KYRHEIN POV
Nakalabas na ako ng clinic, dala ang takot at pag-alala. Ngayon kilala ko na kung sino ang sumusunod sa akin at pumapatay sa mga istudiyante rito sa loob ng campus, hindi ako titigil hangga't 'di lalabas ang kanilang sekreto.
Ako mismo ang maglalabas nito, at sisiguraduhin kong makukulong sila.
"Sis, ang tahimik mo diyan? May masakit pa ba sa iyo?"
"Wala, may iniisip lang ako. Apple, kapag hindi ako makabalik rito sa kuwarto bukas, sa library ninyo ako hanapin."
"Ha? Bakit? Ano naman ang gagawin mo doon?"
"Basta, may dapat kayong malaman."
"Ano iyon?"
"Alam mo Ky, minsan nagiging horror na ang peg mo, dami mong pa suspense."
"Makinig kayo ng mabuti."
"Oo, ano ba 'yon?"
"Hindi tayo ligtas sa campus na 'to. Nasa kapahamakan ang mga buhay natin. Ang mga istudiyante na nawawala ay nasa likod ng library kung saan ko nakita ang sekretong pinto. Si Volter nawawala siya pero ang totoo kinulong nila. At isa pa..."
Dinukot ko sa bulsa ko ang litrato.
"Ako 'to at si Volter, nag-uusap kami sa rooftop noong araw na iyon. Unang araw ng klase 'yon. Nag-usap kami at sinabi niya sa akin na mag-iingat tayo. At pagkatapos ng pag-uusap namin, hindi ko na siya nakita. Ikinulong siya. At ang pulang marka na 'yan sa aking mukha ay simbolo ng kapahamakan ko," kwento ko sa kanila.
"Sis, napaka creepy ng sinabi mo, nakakapanindig balahibo. Sino naman ang papatay sa 'yo?"
"Kilala ko na, hindi niya ako papatayin. Gagawin niya akong kabiyak para madagdagan ang kanilang pamilya. Gagawin niya akong alipin at bibigyan ko siya ng mga anak. Kapag nangyari 'yon magpapatuloy ang kasamaan nila at dadami ang mapapahamak sa iskwelahang ito."
Hindi ko hahayaan na magtagumpay siya sa pagkuha sa akin.
"Anong gagawin mo kung gano'n?"
"Gagawin kong pa-in ang sarili ko, magpapahuli ako para makapasok sa lungga nila at alamin ang kanilang mga ginagawa."
"Hindi ba delikado 'yang ninanais mo Ky, paano kong malaman nilang sinadya mong magpahuli?" tanong ni Trixie.
"Ako na ang bahala, basta sundin niyo ang sinasabi ko. Kailangan nating magtulungan."
"Sige, tutulong kami," sagot nila.
Matapos ang pag-uusap namin ay natulog na ako.
Kinabukasan nagising ako ng maaga, naligo ako at nagbihis na.
"Aga mo naman nagising sis."
"Oo eh, maligo na kayo para sabay tayong bumaba."
Kailangan kong iligtas ang mga istudiyante na kinulong nila at si Volter. Gagawa ako ng paraan para makapasok sa lungga nila.
"Tara na, nagugutom na ako at gusto kong uminom ng kape," sabi ni Trixie.
Bumaba na kami, napansin kong hindi pa lumabas sila Vanessa.
"Teka sila Vanessa, hintayin na natin," sabi ko.
Kinatok ko ang pinto nila, bumukas 'yon at si Ellise ang lumabas.
"Mabuti at kumatok ka Ky, Si Vanessa nawawala at si Rose," nag-alalang sabi niya.
"Nawawala? Kailang pa?" tanong ko.
"Kagabi pa, natatakot ako Ky, ano ang gagawin natin," na-iiyak na sabi ni Vanessa.
Mukhang alam ko na kung na saan sila.
"Ako na ang bahala, mamayang hapon sumama ka kay Apple at Trixie," sabi ko sa kaniya.
"Bakit? Saan kami pupunta?" tanong niya.
"Sila na ang bahalang magsabi sa iyo. Tara na, may pasok pa tayo," sabi ko sa kanila at bumaba na kami.
Hindi ko hahayaan na pati ang mga kaibigan ko ay bibiktimahin mo Sir Demetrio!