CHAPTER 2 : FIRST MEET

906 Words
KHYREIN POV Nag order na kami ng pagkain namin, habang hinihintay namin 'yonn ay nagkuwentuhan muna kami. "Since na una kayo rito, napasyal niyo na ba ang buong campus?" tanong ng Apple. "Hindi lahat, hanggang music hall lang kami, may nag-iinsayo kasi roon kaya doon kami tumatambay. Minsan naman sa park or library," sagot ni Vanessa. "Puwede niyo kaming i-tour? Hindi pa kasi namin nalibot itong buong campus," sabi ni Apple. "Sure after natin kumain mamasyal tayo, balita namin maganda raw doon sa park lalo na sa garden area," sabi nila. "Sige-sige," dumating na rin ang pagkain namin. Nagsimula na kaming kumain at nagkuwentuhan pa rin. Sa kalagitnaan ng pagkain namin, parang may malamig na hangin ang bumalot sa loob ng cafeteria. O baka ako lang ang nakaramdam. May tatlong lalaki na pumasok, lahat sila naka black suit. Napatitig ako sa kanila at lumingon sa akin ang isa sa kanilang tatlo. Para akong na hipnotismo sa mga tingin niya. Nakaka-kaba at nakakatakot para bang bumagal ang lahat at wala akong naririnig na kahit ano. Kumurap ako at doon ko lang napansin ang mga kasama ko na tinatawag ako. "Ky, are you okay?" tanong ni Ellise. "Oo nga bff kanina ka pa namin kinakausap, ba't ka nakatulala?" nag-alalang tanong ni Apple. "A-ahm, ehemm... w-wala may iniisip lang ako," pagsisinungaling ko. "Are you sure?" tanong nila. "O-oo, ahm... kain na tayo" sabi ko. Kinain ko na ang pagkain ko, pero 'yong utak ko nakalutang. Bakit gano'n? Anong nangyari? Bakit kakaiba ang tingin niya sa akin? At bakit ako lang ang nakapansin no'n? sunod sunod na tanong ko sa aking isipan. Pagkatapos naming kumain lumabas na kami sa cafeteria at nagtungo kami sa park para magpahangin . "Bff, anong nangyari sa'yo kanina? Bakit ka natulala?" bulong ni Apple. "Hindi ko din alam, napansin kong may tatlong lalaking pumasok, tiningnan ko sila. Tapos 'yong isa tumingin sa akin at nagtagpo ang mga mata namin. Tapos biglang bumagal ang lahat, wala akong marinig na kahit ano, nakakatakot ang mga mata niya at nakakakaba," kwento ko. "Susmaryusep, 'di nga bff, ang creepy ha. Anong naramdaman mo ngayon?" tanong niya. "Wala naman, medyo kumalma na ang puso ko, kanina subrang bilis ng t***k nito at 'di ko mahabol ang hininga ko," sabi ko. "Ayy, nako sis, baka na love at first sight ka," sabi niya. "Sira, kakaibang t***k ang naramdaman ko, hindi pag-ibig, kun'di takot, kilabot gano'n," sabi ko. "Hayss, kalimutan mo na lang yun, isipin mong imagination lang 'yon. Hilig mo kasi manood ng horror at magbasa, kaya ayan ang napapala mo," sermon niya. Tama naman siya, mahilig ako sa suspense at iba pang palabas at books. Pero itong naramdaman ko hindi ito bunga ng pagbabasa o panunuod ko kun'di totoo talaga. Nakarating na kami sa park, ang ganda nga dito, ang daming bulaklak at ang babango. Ang mga dwarf tree na halatang alaga sa tream. May bench din rito at kubo bawat sulok, kaya pala dito nila kami dinala. Pumasok ako sa kubo at nahiga, ipinikit ko ang mata ko. "H'wag kang magtiwala sa kahit sino rito. May kakaibang nangyayari dito sa campus," rinig kong sabi ng boses. "H'wag niyo silang pakawalan, 'yan ang nararapat sa mga hindi sumusunod sa batas ng paaralan," sabi ng boses babae. "Hindi ka dapat mahulog sa babaeng iyon Volter. Siya ang hahadlang sa mga plano natin, kailangan niyang mawala!" sabi ng boses lalaki. "Kyrhein, makinig ka kailangan mong makuha ang libro na ginagamit nila sa pagdadasal. At sisirain mo 'yon. Iyon lang ang paraan para matigil na ang kababalaghang nangyayari dito. Hindi sila pangkaraniwang tao. Lahat kayo ay mamatay kapag hindi sila napigilan. At ikaw, ikaw ang pag-asa ng lahat, iligtas mo ang mga kasamahan mo at ang iyong sarili. Makinig ka Ky, ikaw lang makagawa no'n," sabi ng boses babae. "Tumakbo na kayo, iwan niyo na ako, kaya ko ang sarili ko. Bilisan niyo na," sigaw ko. "Isa kang hangal! Pagsisihan mo ito, nagkamali ka ng pinasok. Mamatay ka rito! mamatay ka! HAHAHAHAHAHA," sigaw ng lalaki at tumawa na parang demonyo. "Kyyy!" gising nila sa akin. "Ky gumising ka, Ky?!" rinig kong sigaw ng kung sino. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko sila Apple, Vanessa, Ellise at Rose na nag-aalala. "A-anong nangyari?" tanong ko. "Kanina ka pa namin ginigising, binangungot ka," sabi ni Apple. "Oo nga at may sinasabi ka na *hindi... hindi* nag alala kami sa'yo dahil kahit anong gising namin hindi ka nagigising," sabi ni Vanessa. Ibig sabihin nakatulog ako at 'yong mga narinig ko, panaginip lang lahat 'yon. Anong ibig sabihin ng panaginip ko na 'yon? tanong ko sa sarili. "Nanaginip lang ako," sabi ko sa kanila. "Bakit kasi humiga ka, alam mo naman na kakatapos lang natin kumain," sabi ni Apple. "Wala naman akong balak matulog, nahiga lang ako tapos 'di ko namalayan na nakatulog ako," sagot ko. "Balik na lang tayo sa dorm natin, ang weird ng nangyayari sa'yo e," sabi ni Rose. "Tama, tama, tara na," sang ayon ni Apple. Naglakad na kami pabalik ng dorm, habang naglalakad kami pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong lalaki sa kabilang building na parang sa amin nakatingin. Hindi ko maaninag ang itsura niya dahil natabunan ito ng hoodie jacket niya na itim. Inalis ko na ang paningin ko at nagtuloy sa paglalakad hanggang makarating kami sa dorm. Unang araw pa lang ay kakaiba na ang nangyayari rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD