KYRHEIN POV
Nasa harapan na si Vanessa para magpakilala, halatang kabado siya at panay buga ng hangin.
"Good morning everyone. My name is Vanessa Santos 18 years old.
To tell you honestly, I don't want to be a doctor. Medicine is not my dream course, but because of my parents napilitan akong kunin ang kursong ito. Ahm sorry kung magtatagalog ako, I'm not fluent in English kasi. So, my dream course is BSBM (Bachelor of Science and Business Management). Parehong doctor ang magulang ko. Heart surgeon si daddy and psychiatrist si mommy. That's why, gusto rin nila na pagiging doctor ang kukunin kong course. I don't have a choice, they are my parents and I am their daughter. And of course susundin natin kung ano ang makakapagpasaya sa mga magulang natin. Wala namang mawawala kung susubukan ko. Because, I believe that every struggle lead you to your success. That's all thank you,"
proud akong pinalakpakan siya. She's willing to sacrifice her happiness para sa magulang niya. Pag-upo niya hinawakan ko siya sa kamay.
"I'm proud of you. You can do it, tutulungan kita," sabi ko.
"Thank you sis," sabi niya.
Natapos ang umaga na puro lang pakilala ang ginawa. Papunta na kami ngayon sa cafeteria para sa lunch. Kumusta kaya si Apple? tanong ko sa isip ko. Pagpasok namin diretso upo kami sa table nila Volter, dito na raw ang table namin kasama sila. Speaking of him, sabi niya magkikita kami sa rooftop, parang ayaw ko pumunta, 'di naman siguro siya magagalit.
Dumating na rin sila Rose at Trixie, kasabay si Ellise.
"Hi, kumusta kayo? Hay nako, puro lang introduce yourself ang ginawa namin. Shocks! guysss ang popogi ng mga kaklase namin," kinikilig na sabi ni Ellise.
"H'wag ka 'yong professor namin guwapo rin, si Sir Trio," sabi ni Vanessa.
"Professor namin babae si Miss Olga. Ang ganda sis, mukhang artista," sabi naman ni Rose.
"Kaklase namin sila blake at Percy," sabi ni Trixie.
"Hi girls, bakit 'di niyo kami hinintay, usapan natin sabay na tayo pumunta rito," sabi ni Blake.
"Nagugutom na kami eh," sagot nila.
"Iyulong isa niyong kasama bakit wala pa?" tanong ni Vanessa.
"Ah, si King papunta na 'yon, baka 'di pa tapos ang klase niya," sagot ni Percy.
"Bakit nga pala King ang tawag niyo sa kaniya? Anak ba siya ng Highness?" tanong ni Trixie.
"Hindi, pero 'yon ang tawag namin sa kaniya, siya ang King ng campus, actually 3kings kami," sagot ni Blake.
"Ahhh, gano'n ba," sagot niya.
"Excuse me, this is your lunch, ordered from King Volter," sabi nung waiter.
Nilapag nila ng kasamahan niya ang pagkain sa mesa. Puro bagong luto at mukhang masasarap.
"Wow! Kung ganito lagi ang foods, mananaba ako," nakangiting sabi ni Apple.
"Let's eat, paparating na si King," sabi ni Blake.
Nag-umpisa na kaming kumain, mayamaya pa may umupo sa harapan ko. Alam kong si Volter 'yon, 'di ko siya tiningnan at tuloy lang ako sa pagkain.
Nakaka-distract kapag may panay tingin sa'yo habang kumakain. Kaya tiningnan ko siya na nakakunot ang noo ko.
"Why are you keep on watching me?" diretsong tanong ko. Mabuti na lang 'di na ako nauutal.
"Because I want to" sagot niya.
"Ayokong pinapanuod ako habang kumakain, nawawala ang gana ko," sabi ko.
Hindi na siya nagsalita, kumain na rin siya at ako naman inubos ko ang kinakain ko.
Uminom ako ng juice at isinandal ang likod sa upuan at nakahalukipkip.
"Bff, sama ka sa washroom?" tanong ni Apple.
"Sure," sagot ko at tumayo.
"Washroom lang kami," paalam niya.
"Sige. Kami naman mamaya," sagot ni Vanessa.
"Bff, bakit panay ang titig ni Volter sa'yo? Alam mo iniisip ko, type ka no'n, kasi siya 'yong naghanap sa'yo no'ng um-order kami ng dinner sa cafeteria tapos, may nag-abot ng letter. Feeling ko siya ang nagpabigay no'n, and last, pinaupo nila tayo sa table nila at sabay na kumakain," sabi ni Apple.
"Hindi ko alam, maski ako nagtataka. May aaminin pala ako sa'yo," sabi ko.
"Hmm, don't tell me inlove ka sa kaniya?" sabi niya.
"Tss, hindi. Kilala ko siya, remember no'ng nakaraan na parang wala ako sa sarili. Nakausap ko siya that time, I mean, kinorner niya ako. Kaya nakilala ko siya at gano'n rin ako. At 'yong letter, sa kaniya galing 'yon," sabi ko.
"Omg, talaga? Naks bff, siguro na bihag mo siya or ikaw ang bumihag sa kaniya," sabi niya.
"Hindi naman siya manok para bihagin ko," sagot ko. Kunot-noo siyang tumingin sa akin.
"Minsan talaga, baluktot ka sumagot," sabi niya habang naniningkit ang mata.
"Peace," natatawang sabi ko.
Bumalik na kami sa cafeteria. Sila Vanessa naman ang umalis para maglinis.
Tahimik lang kami at kaniya kaniyang inom ng juice. Tiningnan ko ang relo ko, alas dose na. Tumayo si Volter at tumingin sa akin, parang sinabi niya na sumunod ako sa kaniya.
Akala ko hindi na kami magkikita sa rooftop.
Hindi muna ako tumayo, tiningnan ko lang ang oras at nag-isip ng palusot.
"Bff, pakisabi kay Vanessa na mauuna na ako sa classroom namin ha," pagsisinungaling ko.
"Ha? oh sige, sige babalik na rin kami mamaya," sagot niya.
Tumayo na ako at lumabas ng cafeteria. Nagmadali akong umakyat ng hagdan papuntang rooftop.