KYRHEIN POV
Bumalik na ako sa classroom namin, buti na lang 'di ako na late. Mayamaya lang ay dumating na si Sir Trio.
I have this feeling na, may kakaiba sa kaniya. The way he look to us, the way he speak, o baka imagination ko lang.
Nag-umpisa na siya sa pagtuturo. Focus lang kami lahat at walang umiimik.
Discuss
Discuss
After 3 hours of discussion, natapos rin kami.
"Before I leave, I want you to study about Mental disorder. You can borrow the book in our library, just sign your name and ask the librarian, okay? Tomorrow we will have a quiz so be ready," sabi niya bago lumabas.
Lumabas na siya ng classroom at sumunod naman kami,.
"Daan muna tayo sa cafeteria sis, nagutom ako. O-order na rin ako ng dinner."
"Sure, ako rin."
Lumabas na kami ng classroom at nagpunta sa Cafeteria.
"Guys, kumusta ang klase niyo. May quiz kami kanina grabe biglaan 'yon. Ewan ko kung may tama sa sagot ko," sabi ni Trixie, nasa cafeteria din sila at naghihintay ng order .
"Bukas, mag-quiz rin kami," sabi ni Vanessa.
"Tara na, napagod ako kakaupo. Hays, ganito pala ang college life no, drain ang utak pagkatapos ng klase," sabi ni Apple.
Naglakad na kami papuntang dorm.
"Nai-deliver na raw ang mga uniforms natin, dalawang uniform each student," sabi ni Ellise.
"Talaga, nasa dorm natin o kukunin pa?" tanong ni Apple.
"Nasa pintoan ng dorm natin naka-box daw," sagot niya.
"Paano mo nalaman?"
"Narinig ko lang, tingnan na lang natin kung meron"
Nagtuloy na kami sa paglalakad at nakarating din sa dorm. May box nga na kalatag sa sahig,. May nakasulat din na pangalan namin. Ito na siguro yung uniform na sinabi ni Ellise.
"Hayy, natapos rin ang unang araw ng klase, nakakapagod. Pero keri lang,"
Usal ni Trixie, tiningnan namin ang mga uniforms. Ang ganda, kulay blue na may lace na yellow tapos necktie na puti. Yun nga lang, above the knee 'yong palda.
"Naks, lakas maka-korean uniform naman nito. Ang ganda, sayang 'no, wala tayong phone, may pang- my day na sana tayo tapos groufi picture. Hayss nakakamis mag-cellphone dami ko kalandian do'n," nakangusong sabi ni Apple.
"Truth sis, hayss bakit kaya bawal ang cellphone dito?" tanong ni Trixie.
"Don't know," maikling sagot ni Apple.
"Hoy bff! Ang tahimik mo naman, uso magsalita," pukaw niya sa akin. Naiisip ko lang 'yong sinabi ni Volter.
"May iniisip lang, manghihiram lang ako ng book sa library," paalam ko at lumabas ng kuwarto. Ala singko pa lang naman.
Katok ko sa pinto bago pumasok. May sumalubong sa akin na babae. I think nasa 50 years old na siya.
"How may I help you miss?" tanong niya.
"Ahm, can i borrow a book for medicine course," sabi ko.
"Yes, write your name and sign here," sabi niya. Pinermahan ko 'yon at hinintay ang book.
"Here's the book, please return this tomorrow, the same time," bilin niya.
"Yes, maam, thank you," sabi ko at lumabas na ng library.
Habang naglalakad ako, may naramdaman akong nakasunod sa akin. Dahan-dahan ako sa paglalakad at lilingon pero wala akong makitang tao.
Tiningnan ko ang oras at malapit na mag ala-sais. Binilisan ko ang paglalakad para makarating kaagad sa kuwarto. Hindi ko na pinansin ang nakasunod sa akin kung sino man iyon.
Nakarating na ako sa pinto ng kuwarto namin, bubuksan ko na sana pero may nahagip akong anino sa hallway ng dorm.
Kinabahan ako at biglang inatake ng takot. Mabilis kong binuksan ang pinto at pumasok. Gulat naman ang dalawa sa akin.
"Nakakagulat ka naman sis, anyari sa'yo? Pawis na pawis ka at namumutla."
"W-wala, pahingi ng tubig please."
Agad naman nila akong inabutan ng tubig, ininom ko iyon lahat at naupo sa kama.
"Bff, okay ka lang? Ba't ka nanginginig?" tanong ni Apple.
"May... may nakasunod sa akin habang pabalik ako rito. Tapos no'ng bubuksan ko na sana ang pinto, may anino akong nakita sa hallway, wala namang ibang tao sa labas kun'di ako lang," sabi ko. Kinakabahan pa rin ako at nanginginig ang mga kamay ko.
"Ang creepy naman, seryoso? Baka guni-guni mo lang 'yon sis," sabi ni Trixie.
"Hindi ko alam, kain na tayo," sabi ko at inayos ang pagkain namin.
Tahimik lang kami habang kumakain. Pagkatapos ay nag-aral ako para sa quiz bukas.
Naramdaman ko na ang antok kaya natulog na ako.
Kinabukasan, palabas na kami ng dorm. Nagtaka kami sa mga istudyante nagkumpulan malapit sa flag pole. Tumingala ako at nakita ko ang isang walang buhay na katawan na nakasabit at isa itong babae.
"Kawawa naman siya."
"Oo nga e, mabait pa naman daw 'yan."
"Sinong walang awa ang gumawa sa kaniya niyan, napakabrutal!"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko.
"Oh my god! Kawawa naman, ano kayang kasalanan niya at pinatay siya?" bulalas ni Apple.
"Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa. Sana kung sino man ang gumawa sa kaniya niyan, sunugin sa impyerno ang katawan kahit buhay pa," usal ni Vanessa.
"Tara na, wala na tayong magagawa. Kahit magwala tayo, 'di na mabubuhay ang babaeng 'yan," sabi ko at naglakad papuntang cafeteria. Naalala ko na naman kahapon ang taong nakasunod sa akin at ang anino na nakita ko.
"Good morning girls. Nakita niyo na siguro 'yong binitay," bungad nila Blake.
"Oo , nakakaawa naman siya," sagot ni Ellise.
"Kumain na kayo, 'wag niyo na lang isipin. Mag-ingat kayo palagi lalo na sa hapon," paalala nila.
Tahimik akong kumakain, iniisip ko kung sino ang nasa likod ng pagpatay at ang istrangherong sumusunod sa akin kahapon at ang anino na nakita ko sa hallway.
Bakit kailangan nilang patayin kung may nagkasala man na lumabag sa batas nila? Gaano ba ito ka sagrado? Sino ang salarin? Sino 'yong taong sumusunod sa akin?
Sumasakit ang ulo ko kakaisip, wala pang isang linggo simula no'ng dumating kami rito pero ang dami nang nangyari.