KYRHEIN POV
Paakyat na ako papuntang rooftop, hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa kaniya. Tama ba 'tong ginagawa ko?
Bubuksan ko na ang pinto, nagsimula nang magwala ang puso ko. Naisip kong bumalik na lang sa cafeteria o 'di kaya sa classroom. Pero nandito na ako, nakakabastos naman kong 'di ko siya sisiputin. Wala naman siguro siyang gagawin sa akin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip.
Nakaupo siya sa isang upuan. Dahan-dahan akong pumasok at sinira ang pinto.
Naglakad ako papalapit sa kaniya at mas lalo pang nagwala ang puso ko no'ng nasa likuran na niya ako.
"'Till when you stare at me?" napaigtad ako sa biglang pagsasalita niya.
"I told you, I am not a bad person?" sabi niya.
"I'm sorry, b-bakit mo nga pala ako p-pinapapunta rito?" nauutal kong tanong.
"Gusto kitang makilala at masolo," sagot niya.
"Why?" tanong ko.
"Have a sit first," offer niya sa isang upuan.
"T-thanks."
"B-bakit gusto mo akong makilala? You know my name already, ano pa ang gusto mong malaman sa akin?"
"Your personality, about yourself."
"Ayaw kong tumagal ang usapan na'to, may klase pa ako. To answer your questions, I am a medicine student, serious person. Hindi umuubra sa akin ang pa-cute at pa-pogi na lalaki, ayoko sa makulit, ayoko ng paulit-ulit na tanong. Bunso ako sa tatlong magkapatid and my full name is Kyhrein Fuentabella."
"Why did you enter in this school?"
"Mama ko ang nag-enroll sa akin rito. Mura lang daw kasi ang tuition fee, libre ang dorm and food. Malaking tulong 'yon dahil graduating ang Ate at Kuya ko. Isang taon lang rin naman kaya 'di na ako nag reklamo."
"Don't you have any idea about this school? Siguro alam mo na ang kumakalat na news rito. About dead bodys, missing students and mental problems."
"I heard that news, kung ano man ang dahilan ng pagkamatay, pagkawala at pagkakaroon ng problema sa pag-iisip ng mga students, hindi ko alam 'yon. Maybe because they disobeyed the rules and regulations here inside the school."
"I want you to be careful and observant, and tell your friends to be careful too. Hindi ko kayo maililigtas kapag nahuli kayo, kung sakaling may nalabag kayo sa rules."
"Anong ibig mong sabihin?"
"They observing, all students here is in danger. Swerte kayo kung makakalabas kayo ng buhay."
"Volter, what are you talking about?"
"Just listen to me, don't trust anyone, including me. Go back to your class."
"But."
"No but's Ky. Go mali-late ka na."
Nagmadali akong tumayo at patakbong bumaba. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
Ano bang pinagsasabi niya? at anong inoobserbahan kami?