MAKE HER FALL IN LOVE || CHAPTER 13

1555 Words
TRIO POV I promise to myself not to hurt her, but what I did earlier? Stupid! Damn it! "You hurt her?" Napalingon ako sa biglang pagsasalita ni Marie sa aking likuran. "You hurt her, right?" "I didn't mean it. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." "Paano ka niya makuhang mahalin o magustuhan kung pinapakita mo sa kaniya at pinaparamdam ang kasamaan mo? I mean, mas lalo ka niyang kamuhian kung sinasaktan mo siya." "What are you trying to say?" "Learn to control your temper and emotions. Ipakita mo sa kaniya na kaya mong magbago, na hindi ka gano'n kasama kagaya ng pagkakilala niya sa'yo. Remember, alam na niya ang mga ginagawa mong kasamaan, she has a million reasons to hate you. You even hurt her friends, at pati siya." "So, you want me to pretend that I'm a good person but the fact is, I am not?" "Don't pretend, do it. Gawin mo, baguhin mo ang sarili mo dahil gusto mo. Nang sa gano'n ay unti-unti mong makuha ang loob niya. Maging mabait ka sa kaniya, at sa lahat. H'wag mo na rin siyang ikulong sa kuwartong iyon. Hindi mo siya alipin, she is your bride to be. Let her free, let her go and let her be with her friends. And most of all, act like a sweet and romantic guy for her. Don't use your strength and power para lang santohin ka niya. Para mapilitan siyang pakasalan ka. Huwag mong daanin sa dahas, iba na ang sitwasyon ngayon, Trio. Nakasalalay sa kaniya ang lahat, if you want to get her heart and soul, maging mabait ka sa kaniya. Isa iyan sa kahinaan naming mga babae. Kaya ngayon pa lang ay gawin mo na, make her fall in love with you, not to hate you." I was dumbfounded by what she said. She has a point, I shouldn’t go through violent at all. I shouldn't use my strength and power just to make her love me. I need to be kind and show her that I can change, that I can change myself because I love her. Right, that is the right thing I should do. "You're right, thank you. May kailangan ka ba?" "No, narinig lang kita na nagsasalita mag-isa kaya ako pumasok. Anyways, ito na nga pala ang uniform niya at ibang damit na kinuha ko sa dorm nila. Don't worry, kinuha ko ang mga iyan na walang nakakita." Inabot niya sa akin ang bag na may lamang gamit ni Kyrhein. Tinanggap ko naman iyon at nilagay sa isang tabi. "Thanks, ako na ang bahala rito. You may go." Matipid siyang ngumiti sa akin at lumabas na ng aking silid. I grabbed Kyrhrein stuff go to her room. Nakatulog na siya pagpasok ko. Nakita ko ang pasa sa gilid ng kaniyang labi na sinampal ko kanina. Nanggigil ako sa sarili ko, gusto kong saktan ang sarili ko. I am so stupid and evil, I shouldn't hurt my wife. She is so beautiful, the reason why I am so obsessed to her. No'ng una ko pa lang makita ang litrato niya sa documents na ibinigay ng kaniyang Ina, ay may kakaiba na akong naramdaman. Natulala ako sa angking ganda niya, naiiba sa lahat. Ang mga mata niya na mahirap basahin, ang matangos niyang ilong at mapupulang labi na nang-aakit. I want to kiss her, I want her... she makes me warm and horny. Iniwas ko na ang tingin ko sa mukha niya. Ayokong samantalahin ang kaniyang pagtulog, may tamang oras para roon. "I love you, Kyrhrein. Sana mapatawad mo pa ako sa mga nagawa sa iyo at sa mga kaibigan mo. I promise, I won't hurt you again. Simula ngayon maging mabait na ako sa iyo para maging karapat dapat mong mahalin." I kiss her forehead at inayos ang kaniyang kumot sa kaniyang katawan. Lumabas na rin ako sa kaniyang kuwarto at bumalik sa aking silid para maligo. Hindi pa ako tulog kagabi pagpasok niya sa aking kuwarto, at narinig ko ang mga sinabi niya. Nakita na pala niya ako sa litrato no'ng hindi pa kami nakapasok rito. Kaya pala gano'n na lang niya ako titigin noong unang araw ng klase. Pansin ko iyong mga titig niya sa akin, pero hindi ko inakala na may pagtingin pala siya sa akin. Magbabago ka pa talaga, Sir Trio? Makukuha mo ba ang loob ko kung babaguhin mo ang iyong sarili? Bumangon na ako para maligo, pero napansin ko ang isang bag at tiningnan ko iyon. Mga gamit ko ito sa dorm, siya ba ang kumuha nito? May isang box rin, binuksan ko iyon at uniform ang laman nito. Mayroong sapatos na kasama at puro pa ito bago, sa kaniya ba ito galing? Hindi ko na iyon inisip pa at pumasok na sa banyo para makaligo. Nagpapasalamat ako dahil makakapasok na ako ulit, makikita ko na ang mga kaibigan ko. Nanabik na akong makita sila, sana okay lang sila. Matapos kong maligo at makapagbihis ay saktong bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang pagkain. Nakabihis na rin siya, matamis siyang ngumiti sa akin at inilapag sa mesa ang dala niyang tray. "Good morning," bati niya sa akin. "G-good morning. I-ikaw ba ang nagdala nitong mga gamit ko rito?" tanong ko sa kaniya. "Yeah, pero si Marie ang kumuha ng mga iyan sa dorm ninyo. And, your new uniform fit on you," sabi niya na nakangiti pa at pinasadahan ako ng tingin. Napalunok ako sa klase ng mga tingin niya, nakakakaba. "Come on, let's eat," aya niya sa akin at pinaupo ako. "Eat this, para hindi ka magutom or matamlay sa una mong klase." Hindi ako umiimik, pinakiramdaman ko ang kaniyang pakikitungo at pagtrato sa akin. Nagsimula na akong kumain at hindi ko maiwasang masarapan sa pagkaing dala niya. "I-ikaw ang nagluto n-nito?" Hindi ko maiwasang magtanong, aaminin kong nasarapan ako. "Yeah, I prepare this food for us," nakangiti niyang sagot. "Salamat, m-masarap siya," puna ko. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan at hindi makatitig sa kaniya? Kagabi lang ay galit ako sa kaniya. "Thank you. I'm glad that you like it," sabi niya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at nagkatitigan kami. Ngayon ko lang napansin ang brown niyang mata na parang nanghihigop kung makatitig. Mga labi niya na hugis puso at mapula, at ang matangos niyang ilong. Napansin ko rin ang paggalaw ng adams apple niya bawat lunok na kaniyang ginagawa. Bigla ay nagising ako sa pagkatulala ko at inubos na ang pagkain ko sa plato at uminom ng tubig. "Ky," tawag niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya, malamlam siyang nakatitig sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "I just wanted to say, sorry. I'm sorry kung nasaktan kita kagabi, I promise, I won't do that again." "G-gawin mo na lang, ayokong umasa na hindi mo na iyon uulitin. Alam kong hindi mo mapipigilan ang sarili mo na hindi makapanakit. Ikaw na 'yan, ganiyan ka na. Wala akong magagawa, nasa sa'yo na iyon kung magbabago ka." Yumuko siya at tumango-tango. "Yeah, you're right. Ahm... Let's go, malapit na magsimula ang klase. Baka hindi mo makita ang mga kaibigan mo," sabi niya sa akin. Kinuha niya ang bag ko at binitbit iyon. "S-sir, ako na ang magdadala," sabi ko at tangka kong agawin ang bag pero iniwas niya. "What did you call me?" seryoso niyang tanong. Napaatras ako dahil bigla akong natakot sa kaniyang mga tingin. "S-sir..." "It's, Trio kapag wala tayo sa klase. You can call me, 'sir' inside the classroom. Do you understand?" "I-i understand, T-Trio." "That's my girl, let's go. Ako na ang magdadala nito," sabi niya at hinila na ako palabas ng kuwarto. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakalabas na rin ako sa kuwartong iyon. Ang laki pala ng bahay nila, maaliwalas at magaganda ang mga gamit. Pagdating namin sa labas namangha ako sa ganda ng paligid. Ang daming bulaklak at mga puno. Naglalakad na kami papunta sa unibersidad. Pagpasok namin sa gate ay sa amin kaagad nakatingin ang mga istudiyante. "Si Kyrhein na ba 'yan?" "She's back!" "Mabuti naman at ligtas siya." Mga bulongan na narinig namin. "Go to your class, everyone," awtoridad niyang utos sa mga ito. Dinala niya ako sa classroom namin kung saan rin siya nagtuturo. Nanlaki naman ang mga mata ng mga kaklase ko at nagulat. "Kyrhein!" tili ni Vanessa. Patakbo ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Sis! Mabuti at nagbalik ka na. Thanks God you're okay," umiiyak niyang sabi. "Masaya ako at nakita na ulit kita, mamaya sila Apple naman ang puntahan natin. Thank you at maayos ka na," naluluha kong sabi. "Maayos na ako." Tumingin siya kay Sir Trio at pilit na ngumiti. "S-salamat po at...pinabalik niyo na ang kaibigan namin. Tinupad niyo ang sinabi ninyo," sabi niya rito. "Para sa ikakaayos nating lahat. Simula ngayon, magiging normal na ang inyong buhay rito sa loob ng campus. Simula ngayon, tatanggalin ko na ang mga rules sa iskuwelahang ito," nakangiti niyang sabi. Natuwa naman ang lahat dahil roon, para silang nakalaya sa hawla sa sobrang saya. "Thank you," sabi ko sa kaniya. "Your welcome. Okay, maybe we have to start our class. Please, take your seats everyone," utos niya sa amin. Normal ang takbo ng klase, namimiss ko itong senaryo na ito. Salamat sa kaniya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD