CHAPTER 9 : ( BLOOD )

718 Words
KYRHEIN POV Dinala nila ako sa clinic matapos kong mahimatay sa cafeteria. No'ng makita ko ang dugo ay nawalan ako ng malay. Hindi naman ako matatakutin sa dugo kaya nakapagtataka na nawalan ako ng malay pagkatapos no'n. Nakahiga pa rin ako sa kama ng clinic at mag-isa lang ako. Pumasok na sila Apple at ang school nurse ang nagbabantay sa akin pero lumabas muna siya. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama at inabot ko ang magazine na nakapatong sa mesa. Binuklat ko at binasa ang mga article roon, sa pagbabasa ko ay may napansin akong litrato sa likod ng magazine na nahulog sa kumot . Kinuha ko iyon at tiningnan kong ano ang litrato na iyon. Nanayo ang balahibo ko dahil sa nakita ko, stolen picture naming dalawa ni Volter. May markang pula ang mukha ko sa picture. Sinubukan ko itong kiskisin at natanggal iyon. Mas tumayo pa ang balahibo ko dahil hindi pangkaraniwang kulay ang pulang marka kun'di dugo. 'Bakit kami kinuhanan ng litrato habang naguusap kami ni Volter? Walang ibang tao roon sa rooftop kun'di kami lang dalawa. At si Volter, simula no'ng araw na 'yon ay hindi na ko na siya nakikita. At bakit may marka ng dugo ang mukha ko sa litrato?' Sunod-sunod ang katanungan na pumasok sa aking isipan. Sino ang kumuha ng litrato? Anong ibig sabihin ng marka na pula? Parang tambol ang puso ko sa lakas ng t***k nito. Nanginginig ako sa takot, masama ang dating sa akin ng ganito. Hindi ito normal, 'yong sumusunod sa akin, at ang anino, ang pinto sa library. Ano ang ibig sabihin nito? Bumukas ang pintoan ng clinic, may naguusap akong narinig kaya mabilis akong nahiga at nakunwaring tulog. Tinago ko ang litrato sa bulsa ng palda ko. "Hindi pa siya nagigising, sabi ng mga kaibigan niya, nahimatay raw pagkatapos makakita ng dugo." "Hmm, maaring may phobia siya sa dugo kaya siya nahimatay." "Pero medicine student siya, kung takot siya sa dugo bakit medicine ang kinuha niyang kurso, 'di ba ang trabaho ninyong mga doctor ay kadalasan madugo?" "Masyadong matalino ang babaeng iyan, Dyna. Pero kung hindi siya takot sa dugo bakit siya nahimatay?" "Siguro may dinaramdam siya bago mangyari iyon. Sabi ng mga kaibigan niya ay masama raw ang pakiramdam ng babaeng 'yan." "Alam mo ba na siya ang babaeng nakausap ni Volter no'ng nakaraang araw?" "Siya? Paano mo nalaman?" "Naroon ako." Nagulat ako sa narinig ko, naroon siya? Pero bakit 'di namin siya nakita? "So ikaw ang kumuha ng litrato nila? Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan ng dalawa?" "Binalaan sila ni Volter, kaya nga ikinulong ko siya dahil do'n." "Ano? Pahamak talaga ang ampon na 'yan." "Ako na ang bahala sa kanya Dyna, kailangan nating mag-ingat. Lalo pa at may alam na ang babaeng 'yan." Anong alam ko? "Tungkol naman saan?" "Tungkol sa sekretong pintuan." "Paano niya nalaman?" "Naiwang bukas ni Mama." "Naiwang bukas?" "Oo, dinalaw niya ang mga bihag at naiwan niyang bukas ito." "Paano mo naman nalaman? "Dahil sinusundan ko siya." Nagunlatang ang buo kong pagkatao sa narinig ko. Siya? Siya ang sumusunod sa akin? "Bakit mo naman siya sinusundan, may balak ka na naman ba? Gagawin mo rin sa kaniya ang ginawa mo roon sa isang istudyante?" "Hahaha, hindi ka nagkakamali at malapit na, malapit ko na siyang makuha." "Wala ka talagang pinapalampas Demetrio. Basta magustuhan mo, gagawin mo ang lahat makuha mo lang ang gusto mo." "Oo Dyna, at kapag nakuha ko na siya, magpapakasal kaming dalawa. HAHAHAHAHA!" Umalingawngaw ang mala-demonyong tawa ni Sir Trio. Siya pala ang sumusunod sa akin. At balak niya akong bihagin para gawing asawa. Puwes hindi siya magtatagumpay, ngayong alam ko na, na siya ang mamamatay tao, hindi ko hahayaang may masasaktan pa siya. "Maiwan na kita, bantayan mo ng maigi ang babaeng 'yan. Babalikan ko siya mamaya." "Sige." Narinig kong bumukas sara ang pinto. Naramdaman ko ang paglapit ng nurse sa akin. "Napakahusay talaga ng kapatid ko napumili ng babaeng gusto niyang maging reyna. Maganda ka at matalino, kaya siguro nabihag mo ang atensyon ng ampon na si Volter. Well, wala naman siyang magagawa dahil nakatali siya at nakatakda ng burahin dito sa mundo. At ikaw, ikaw ang magbibigay ng maraming anak sa kapatid ko.Hahahaha!" Mala-demonyong tawa ng babae. Kung magagawa niyo ang pinaplano niyo! Uunahan ko na kayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD