THE LAST BUT NOT THE ENDING

2349 Words
KYRHEIN, "Bff!" sabay kaming napalingon ni Trio nang tawagin ako ni Apple. "Bakit?" "Halika, may ipapakita ako sa'yo. Ayy, sa inyo pala," aniya sabay kamot sa ulo. Nagkatinginan naman kami ni Trio at sumunod sa kaniya. Papunta kami sa bulletin board ng school. "Excuse us," sabi Apple sa mga nagkumpulang estudiyante. "Bff! Congrats, top honor ka this sem!" aniya at masayang-masaya. Tiningnan ko ang mga honor list at numero uno ang aking pangalan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako o ano. Hindi ako makapaniwala. "You deserve it," pabulong na saad ni Trio habang nakaakbay sa akin. "Congratulations, sis!" bati sa akin ng aming mga kaibigan. "T-thank you," alanganin kong sagot. "Bakit parang hindi ka happy?" tanong ni Trixie. "Masaya naman, hindi ko lang inaasahan," sagot ko. "Ang talino mo kaya, tapos parang may duda ka pa sa sarili mo. Dapat happy ka, I'm sure, your parents will be so proud of, sis," sabi niya sa akin. "Tama! And of course, mas proud si Sir Trio," mahinang sabi ni Vanessa. "I am so proud. And I am proud to all of you. You did a great job. Sana magtuloy-tuloy. Alam ko paglabas ninyo sa school na ito, magkaniya-kaniya na kayo. I hope, darating ang araw na ma-meet ko kayong lahat ulit." "Bakit sir, aalis ka ba?" tanong ni Ellise. "Magdo-doctor na ako at titigil na ako sa pagtuturo," sagot niya. "Gano'n? Good luck, po sir. Alam namin magaling kang doctor, magaling kang magturo e," saad ni Vanessa. "Basta, galingan niyo rin lahat. Lalo ka na, hihintayin ko ang pag-graduate mo," sabi niya sa akin na nakahawak sa aking balikat. "Oo naman, para sa pangarap ko at sa magulang ko. Magkikita pa rin naman tayo," sagot ko sa kaniya. "Of course. Let's go, kailangan niyo nang iligpit ang mga gamit ninyo. Bukas na ang last day niyo rito. And tonight, may farewell party. Pumunta kayong lahat," sabi niya sa mga kaibigan ko. Nai-announce niya iyon no'ng nakaraan na bago kami lumabas sa school na ito, ay magkakaroon ng farewell party. Alam namin na maraming lilipat ng university matapos ang mga nangyari rito. Hindi naman sila mapipigilan dahil desisyon nila iyon. At kaming magkakaibigan ay lilipat na rin sa UST. Pina-alam ko na ito kay Trio at pumayag naman siya dahil, malapit lang iyon sa ospital kung saan siya magtatrabaho bilang doctor. Matapos naming makuha ang aming mga gamit sa locker ay bumalik kami ni Trio sa bahay niya at naghahanda para sa party mamayang gabi. Kinagabihan, suot ang puting gown na bigay ni Trio, ay nakaharap ako sa salamin at nagpahid ng kaunting make up sa aking mukha. Inilugay ko lang ang aking buhok na maalon. Ngayon ko lang ito nailugay simula no'ng dumating ako sa rito. Sinuot ko na ang sapatos na may takong at kinuha ang aking pouch. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Trio na naka-brown na tuxedo. Mas lalo tuloy siyang gumwapo sa kaniyang ayos. Lumapit siya sa akin at niyakap ako patalikod. "You look so gorgeous, babe," bulong niya. "Ang guwapo mo rin," sagot ko. Pinaharap niya ako sa kaniya at mataman na tinitigan. "Bakit ngayon mo lang inilugay ang iyong buhok? Mas maganda ka pala kung hindi ito nakatali," aniya habang hinahaplos ito. "Sagabal sa pag-aaral," sagot ko sa kaniya. Natawa naman siya ng mahina. "After this night and tomorrow, huli na natin iyong pagkikita, pansamantala. Can I ask a favor?" "Ano 'yon?" "Gusto kong makilala ang pamilya mo." Napakurap ako at napanganga. "S-seryoso ko?" tanong ko. "Yes. Please," nangungusap niyang sabi. "O-okay lang naman. Sige, ipapakilala kita sa kanila." Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Thank you so much," bulong niya. Kumulas siya ng yakap sa akin at hinaplos ang aking mukha. Nagkatitigan kami. Dahan-dahan niyang inilapit sa aking mukha ang kaniyang mukha at bumaba ang kaniyang mga tingin sa aking mga labi. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lang ang kaniyang malambot na labi sa aking mga labi. Hindi ko alam pero kusang pumikit ang aking mga mata at hinayaan lamang siya. Wala akong pagtutol na nararamdaman. Humiwalay siya sa akin. Pagmulat ko ay nakatitig siya at nakangiti. "Kyrhein, I love you," aniya sa paos na boses. "I... I love you too," sagot ko sa kaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. "What did you say?" tanong niya. Napaiwas ako ng tingin. "Sabi ko, I love you too," lakas loob kong sabi sa kaniya. Bigla na naman niya akong niyakap, niyakap ko na rin siya ng mahigpit. Oo, mahal ko na si Trio, mahal ko siya kahit na may hindi siya magandang ginawa sa akin noon. Napatawad ko na siya at nagbago na siya, iyon ang importante. "I never expected this. Thank you, akala ko, hindi ko makukuha ang sagot na iyon, ngayon." "Napatunayan mo na ang sarili mo. Nagkamali ka man noon, at least, ginawa mo ang lahat para magbago. Hindi pa huli ang lahat, at nandito ako, nakahandang samahan ka at tulungan ka. Dahil mahal kita, Trio," sabi ko sa kaniya. "I love you so much. Thank you. I promise, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Para sa'yo, gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Let's go, baka tayo na lang ang hinihintay doon," aniya at hinawakan ako sa kamay. Pagdating namin sa malaking gymnasium ng school ay marami nang estudiyante sa loob at labas na naglalakad at nagkukumpulan. Hinanap ko sila Apple at nakita ko sila kasama ang grupo nila Volter. Napangiti ako dahil naging malapit na rin sila sa mga kaibigan ko. Wala na ring iringan si Volter at Trio. Sana ay magtuloy-tuloy na nang sa gano'n ay lalabas kaming lahat na masaya sa school na ito. "Trio, puwede ba akong magpunta sa mga kaibigan ko?" paalam ko kay Trio. "Yeah, sure. Ihatid na kita, then pupunta rin ako sa co-teachers ko," aniya at hinawakan niya ako sa kamay papunta sa mga kaibigan ko. "Good evening," bati niya nang makalapit na kami. "Ayy, wow! Ang ganda mo bff! In fairness, nakalugay ang buhok mo ha. Good evening, Sir Trio," bati ni Apple. Ang dami pa niyang sinabi. "Good evening, sir. Hi, sis. Ang ganda naman, in love?" tanong ni Vanessa. Tumawa lang ako at umupo. Nagpaalam naman si Trio at nagpunta sa grupo ng mga guro. "Hi," bati sa akin ni Volter. "Hi, kumusta?" tanong ko sa kaniya. "I'm fine. Ikaw, mukhang nagkamabutihan na kayo ni Trio, sana magpapatuloy na 'yan." Napangiti ako. "Sana nga," sagot ko sa kaniya. Hindi nagtagal ay may nagsalita na sa harapan. Si Miss Marie. "Good evening, everyone. Alam niyo, honestly, this is the first time na magkaroon ng party ang school na ito. Yes, totoo 'yan. And I'm glad that, the owner of this school gave her permission for this night. Since, ito na ang huling gabi na nandito tayong lahat sa school na ito. Thank you so much, Mr. Demetrio for this. Siya ang kumausap kay Madam Sylvia na baka puwedeng magkaroon farewell party sa school. And, pumayag naman si Madam. Sa mga gustong makilala si Madam Sylvia, ladies and gentlemen, I respectfully introduced to all of you, Mrs. Sylvia Volturi, the owner of Holy Angel University!" Nagpalakpakan kaming lahat. Tumayo naman si Trio at inalalayang makaakyat sa stage si Madam Sylvia. Hindi halata ang katandaan. Maganda pa rin siya kahit may edad na. "Thank you. Good evening everyone. Students, good evening. Well, I know na may hindi magandang nangyari sa school na ito last few months. But I am so thankful dahil, nandito pa rin kayong lahat at nakikita ko sa inyong mga mata at mukha ang saya. I am so happy and proud to all of you. Honestly, nalulungkot kami, alam namin na sa paglabas ninyo sa school na ito, maybe hindi na kayo babalik at lilipat na kayo sa ibang university. In one last time, I am asking all of your forgiveness. At sana kung ano man ang nangyari rito sa loob ng school ay mananatili iyong sekreto. Makakaasa ba kami sa inyo?" Natahimik bigla ang lahat at walang nagsalita. Ang ibang teachers ay nakatingin sa amin. Bigla akong tumayo at naglakad papunta sa harapan. Nabigla naman silang lahat. Si Trio ay nagugulohan pero inalalayan niya pa rin akong makaakyat sa stage. Matamis akong ngumiti kay Madam Sylvia at iniyuko ang ulo. Lumapit ako kay Miss Marie at hiniram ang isang mic sa kaniya. Bumuga ako ng hangin bago magsalita. "Good evening, everyone. Good evening, madam," bati ko sa kanilang lahat. "I am, Kyrhein Fuentabella, medicine student, first year. Alam ko, tumatak sa ating mga puso at isipan ang mga nangyari sa atin nitong mga nakaraang buwan. Hindi natin inasahang lahat ang mga trahedya dito sa loob ng university. Alam ko naging trauma sa inyong lahat nang iyon. At aaminin ko, naging trauma din iyon sa akin. Pero, hindi pa huli ang lahat para magbago at magpatawad. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang nangyari sa akin. Pero, pinili kong lawakan ang aking pag-iisip at pag-intindi dahil alam ko, ibang pagkatao ang ating nakilala noon. Alam kong hindi na maibabalik ang mga buhay na nawala, pero sana ay patawarin natin ang mga taong nagkasala at magtiwala sa kanila ulit sa pangalawang pagkakataon. Sila ang mga tao na may sariling paniniwala at Dios na kinikilala. Hindi natin sila maintindihan pero kung bibigyan natin sila ng pagkataon na magpaliwanag, maaring magbago ang inyong pananaw tungkol sa kanila. Hindi ko sinasabi na gawin ninyo, nasa sa inyo na iyon kung pagbibigyan ninyo sila. Dahil ako, nagawa ko iyon sa isang tao. Si Sir Trio, alam kong maraming takot sa kaniya dahil sa mga ginagawa niya noon. Pero nagbago na siya at nagsisisi sa kaniyang mga naging kasalanan. Kung ano man ang mangyayari pagkatapos nito, ay tatanggapin namin iyon kung iyon ang nararapat. Sana, mapatawad niyo sila, siya at bigyan ng pagkakataon na maitama ang kanilang pagkakamali at paniniwala." Matapos kong sabihin ang lahat nang iyon ay tumulo ang mga luha ko. Alam ko kasi na sa aming paglabas rito ay nakahanda na ang kulungan para kay Trio. Pinahid ko ang mga luha ko at lumapit sa kaniya. "Hey, don't cry," aniya at niyakap ako. "N-natatakot ako. Alam kong hindi ka ligtas paglabas mo rito. Alam kong haharap ka sa paglilitis, paano kung may gagawin sila sa iyo..." "Shhh... H'wag kang mag-isip ng ganiyan, kahit na anong mangyari, lagi mong tandaan, mahal na mahal kita." Niyakap niya ako ng mahigpit. Kinalma ko ang aking sarili pero hindi ko makuhang maging masaya. Lahat sila ay nagtatawanan at ini-enjoy ang gabi, pero ako heto sa isang tabi, magulo ang isip. KINABUKASAN, Nagpaalam na kaming magkakaibigan sa isa't-isa. Syempre, hindi nawala ang iyakan at ang mga ala-ala na aming pinàgsamahan sa school na ito. "Bakit ang da-drama natin, magkikita pa naman tayo ah. 'Di ba, puwede naman tayong magkita-kita sa labas? Sa mall, sa galaan," sabi ni Ellise. "Oo nga naman, ang oa lang natin." Nagtawanan kaming lahat at naglakad na palabas. Hindi ko nakita si Trio, hindi rin siya nagpunta sa school. Sa dorm kasi ako natulog, na saan kaya siya? "Guys, nakita niyo ba si sir?" tanong ko. "Hindi, sis. Bakit?" tanong ni Vanessa. "Hindi ko rin siya nakita," sagot ko sa kanila. "Sis, baka naman tulog pa iyon. 2 am na kaya natapos ang party..." "Kyrhein!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. Si Miss Olga. "May kailangan kang malaman," aniya. Namumugto ang mga mata niya. Anong nangyari? "A-ano po iyon?" "Hinuli ng mga pulis si Deme." Para akong binuhusan ng tubig sa pagkabigla. "Kinasuhan siya ng mga magulang no'ng mga estudiyanteng namatay," umiiyak na sabi niya. Napahawak ako sa aking dibdib at naghahabol ng hininga. Kaagad namang nakaalalay sa akin ang aking mga kaibigan. Lumapit sa akin si Miss Olga at niyakap ako. "I'm sorry, wala kaming nagawa," aniya habang hinimas ang aking likod. Doon na bumuhos ang mga luha ko. Bakit ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya. "S-saan siya dinala?" tanong ko. "Sa bilibid." Napahagulhol ako ng iyak. Natatakot ako sa maaring mangyari. Alam kong panghabangbuhay na ang kaniyang pagkakulong doon. "S-salamat sa impormasyon, Miss Olga," saad ko sa kaniya. "Maari ka namang dumalaw sa kaniya, sabihin mo lang at sasamahan kita," aniya at may inabot na calling card sa akin. "S-salamat. Aalis na kami," paalam ko sa kaniya. "Mag-iingat kayo. Siyanga pala, ipapa-demolish na ang school na ito," mahina niyang sabi. "A-ano?" sabay naming tanong. "Bakit?" "Iyon ang nais ng mga magulang na namatayan ng anak sa eskwelahang ito. Nasa korte na ang kaso at baka sa susunod na araw, sisimulan na ang demolisasyon." Hindi ako nakapagsalita. Bakit ang bilis ng pangyayari? Napatingin ako sa buong school. Sayang ito lalo na at napakaganda pa naman nito. Pati sila Apple ay naiyak sa balitang iyon. "Miss Olga, wala bang ibang paraan? Bakit kailangang ipa-demolish?" "Wala kaming magagawa, Ky. Kung tutol kami, ipakukulong kaming lahat. Pero 'wag kayong mag-aalala, dahil magtatayo ulit ng unibersidad si Madam. Doon, normal na na iskwelahan iyon at wala nang mga gababalaghang magaganap. Kaya 'wag kayong malungkot, magkikita-kita pa rin tayong lahat," saad niya. "Sige na, magsi-uwi na kayo. Hinihintay na kayo ng inyong nga magulang." Bago kami lumabas ay niyakap namin si Miss Olga. "Mag-iingat kayong lahat. Maraming salamat dahil ang babait ninyo kahit may kasamaan kaming nagawa," aniya habang umiiyak. "Naging parte na po kayo sa aming mga buhay, Miss Olga. Salamat din po sa lahat ng naituro ninyo sa amin, mag-iingat po kayo. Sana hindi pa ito ang huling beses na makita ka namin," sabi ni Ellise. "Oo naman. Sabihin niyo lang kay Kyrhein at hingiin sa kaniya ang number ko," sagot niya. Nagpaalam na kami at lumabas ng university. Naghiwa-hiwalay na kaming anim. Magkasama kami ni Apple at ang apat naman ay umalis na. "Welcome to outside world!" hiyaw ni Apple. "Grabe, para akong nakalanghap ng sariwang hangin. Hoy! Bff, okay ka lang?" Napakurap ako. "Sorry. Tara na," sabi ko sa kaniya. Pumara kami ng taxi at nagpahatid sa amin. Nasasabik akong makita ang pamilya ko, pero nalulungkot ako dahil sa mga nangyari. Nakakabigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD