dalawa na tayong doctor. And, malay natin, magkaroon tayo ng sarili nating clinic. What do you think?" Napaisip ako sa magandang plano niya.
"You're right, puwede iyon," saad ko sa kaniya.
"Ahuh. So, let's eat habang mainit pa ang pagkain." Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko, may sabaw rin sa bowl. Tahimik at seryoso kaming kumakain. Walang oras magsalita lalo na ako dahil gutom ako. Tumataba na nga ako dahil kain tulog lang ang trabaho ko rito sa bahay ni Trio. Masaya rin ako dahil lumalabas ang tunay niyang ugali. Hindi na siya mabilis magalit at hindi na mainitin ang ulo. Matapos ang aming hapunan ay ako na ang naghugas ng aming pinagkainan. Ayaw pa sana niyang pumayag pero nagpumilit ako, iyon na nga lang ang magagawa ko ayaw pa niya akong payagan. Pagbalik ko sa aking kuwarto ay nakahiga siya sa kama, paglapit ko ay nakatulog na siya. Saan ako hihiga kung dito siya matutulog? Bigla ay kinakabahan ako sa aking naiisip. Hindi ako sanay na may katabi lalo na, kung lalaki.
"T-Trio," pukaw ko sa kaniya.
"Hmm..." daing niya.
"D-dito ka matutulog?" tanong ko.
"No. I'm sorry, nakatulog pala ako. Matutulog ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa naman, may tatapusin pa akong review," saad ko sa kaniya.
"Okay. Pagkatapos niyan, matulog ka na. H'wag kang magpapuyat mas'yado," aniya at bumangon na.
"Punta na ako sa kuwarto ko, goodnight," paalam niya.
"Goodnight," sagot ko. Bago pa man siya lumabas ay hinalikan muna niya ako sa noo. Nabigla man ako ay agad akong nakabawi. Itinuon ko na ang atensyon ko sa pag-aaral hanggang sa dalawin ako ng antok. Nag-inat ako ng katawan at kamay sabay hikab. Pinatay ko na ang laptop na ginamit ko at ni-lock ang pinto ng aking kuwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama at kaagad na nakatulog.
KINABUKASAN,
Maaga akong nagising, naligo kaagad ako at nagbihis ng uniform ko. Lumabas ako ng kuwarto bitbit ang aking bag at ilang libro. Saktong paglabas ko ay siya ring paglabas ni Trio. Ang guwapo niya sa kaniyang unipormeng pangguro, may suot pa siyang salaman. Genius. Matamis siyang ngumiti at lumapit sa akin.
"Good morning," aniya at hinalikan ako sa noo.
"G-good morning," bati ko sa kaniya pabalik.
"Let's go," sabi niya at hawak-kamay kaming lumabas ng bahay.
"Are you ready for the exam?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Medyo? Kinakabahan ako, honestly. Last exam na 'to kaya medyo nag-aalala ako."
"Don't be, I make sure naman na hindi mahirap ang exams niyo. Ayokong mahirapan ka." Taka akong tumingin sa kaniya.
"Don't tell me, ikaw ang nag-decide sa mga questions?"
"Yup!" saad niya. Seryoso? Puwede ba 'yon?
"Seryoso?"
"I'm serious. Nakalimutan mo yata na amin ang school na ito. I can do anything, I want. Puwede nga kitang ipasa without that exam but, hindi puwede."
"Ayy nako! H'wag na Trio, mainit na nga ang mga mata ng iba sa akin tapos gagawin mo pa 'yan." Tumawa lamang siya.
"Are you scared of them?" tanong niya.
"No. Ayoko lang ng gulo. I'm a good girl kaya," biro kong saad sa kaniya.
"Yes of course, you are a good girl. Kaya nga nabihag mo ang puso ko," aniya sabay kindat. Pinamulahan ako ng pisngi. Nakaramdam ako ng kiliti sa puso.
"You're blushing," saad niya.
"Hindi ah. Tara na nga," sabi ko at naunang maglakad sa kaniya. Shuta! Bakit ako kinikilig? Lumalala na itong nararamdaman ko, hindi na normal. Nahuhulog na ba ako ng tuluyan sa kaniya?
Hindi nagtagal, nakarating na kami sa classroom. Nauna lang ako dahil may kinuha pa si Trio sa office nila na test papers para sa exam. Pagpasok ko, tumabi ako kay Vanessa.
"Good morning," masayang bati ko sa kaniya.
"G-good morning? Mukhang..." Tinitigan ako ni Vanessa sa mukha at sinuri pa ito ng maayos. Ang weird, anong problema nito?
"Hoy! Bakit ganiyan ka naman makatingin?" tanong ko sa kaniya.
"Something is not right. You look... blooming today and happy. Hmmm... may hindi ba ako alam?" taas kilay niyang tanong tapos ngumiti. Napayuko ako at naramdaman ko na naman ang pang-iinit ng pisngi ko.
"Naku, naku,naku! Sissy? What's with that face, huh? You're blushing, are you in love?" tanong niya na dinilat pa ang mata.
"H-hindi 'no," tanggi ko. Hindi ko nga rin alam e.
"Ayy, deny ang peg? H'wag ka nang tumanggi, halata ka gurl," tukso niya.
"Hmmm... Ano na ba ang status ninyo ni Sir Pogi?" pabulong niyang tanong
"Tumahimik ka nga, Vanessa. Gano'n pa rin," sagot ko sa kaniya.
"Ganurn? Ang hina naman ni sir dumiskarte," pabulong niyang sabi. Mayamaya ay pumasok na si Sir Trio at binati kaming lahat. Hindi na ako umimik pa dahil hindi ako titigilan nitong isa sa kakatanong. Tahimik at seryoso kaming lahat sa pagsusulit. Ilang oras din ang inabot ng exam na iyon. Nahilot ko ang sentido ko dahil bigla itong sumakit.
"Miss Fuentabella, are you okay?" tanong ni Sir Trio sa akin. Napatingin ako sa kaniya at umiling. Sinilip niya ang kaniyang relo.
"Okay, time is up. Pass your test papers and you can go out for snack and take a break," aniya sa mga kaklase ko. Hindi rin nagtagal ay nagsilabasan na sila at nagpahuli kami ni Vanessa.
Nang makalabas na silang lahat ay lumapit sa akin si Trio.
"Gusto mong pumunta sa clinic para makapagpahinga?" tanong niya.
"Hindi na, dito na lang ako," sagot ko sa kaniya.
"Vanessa, puwedeng ibili mo si Kyrhein ng snacks? Then, humingi ka ng pain reliever sa clinic, thank you," aniya kay Vanessa.
"Sure sir, wait niyo ako," sagot naman ni Vanessa at lumabas na ng classroom. pum'westo naman sa likuran ko si Trio at hinilot ang aking sentido.
"Nahirapan ka ba sa exam?" tanong niya.
"Yeah. Medyo ang lalim ng ibang questions," sagot ko. Walang choices ang ibang questions sa exam, own answer ang dapat na maisagot roon kaya nabigatan ako. May topic pa na wala sa review ko kagabi.
"Don't worry, alam kong papasa ka. You're smart, baby," aniya. Ipinikit ko ang aking mga mata, feeling ko unti-unti nang nawala ang sakit ko sa ulo.
"Sir, ito na po ang snacks and medicine," bungad ni Vanessa.
"Good morning, Sir Trio," bati ng mga kaibigan namin.
"Sorry kung nandito kaming lahat. Worried kami sa bff namin," saad ni Apple.
"I'm fine, medyo okay na ako," sagot ko at umupo ng maayos.
"Thanks," saad ko kay Trio.
"Feel better?"
"Yeah, thank you," nakangiting sagot ko.
"Sir, nagdala kami ng pizza. Sabay na po tayong kumain lahat," sabi ni Elise.
"Thanks," aniya. Binigay sa akin ang snack na binili ni Vanessa at nagsimula na kaming kumain. May kwentohan at tanong ang mga kaibigan ko. Tahimik lang ako at hindi umiimik, nahihiya ako at masarap ang kain ko.
"Sir, no offense ha. Pero, baka po nabuntis na itong kaibigan namin..." Bigla akong naubo at naibuga ang tubig sa tanong na iyon ni Apple.
"Are you okay?" tanong ni Trio at hinagod ang likod ko.
"Anong buntis ang pinagsasabi mo diyan, Apple? Na-drain ang utak ko sa exam okay," saad ko. Tumawa naman sila, pati si Trio.
"Ahw! Sorry naman, bff. Pero if ever naman, willing kaming maging godmother ng baby ninyo," kinikilig niyang sabi.
"Matigil ka, Apple. Ga-graduate pa ako," saad ko sa kaniya.
"Kahit 'wag na bff, nandiyan naman si Sir Trio. I'm sure 'di ka niyang pababayaan," aniya. Paglingon ko naman kay Trio ay nakangiti lamang siya habang kumakain. Napansin niya 'ata ang presensya ko kaya siya natigil.
"Magdo-doctor pa si Ky, before kami magkaroon ng mga anak," aniya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Owshii! Naks, naman. Mr. and Mrs. Medic," saad nila. Napailing na lamang ako sa kakulitan ng mga kaibigan ko. Hindi rin nagtagal at nagsialisan na sila. Nagsimula na rin ang last exam namin. Mabuti na lang at easy na ito, halos na-review ko ang mga katanungan. Pagsapit ng hapon, natapos na rin ang exam. Nakahinga ako ng maluwag at nakaramdam ng pagod. Natapos na rin ang paglilitis. Saktong naubusan ng laman ang utak ko. Bago pa kami unuwi ni Trio, ay nagmeryenda muna kami sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko. Iyon na naman ang mga titig ng ibang istudiyante at bulongan. Hindi na namin sila pinansin. Problema na nila kung stress sila sa amin ni Trio. At least, wala kaming ginagawang masama. Bawal man pero alam kong maging maayos rin ito lahat, pagdating ng tamang oras at lugar.