KYRHEIN POV
Ang pangarap ko lang naman ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, bakit ganito ang nangyayari? Hindi ko ninais na maikasal sa isang lalaki na hindi ko kilala at walang puso. Isa siyang demonyo! Hindi siya ang lalaking pinangarap ko, hindi ko siya kayang mahalin. Dios ko, tulungan ninyo akong makaalis sa puder ng lalaking ito. Ayokong maging asawa ng isang mamamatay tao, ayoko!
Isang linggo na akong nakakulong sa kuwartong ito, hindi ako makalabas dahil naka-lock ang pinto. Gusto kong makatakas rito, ngunit paano? Si Demetrio, simula no'ng kinulong niya ako rito ay hindi ko na siya nakikita. Tanging ang kapatid niya lang na babae ang nagdadala ng pagkain para sa akin, o 'di kaya si Sister Marie. Ilang beses na rin akong nagmakaawa sa kanila pero hindi sila nadala. Mas takot sila sa kanilang kapatid kaysa sa mangyayari sa akin.
Napaayos ako ng higa nang bumukas ang pinto. Pagtingin ko ay ang lalaking kinamumuhian ko. Naisip na rin siguro niya na may alipin siya rito.
"How are you?" tanong niya nang makalapit na siya.
"Kailangan mo pa bang itanong 'yan? Sa tingin mo, may tao pa bang maging maayos kung alam niyang nasa kamay siya ng isang demonyo! Bakit mo ako kinulong rito? Kailan mo akong balak palabasin?!" galit kong tanong sa kaniya. Tumitig lang siya sa akin at bumuntong-hininga.
"I'm sorry, pero makakalabas ka lang dito pagkatapos ng kasal natin..."
"At sinong tanga ang magpapakasal sa taong kagaya mo? Pumayag lang ako para palayain mo ang mga kaibigan ko at ang ibang istudiyanteng kinulong ninyo. Pero hindi ko gagawin 'yon, para lang din akong kumuha ng bato at ipinukpok sa aking ulo. Hindi kita pakakasalan..."
Bigla niyang dinakma ang leeg ko at mahigpit iyong hinawakan.
"Don't fool me, may kasunduan na tayo. Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa akin. Naintindihan mo?!" gigil niyang tanong.
"P-patayin...mo na lang ako, dahil hindi ko gagawin ang gusto mo..."
"You have nothing to do with it. Kung hindi mo ako pakakasalan, papatayin ko lahat ng kaibigan mo, pati si Volter. Tandaan mo 'yan!" Binalibag niya ako sanhi ng pagkahiga ko sa kama. Napaubo ako at naghabol ng hininga dahil sa kaniyang pagsakal sa akin.
"Ang sama-sama mo! Hayop ka!" sigaw ko sa kaniya. Isang malutong na sampal ang natamo ko at sumubsob ako.
"Don't you dare, shout on my face! At h'wag kang magmamatigas dahil hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin."
"Do it! Hindi ako natatakot, dahil mas gugustohin ko pang mamatay kesa makasama ka! Ito ang sasabihin ko sa'yo, kailanman ay hindi kita mamahalin o pagsisilbihan kung sakaling ituloy mo ang lintik na kasal na 'yan! Hindi mo ako matatakot sa mga pagbabanta mo."
"Let's see..." sabi niya at lumabas na ng kuwarto. Nagulat pa ako dahil pabagsak niya itong sinara. Akala niya siguro ay matatakot niya ako. Hindi! Hindi ako dapat na matakot, kailangan kong maging matapang. Makakaalis rin ako rito, makakaalis rin ako.
Mayamaya ay bumukas ulit ang pintoan at siya na naman ang pumasok dala ang tray ng pagkain at medicine kit. Inilapag niya ang tray sa mesa at lumapit sa akin.
Iniwas ko ang mukha ko nang balak niya itong hawakan.
"I'm sorry," usal niya. Hinawakan niya ulit ang mukha ko at tiningnan ang gilid ng labi kong may pasa. Napatagis bagang siya at napamura, marahil ay nakonsensya siya sa kaniyang ginawa.
"I'm sorry, I'm really sorry. I shouldn't hurt you, f*ck!" mura niya sa sarili.
"Umalis ka. Hindi ko kailangan ang awa mo, ayaw kitang makita!" sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry, Kyrhein. Hindi ko napigilan ang sarili ko, I'm sorry."
"I don't need your sorry, sir. Please, leave me alone," taboy ko sa kaniya.
"But, you have to eat."
"Kakain ako kung gusto ko, just leave. Hindi mo ako madadaan sa pagpapanggap mong mabait ka."
"I'm sorry, babalikan na lang kita mamaya."
"Kahit 'wag na." Tumingin na lang siya sa akin at hindi na nagsalita. Hindi nagtagal ay lumabas na siya ang sinarado ulit ang pinto. Kinuha ko ang tray ng pagkain at kumain. Hindi ko iyon naubos dahil wala akong gana, ang gusto ko ay makalabas na rito. Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko? Si Volter? Hindi na kaya sila sinaktan ni Trio?
VOLTER POV
I have to do something, hindi ko hahayaang matuloy ang kasal nila. Kyrhein is in danger, pero paano? Anong gagawin ko? Tuso si Demetrio, he can manipulate everything. He is heartless and evil.
"F*ck!" Nagulat naman ang mga kaibigan ko sa pagsigaw ko. It's been a week since Kyrhein sacrifice her self para lang makalaya kami sa kamay ni Demetrio. She accept that wedding na magdadala sa kaniya sa kapahamakan.
"Ano na ngayon ang gagawin mo? Nasa kamay na ni Trio si Ky," tanong sa akin Blake.
"I don't know, naguguluhan ako. Kailangan kong makapasok sa loob ng bahay nila at hanapin si Kyrhein. Kailangan ko siyang itakas, pero mahihirapan na akong makapasok roon."
"Wala ka bang access sa main door? Hindi ba, nakakapasok at labas ka naman roon dati?" tanong naman sa akin ni Percy.
"Wala na akong access, kinulong rin ako ni Trio dahil nalaman niya ang pagbigay ko ng babala kay Ky at sa mga kaibigan niya. He was there, noong nag-usap kaming dalawa ni Ky sa rooftop. Nang malaman niya, binugbog niya ako at pinasok sa isang kahon. Tapos, dumating si Ky, pumayag siya sa kasunduan na kasal kaya kami nakalabas. Ngayon, siya ang nalalagay sa panganib, at wala akong magawa." Tahimik lang sila na nakikinig sa mga sinasabi ko. Paano ko siya maililigtas?
KYRHEIN POV
Matapos kong kumain ay nagpasya na akong matulog, pero bumukas na naman ang pinto at siya na naman.
"You didn't eat?" Kunot-noo akong tumingin sa kaniya.
"Ano naman ngayon sa'yo? Anong ginagawa mo rito?"
Bumuga siya ng hangin at umupo sa kama. Isiniksik ko ang aking sarili sa dulo ng kama at binalot ng kumot.
"Ky, hindi ako kasing-sama ng iniisip mo. I'm sorry if I hurt you, nabigla lang ako kanina. Please, don't be scared of me," sabi niya. Tumingin ako ng deritso sa kaniyang mga mata. Hindi naman siya nakakatakot kung kalmado siya, pero kapag galit siya, napakatalim ng kaniyang mga mata at nakakatakot. Maamo ang mukha niya kung relax lang siya. Pero ngayon na alam ko na ang mga pinanggagawa niya ay wala na akong tiwala sa mga sinasabi niya. Para siyang tuta, maamo kung iyong tingnan. Pero nagiging mabagsik na lion kung magalit, nagiging demonyo.
"Ky..." tawag niya sa pangalan ko.
"Gusto ko ng magpahinga, maari ka ng lumabas," sabi ko sa kaniya.
"Makakalabas ka na simula bukas." Napatingin ako sa kaniya, seryoso ba siya? Tama ba ang narinig ko?
"A-ano kamo?"
"Makakalabas ka na simula bukas, makakapasok ka na ulit. Makakasama mo na rin ang mga kaibigan mo. Pero may isang kondisyon." Kailangan ba talaga may kondisyon?
"Ano naman iyon?"
"Hindi ka maaring lumapit o makipag-usap kay Volter. Nakikita ko ang mga kilos at ginagawa mo kaya malalaman ko."
"Bakit hindi ako maaring lumapit sa kaniya?"
"Dahil ayoko, and please gawin mo na lang ang sinasabi ko."
"Pinagbabawalan mo 'ko, gano'n ba? Kapag nilabag ko, ano ang gagawin mo sa akin?"
"Sa iyo wala, pero sa kaniya mayro'n. I will kill him." Nakakuyom ang mga kamao niya at halatang nagagalit na siya.
"Hindi ako mangangako, sana iniisip mo iyan. Nasa iisang iskuwelahan kang kami, puwede kaming magkita, magkasalubong at magsabay kumain. Paano ako makakaiwas? Hindi mo ako pagmamay-ari, Trio. Kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako."
"Just do what I say! And don't make any excuses, dahil hindi 'yan uubra sa akin!" galit niyang sabi.
"At h'wag mo rin akong pagbawalan dahil hindi ko rin susundin 'yan!" sigaw ko.
"Then don't! You choose, life of your family or him?" Natigilan ako sa kaniyang sinabi.
"Bakit nadamay ang pamilya ko?"
"If you choose your family, I let them leave. But if you choose him, I will kill them all." Napalunok ako, hindi ako nakaimik. Bigla akong kinutoban, hindi maari. Ayokong mawala ang pamilya ko, ayokong mamatay sila.
"Nakapili ka na ba?"
"Susundin ko ang sinasabi mo, 'wag mo lang galawin ang pamilya ko. Gusto ko pa silang makita at makasama," natatakot kong sabi.
"Good. Matulog ka na, bukas papasok ka na at sasabay ka sa akin," sabi niya at lumabas na ng kuwarto. Naiwan akong naluluha at natatakot. Ako na lang ang magsakripisyo kesa ang pamilya ko. Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanila. Kung ito lang ang paraan para hindi sila saktan ni Demetrio, gagawin ko. Nagpunas ako ng luha at nahiga na sa kama. Ipagdadasal ko na lang ang lahat, alam kong hindi ako pababayaan ng Dios. Alam kong nasa tabi ko siya, alam kong hindi ako nag-iisa. Maging maayos rin ang lahat, makakaalis rin ako rito at makakalabas kami sa impyernong ito.