KYRHEIN POV
Ginising ako ni Apple para maghapunan. Alas siyete na pala ng gabi.
"Bff, kain na tayo. Oh ito in-order-an na kita ng dinner mo. And may nagbigay nito sa'yo," sabi niya at inabot sa akin ang pagkain ko at ang papel. Nagtaka ako at binuklat ko iyon para mabasa.
"Eat your dinner, don't skip your meals" sabi sa nakasulat. Tiningnan ko ang kung sino ang nagpadala o nagbigay nito, it's a double V ang nakalagay. V? taka akong napaisip at inilapag ko sa kama.
"Anong nakasulat? Ikaw ha, dalawang araw pa lang tayo rito bff pero may secret admirer kana," sabi ni Apple.
"Eh sino namang hindi magka-interest diyan, astig ng dating pero ang lakas makaagaw ng atensyon, pagnaglakad akala mo model. Idagdag mo na ang tangkad niya, tapos 'yong looks niya," sabi ni Trixie.
"Well good luck na lang sa guy na 'yon kung papansinin nito. 'Yan pa, ang haba na ng ni-reject niyan," sagot ni Apple. Hindi ako nakisali sa usapan nila at tahimik na kumakain. Alam kong siya ang nagpadala nitong sulat. Bukod kay Vanessa wala na akong ibang kilala na nagsisimula sa V ang pangalan.
"Bff, sino ba 'yang secret admirer mo na 'yan? Kilala mo?" tanong ni Apple. Sasabihin ko ba sa kanya? H'wag na muna ngayon.
"H-hindi ko kilala," deny ko. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa lalaking 'yon.
"Kung sino man 'yan bff, 'wag kang magtiwala kaagad. Baka mamaya may masamang binabalak 'yan sa'yo. Hindi pa natin kilala ang ibang istudyante rito," pangaral niya sa akin.
"Makinig ka kay Nanay Apple sis," pabirong sabi ni Trixie. Nagtawanan naman kami at napairap si Apple sa kawalan.
"Ayy nak Trixie, itong babaeng 'to, kung 'di mo paalalahanan hindi 'yan magtatanda," sabi niya.
Sa tagal naming magkaibigan, nasanay na rin ako sa bunganga niyang panay sermon. Kaya kahit nakakainis na at nakakarindi, nagpapasalamat pa rin ako dahil lagi siyang nandiyan naka suporta at 'di nawawala ang mga paalala niya.
"Sana ako rin may kaibigan na gaya mo, maaalahanin," usal ni Trixie.
"Ay, so hindi mo pala kami kaibigan? Gano'n?" pataray kunwaring tanong ni Apple.
"Hindi naman sa gano'n. Ibig kong sabihin sana nagkaroon rin ako ng kaibigan na gaya niyo. Honestly, i don't have a friend or bff, kakilala marami but best friend or barkada wala," seryosong sabi niya. Kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya.
"Don't worry, from now on, you will be part of our friendship. Kasama sila Vanessa," sabi ko sa kaniya.
"Talaga? Yiiieee, thank you guys," masayang sabi niya.
Natapos kami ng kain at kanya kanyang pwesto sa kama, inaayos ko na ang gamit ko para bukas. Saan kaya ang room ng mga medicine students.
"Bff, 'di ba medicine ang course mo? Alam mo na ba room mo?" tanong ni Apple.
"Hindi pa, ikaw alam mo na?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi rin pero ang alam ko nakalagay na raw sa ID natin," sabi niya.
"Anong course niyo?" tanong ni Trixie.
"Medicine ang course ko," sagot ko.
"Ako naman architect," sabi ni Apple.
"Ang gagara ng course niyo pangmatalino. Ako mass communication," sabi niya.
"Woww, so balak mong mag-reporter?" tanong ni Apple.
"Yupp, kahit ano basta about communication" sagot niya.
"Madali lang 'yan, basta magaling ka lang humarap sa camera kapag nag-training or reporting," sabi niya.
"Hindi ba mahirap mag-medicine?" tanong niya.
*Hmm, oo. Mahirap pero paggusto mo 'yong kurso na 'yon easy lang iyon sa'yo. Basta magfocus ka lang," sagot ko.
"Wow, soon to be doctor kana pala Ky, good luck," sabi niya.
"Kung papalarin, kung hindi naman pasyente na lang," sabi ko.
"Baliw ka sis. " sabi nilang dalawa. Nagtawanan kami at nagkwentuhan pa bago matulog.
Kinabukasan maaga kaming nagising dahil 8am ang start ng klase. Wala pa kaming uniform kaya pansamantala formal outfit muna. Nagsuot ako ng black pants at white shirt na sinapawan ko ng black blazer. Nagsuot ako ng two inch sandals. Nilugay ko lang ang buhok ko. Pagkatapos naming mag-ayos sabay na kaming lumabas at kinatok ang pinto nila Vanessa.
"Good morning, guyss," sabi nila.
"Ganda ng mga outfit natin today ha. Mag-aaral ba tayo or magpa-fashion?" pabirong sabi ni Rose.
"Both sis, kaya tara na at baka ma-late tayo. Kakain pa tayo ng breakfast. By that way, good luck sa first day class natin," sabi ni Vanessa
"Good luck!" sabay naming sabi at naglakad na pababa.
Papunta na kami sa cafeteria at mas dumami pa ang mga istudyante na naglalabasan. Nagsimula nang umingay ang paligid, kaniya kaniyang grupo ng mga kababaihan at kalalakihan.
Pagpasok namin halos puno na ang cafeteria,.
"Hala, saan tayo uupo? Paano tayo magbe-breakfast?" usal ni Apple.
"Excuse me girls. Dito na raw kayo sa table namin umupo," sabi ng lalaki na kulay brown ang buhok.
" Sigurado ka diyan..?" tanong ni Vanessa.
"Yes miss, it's an order from King," sagot no'ng lalaki na pula ang buhok.
"King?" tanong nila.
"No more question miss, just take a sit and wait your food," sabi no'ng lalaki.
"Wait, wait, hindi kasi namin kayo kilala kaya nanigurado muna kami," sabi ni Apple.
"Fine! My name is Blake and this is Percy," pakilala niya.
"Hmm... 'yong sinasabi mong 'King' kuno na saan?" may diin na tanong ni Apple.
"He's on his way here, kaya umupo na kayo bago pa siya dumating" sabi nung Blake.
"O-okay. Ako nga pala si Apple, and my friends, Vanessa, Rose, Ellise, Trixie and Kyrhein," sabi niya.
"We already know your name, kaya nga we offer our table to your group," sagot nito.
Nagtaka ako at napatingin sa kaniya, hindi kaya kaibigan sila ni Volter? No'ng nakaraan tatlo silang pumasok rito.
"What's going on here?" napaigtad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses niya. Ito na naman ang puso kong nagwawala sa loob.
"King, ayaw nilang umupo, they talk to much," reklamo ng isa.
"Sit," utos niya. Sumunod naman ang mga kaibigan ko. Para siyang nag-utos sa isang aso na agad tumalima sa sinabi niya.
"Ky?" tawag sa akin ni Apple.
"Take your sit. It's already 7am, you're going to be late," sabi niya. Kumurap-kurap muna ako at kinalma ang sarili ko bago umupo.
"King, this is your order," sabi no'ng waiter na nag-serve ng breakfast namin.
Nagtinginan sa amin ang ibang istudyante at nagbubulungan. Hindi ko masyadong marinig pero alam kong pinagchichismisan kami.
Aabutin ko sana 'yong isang cup ng kape pero inilayo ni Volter sa akin.
"Stop drinking coffee, it's not good for your health," sabi niya. Nagtinginan sa amin ang mga kaibigan ko at may pagtataka ang mga mukha.
"Teka nga, nagtataka talaga ako eh. Pano niyo kami nakilala? At bakit niyo kami pinaupo rito sa table niyo at in-order-an ng pagkain. At kayong dalawa?" turo sa amin ni Apple.
"Anong mayro'n sa inyo? Magkakilala na ba kayo?" kunot-noo niyang tanong.
Napayuko ako at walang masagot sa tanong niya dahil 'di ko alam ang isasagot ko.
"I will tell you later, for now finished your foods," seryosong sabi ni Volter.
"Ang weird, kakaiba ang atmosphere rito, promise!" daldal ni Apple.
Tahimik lang sila Vanessa, alam ko naguguluhan din sila sa mga nangyayari ngayon.
Sino ba naman ang mag aakalang may nakakilala sa amin? Wala naman kaming nakilalang lalaki simula no'ng dumating kami rito. Maliban sa akin na na-corner ng lalaking nasa harapan ko.
Inabot ko ang tubig dahil pakiramdam ko bumabara sa lalamunan ko ang mga kinakain ko.
"Wew! The food is perfect. Thank you," nakangiting sabi ni Rose.
"Oo nga, parang special 'yong sinerve sa atin. Sana ganito lagi," sagot naman ni Rose.
"Tapos na kayo?" tanong ni Apple.
"Yup, maybe mauuna na kami. Magkapareho kami ni Trixie ng course kaya sabay na kami. Let's go Trix" sabi ni Rose at tumayo. Sumunod naman si Trixie.
"Mauuna na kami, bye girls, see you later," paalam nila.
"Sige, good luck" sabi nila Vanessa. Tahimik pa rin ako, hindi ako kumportable sa lagay na'to, pakiramdam ko lagi nalang siyang nakatingin sa akin.
"Bff, mauuna na ako sa'yo. Kita na lang tayo mamaya, Vanessa ikaw na ang bahala diyan sa isa," usal niya.
"Ano ka ba sis, 'di naman 'yan bata 'noh, but don't worry, same course lang naman kami kaya magkasama kami whole class," sabi niya.
"Okay, bye. Bff, be careful," bulong niya at tumango lang ako.
"Kami rin mauuna na. King, see you later, bye Vanessa and Kyrhein," paalam ng dalawa.
"Byee," sagot ni Vanessa.
"Let's go sis,baka ma-late tayo," yaya ni Vanessa sa akin.
"Thanks for the food. Mauuna na kami," paalam ko sa kanya.
"Take care, see you later" sabi niya. Tumango lang ako at tinalikuran na siya.
"Sis, magkakilala ba kayo no'ng king daw? Sabi no'ng tropa niya," tanong ni Vanessa. Papunta na kami sa classroom namin.
"K-kahapon ko lang siya nakilala," utal na sagot ko.
"Talaga? Pero alam mo sis, ang gwapo niya, medyo suplado at seryoso ang mukha, salubong yung kilay. Pero gwapo pa rin," puna niya.
"H'wag tayong magpapabulag dahil lang sa itsura Vanessa, remember, lahat ng narito ay hindi natin kilala. Hindi sa nanghuhusga ako but, i have this feeling na 'wag basta-basta magtiwala," sabi ko.
"Well you're right. Baka pagsamantalahan nila ang tiwala natin. Syempre babae tayo, mabilis nating naa appreciate ang pinapakita ng lalaki sa atin," sabi niya.
"That's why we have to be careful," sabi ko sa kanila.
Nakarating na kami sa classroom namin. Pumasok kami at nasa amin ang mga mata ng magiging ka klase namin.
"Good morning" bati nila sa amin.
"Good morning too," sagot ni Vanessa. Mababait naman pala sila. Hindi ako mahihirapang pakisaman ang mga ito kung ganun.
"Medicine rin ang course niyo?" tanong no'ng babae na naka-red.
"Yup," sagot namin.
"Nice, marami-rami na rin tayo. I'm Rafa," pakilala niya at inilahad ang kamay.
"I'm Kyrhein," pakilala ko at inabot ang kamay niya.
"I'm Vanessa," pakilala ni Vanessa.
"Nice to meet you," matamis na ngiti niya. Naupo na kami at naghintay sa professor namin.
Mayamaya pa may pumasok na lalaki na matangkad at naka-suit, siya na siguro ang professor namin.
"Good morning, class. I am your professor for this year. So let me introduce my self to all of you and next, you will introduce yourself here at the front," sabi niya. Propesyonal ang dating niya at halatang mayaman.
"I am Doctor Demetrio Satana, I will be your professor and don't expect me to be easy on you, because this course is complicated and hard, there is health and life involved in it. I will give you fail grades if you are not following my instructions. Are we clear?" malakas na boses niyang sabi.
"Yes Professor," sagot naming lahat.
"By the way, don't call me Professor, call me Sir Trio. Are we clear? " tanong niya.
"Yes sir," sagot namin.
"Good. Now, it's your turn introduce yourself and tell me why did you choose this course? It's up to you how you can explain your side," sabi niya.
At dahil nasa unahan kami ni Vanessa at ako ang nauna sa dulo ako ang unang tumayo. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Good morning everyone, my name is Kyrhein Fuentabella 18 years old. I chose this course because this is my childhood dream. And also, I promise to my parents that someday I will become a doctor. I want to return their sacrifices and hardwork, specially to our father. Our father is a seaman captain, working so hard at middle of the sea. Our mother is a full-time mom, she take care of us, prepare foods, wake up early, wash our dirty clothes and many more. That's why, I will work hard and study hard for this course and someday our parents will be so proud to us. I have 2 siblings, my Kuya Tyler is taking Engineering course and graduating as c*m laudé, while my ate Trina is taking Architect course graduating and honor studentc, they both studying at U.P. that's all thank you," nakangiting sabi ko at nag-bow sa kanilang lahat. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko pati na rin si Sir Trio.
"That's impressive of you Miss Fuentabella. I will looking forward on you," sabi niya sa akin.
"Thank you sir," sagot ko.