CHAPTER 3: ( FIRST NIGHT )

1890 Words
KYRHEIN POV Kinagabihan nasa kwarto na kami ni Apple, naligo ako dahil nainitan ako. Si Apple naman abala sa pag-aayos ng gamit niya na hindi niya natapos kanina. Habang nag-aayos kami at may kaniya-kaniyang ginagawa ay may kumatok sa pinto. Nagtinginan muna kami at walang umimik sa aming dalawa. "Apple, Ky? Tulog na ba kayo?" tanong ng nasa labas. Si Vanessa lang pala, lumapit ako sa pinto at pinagbuksan siya. "V-vanessa, kayo lang pala," sabi ko. "Hay salamat naman gising pa pala kayo, puwede kaming pumasok?" tanong niya. "Oo naman, pasok kayo," sabi ko at binuksan ng malaki ang pinto. "Hay salamat, you know what pasalamat talaga kami kasi narito kayo. Dito kasi sa linya ng room natin tatlo pa lang ang nagamit, room lang natin ang magkatabi, 'yong isa kasi nasa unahan," sabi Ellise. "Natatakot ba kayo rito?" tanong ni Apple. "Oo ang weird ng paligid pagsapit ng gabi girl, parang may naglalakad sa hallway," sabi ni Rose. "Creepy naman, baka naglilibot lang sila kasi 'di ba bawal lumabas ng gabi kaya nagra-round sila tuwing gabi," sabi ni Apple. "Maybe yes, maybe no. Hays, nakakabagot walang phone na mapaglilibangan," usal ni Vanessa. "What if magkantahan na lang tayo, may guitara ako," suhestyon ko. "Sige sige maganda 'yan sis," sabi nila. Kinuha ko ang guitara ko at naupo sa kama. "Anong song ang kakantahin natin?" tanong ko. "Tagpuan by moira," sagot ni Ellise. Saktong may alam ako sa kanta kaya sinimulan ko ng kaskasin ang string ng guitara. Sabay sabay kaming kumanta at in-enjoy namin iyon. Sa kabilang banda... "Kumusta ang dalawang bago," tanong ng may edad na babaeng si Sylvia. "Wala naman akong napansin na kahina-hinala sa kanilang dalawa madam, pero nakakapagtaka lang," sagot ng dalagang si Marie. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito. "Nakakapagtaka na hindi ko mabasa sa mata ang isang babae, si Kyrhein ang kanyang pangalan. Habang kausap ko sila kaninang umaga, hindi ko matitigan ang kaniyang mata," sabi niya. "Wala ka bang napansin sa kaniya?" tanong ng ginang. "Wala madam bukod sa hindi ko mabasa ang isip at matitigan ang kaniyang mata ay wala na," sagot nito. "Kung gano'n ay dapat nating siyang bantayan. Hindi tayo nakakasiguro sa babaeng 'yon, at baka siya pa ang pipigil sa ating mga plano," sabi ng ginang. "Opo madam, 'wag kayong mag-alala ako na ang bahala sa kanila," sagot ng dalaga. "Sige, bumalik ka na sa iyong silid," utos ng ginang. Tumalima naman kaagad ang dalaga. Habang nakatanaw ang lalaki sa buwan, ay may narinig siyang kumakanta. Napakalamyos ng boses nito at ang sarap sa tainga, bawat lireko ng kanta ay parang may kapangyarihan na dumaloy sa buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya ay tinatawag siya nito, malamig na boses na ang sarap pakinggan sa ganitong oras ng gabi. At nakita kita , Sa tagpuan ni bathala, May kinang sa mata , Na di maintindihan. Tumingin kung saan, Sinubukan kong lumisan, At tumigil ang mundo, Nung akoy ituro mo,, Siya ang panalangin ko,,, Rinig niyang kanta ng babaeng 'di niya alam kung saan niya ito hahanapin. Naalala niya ang babaeng kanyang tinitigan kaninang umaga sa cafeteria. Ang mga mata nito na hirap basahin, ang mukha nito na parang anghel. Nagtitigan sila at ang babae ang unang umiwas. "Makikilala din kita sa takdang panahon." usal niya. Wala na yung kumakanta, kaya naisipan na niyang pumasok sa kaniyang kuwarto. KYRHEIN POV Bumalik na sa kanilang kuwarto sila Vanessa, kami naman ni Apple ay naghahanda na para matulog. Nakahiga na ako sa kama at nakatitig sa kisame. Naalala ko ang napanaginipan ko at ang lalaki kanina sa building. Bakit ako nanaginip ng gano'n? Bakit parang totoo ang mga nangyayari? Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ko hanggang sa hinila na ako ng antok. Kinabukasan, nagising ako dahil may kumakatok sa pinto, sinilip ko aking relo at alas nuwebe na ng umaga. Naghihikab akong bumangon at binuksan ang pinto. Isang babae ang nabungaran ko at may dala siyang maleta. Siguro bagong istudyante rin siya rito at makakasama namin siya dito sa kwarto. "Ahm, hi? G-goodmorning," bati niya. "Hello, g-goodmorning din." "I am Trixie Domingo, ito 'yong room na tinuro sa akin no'ng Sister Marie. May space pa ba?" tanong niya. "Ahh, oo naman dalawa pa lang kami rito, tuloy ka. Ako nga pala si Kyrhein Fuentabella," sabi ko at nakipag-shake hands sa kaniya. "Nice to meet you sorry ha, na istorbo ko ang tulog niyo," paumanhin niya. "Okay lang, alas nuwebe na rin ng umaga," sabi ko. "Hi, welcome to our room. I'm Apple Alcantara," singit ni Apple, kakalabas niya lang ng banyo, ako naman ang pumasok para mag-ayos. "I'm Trixie Domingo, nice to meet you," pakilala ng dalaga. Pagkatapos kong mag-ayos, niyaya ko silang bumaba at kumain. Dinaanan din namin sila Vanessa. Kumatok ako at bumukas ang pinto at lumabas sila Vanessa. "Good morning guys, newbie?" tanong ni Rose. "Oo ka-room mate namin" sagot ko. "Hi, I'm Trixie Domingo," pakilala niya. Maliit lang siya na babae pero maganda ang katawan at mukhang matalino, mabait din siya at maliit ang boses. "Hi Trixie, ang cute mo. I'm Vanessa, si Rose and Ellise, dito kami sa tabi ng room niyo," sabi ni Vanessa. "Hello, buti na lang may nakilala na agad ako," sabi niya. "Tara, mag-breakfast na tayo," yaya ko sa kanila. Bumaba na kami at naglakad papuntang cafeteria. "Wow, ang laki pala talaga ng school na 'to, and ang ganda," puna niya. "You're right. But be careful, may mga bawal rito na 'di puwedeng hindi mo susundin," sabi ni Vanessa. Tahimik lang ako, pakiramdam ko may nakatingin na naman sa akin. "Bff, okay ka lang? Hindi ka yata mapalagay," sabi ni Apple. "I'm okay, bilisan na natin gusto kong magkape," sabi ko. Nakapasok na kami sa loob ng cafeteria. Umorder kami ng breakfast at sinamahan ko ng kape. Feeling ko natutulog pa rin ang stamina ko. Nagkekwentuhan sila at nakikinig lang ako. Dumating na ang order namin at una kung dinampot ang kape ko. Habang kumakain kami, biglang nag-echo ang micropono sa mga speaker sa loob ng cafeteria. "Attention to all students! Your classes will start tomorrow at 8 am to 4 pm. Proceed directly to your designated room base on your courses. And I want all you to know that this coming Saturday night we have Acquaintance party, to all students. Other announcement was posted in bulletin board. That's all, thank you, good morning and enjoy your breakfast" sabi ng nagsasalita. Sa boses ay masasabi kong may edad na siya, siguro siya ang dean ng school. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang namin siya nakita o nakikilala. Habang kumakain ako may nararamdam ulit akong mga mata na nakatingin sa akin. Inilibot ko ang aking paningin at nagtagpo ang aming mga mata ng isang lalaki. Naka-cap siya na itim at jacket. Nasa tapat lang siya ng table namin. Nakatitig lang siya akin na para bang binabasa o binabantayan ang bawat kilos ko. Habang nakatitig ako sa kaniya, pansin ko ang magaganda niyang mata na kulay asul, matangos na ilong, makapal na kilay at mapupulang labi. Maputi siya ayon sa kulay ng balat niya sa mukha. Ky..!?" tawag sa akin ni Apple. Napaigtad ako at kumurap. "H-ha.m?" natatangang usal ko. "Hala siya, hoyyy bff nag-aalala na ako sa'yo. Kapag nandito tayo sa cafeteria, natutulala ka, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya. "A-ahm, wala naman... May iniisip lang ako," palusot ko. "Dios ko daii, kung ano-ano iniisip mo, nagi-imagine ka ba?" tanong niya. "I'm sorry,.m okay lang bang mauuna na ako sa kwarto?" sabi ko. "Oh sige sige. Susunod kami pagkatapos naming kumain, gusto mo order kita ng food?" sabi niya. "Kape na lang, salamat," sabi ko. "Mauuna na ako, pasensya na. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko," sabi sa kanila. "Okay lang sis. Matulog ka muna baka nanibago ka lang sa paligid," sabi ni Rose. "S-sige," sabi ko at tumayo na. Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Bigla ring nawala 'yong lalaki kanina. Sino siya? Bakit lagi siyang nakatitig sa akin? Naglalakad ako sa hallway papunta sa dorm namin nang biglang may humila sa akin. Napasinghap ako at naisandal niya ako sa pader. Siya 'yong lalaki sa cafeteria.. "W-who are you?" utal na tanong ko. Hindi siya umiimik at nakatitig lang siya sa akin. Habol ko ang hininga ko sa kaba na nanararamdam ko. "W-what do you want?" tanong ko ulit. "Nothing," sagot niya. Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo sa lamig ng boses niya. Ang baritonong boses niya na parang nage-echo sa pandinig ko at parang may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko. "L-let me go," usal ko. "Stay and don't speak," sabi niya. Bakit ba siya ganiyan? Nanghihina ako sa tono ng boses niya, ang bilis ng t***k ng puso ko. "P-please, l-let me go" nauutal kong pakiusap. Unti-unti ay niluwagan niya ang pagkahawak sa kamay ko. "I'm... Volter," sabi niya. Nakatitig lang ako sa kaniya. Mas gwapo siya sa malapitan, ang mga mata niya na ang daming sinasabi. "W-what do you want?" tanong ko ulit. "Nothing. I just want to look at your angelic face closer. You're beautiful, you caught my interest in you. The first time I saw you, I can't get you out of my mind. I can't sleep, i saw your face everywhere," usal niya. "I don't have intension to caught your interest. It was you, you're always watching me. I know it was you yesterday, at the second floor. Am i right?" tanong ko. Ngumiti naman siya. "Yess it's me," sagot niya. "What is your name?" tanong niya. "K-ky... Kyrhein," sabi ko. "Are you scared of me?" tanong niya. "No, I'm... I'm just nervous," sagot ko. "Don't be, I'm not a bad person. I won't hurt you," sabi niya. "I-i have to go," sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan niya ang kamay ko. May dumaloy na kuryente sa katawan ko at para akong nanghihina. Anong klaseng tao ba 'tong kausap ko? tanong ng isip ko. "Meet me at the rooftop tomorrow," sabi niya. Tiningnan ko naman siya na may pagtataka. "W-why?" tanong ko. "I just want to know you," sagot niya. "O-okay. I-i'll be there," sagot ko. Tinalikuran ko na siya at mabilis akong naglakad papuntang dorm. Nakarating ako sa kuwarto namin na habol ang hininga at napahawak ako sa dibdib ko. Binuksan ko 'yong pinto at naroon na sila Apple at Trixie. "Oh, saan ka galing? Nauna kapa sa amin umalis sa cafeteria," sabi niya. Umupo ako sa kama at bumuga ng hangin. "Ky, are you okay? Namumutla ka, are you sick?" tanong ni Trixie. Dinama niya ang noo at leeg ko. "Wala ka namang lagnat. Anong nangyayari sayo?" tanong niya. Hinanap ko ang kape na pina-order ko kay Apple . "Paabot ng kape," utos ko. Inabot naman 'yon ni Apple sa akin. "Magsabi ka nga sa amin bff, ano bang nangyayari sayo? Simula no'ng dumating tayo rito at kumain sa cafeteria, nagkaganiyan kana," nag-alalang sabi ni Apple. "I-i don't know. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko," sagot ko sa kaniya. Humigop ako ng kape para kumalma. "Baka mamaya kung ano na yan ha," sabi niya . Hinigop ko lang ang kape at 'di na umiimik. Naalala ko na naman ang lalaking 'yon, ang mga mata niya, ang boses niya. Para akong nahipnotismo. Naubos ko ang kape ko at humiga ako sa kama at pinikit ang aking mga mata hanggang sa makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD