Chapter.14 The choice
"Isabelle clavio" POV"
Magdadalawang araw na buhat ng umalis ako sa bahay ni sebastian,hindi din ako makapasok sa trabaho dahil sa sakit ng katawan ng aking nararamdaman...,hindi ko ba alam kung bakit?
Nagkasakit ako ng dahil lamang sa mga nangyari sa amin ni sebastian.
Minsan na lang naiisip ko sa sarili ko,kung tama pa ba na gawin ko ito,kahit na ang alam ko may minamahal na siyang iba.
"alam ko din sa sarili ko na mahalaga ako sa kanya,pero paano na lamang kung bumalik ang babaeng una niyang minahal.
Natatakot akong masaktan pero nangyari na at wala na akong magagawa pa.
Ini-mulat ko ang aking mga mata sa aking pagkakahiga at pagiisip ng marinig ko ang boses ni aling mel....sa labas ng aking kwarto.
"isang katok na malakas at pagtawag sa aking pangalan mula sa labas ng pinto.
"anak...isabelle gising kana ba?
ipinag-luto kita ng may sabaw para naman umayos ang kalagayan mo.tinig ni aling mel kay isabelle...
"sandali...lang po aling mel...bubuksan ko lang po ang pinto.
"Tinungo ko ito dahil alam kong may dala na naman si aling mel sa akin ng isang tray na may kanin at niluto niyang gulay,nahihiya man ako sa pag-aalaga niya ,subalit wala naman akong magagawa.
"Ilang beses na din tumatawag sa akin si sebastian pero hindi ko ito sinasagot,"hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko,may kung anong bumabagabag sa aking damdamin.
"madalas din hindi ako makatulog dahil sa paulit-ulit na kapusukan ang pumapasok sa aking isipan,kaisipan sa mga masasayang pinagsaluhan namin ni sebastian.
"Binuksan ko amg pinto ng aking silid,katulad nga ng dati ganun pa din ang dinadala at niluluto niya para sa akin.
"Anak....kailangan mong magpalakas paa naman gumaling ka magdadalawang araw kanang may sakit,nag-aalala na ako sayo ...
"Buhat kasi ng maihatid ka dito ni sebastian ay iba na ang pakiramdam mo.
"Naku po wala lang po ito aling mel nabasa po kasi ako nang-ulan noong nakaraang araw kaya po siguro nagkasakit ako. Pagdadahilan ni isabelle..kay aling mel.habang nakaupo siya sa kanyang kama.
"Oh siya...maiwan muna kita...tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka.saad ni aling mel pero akmang tatalikod na ito kay isabelle ng bumaling ulit ito pa harap sa kanya.
"Nalimutan ko nga pa lang sabihin sayo anak,"tumawag nga pala sa akin si Mr.alejandro sebastian.kinakamusta ka niya,ang sabi ko na lamang ay may sakit ka.kaya naman hindi ka muna makakapasok.
Napatulala na lamang si isabelle sa mga nabanggit sa kanya ni aling mel.
"Ganun po ba,salamat po uli aling mel.saad niya kasabay ng pag-ngiti niya kay aling mel.
"Pabalik- balik ako sa harapan ng aking salamin nang makita ko naman ang pangalan ni sebastian sa aking telepono.hindi ko ba alam kung sasagutin ko ba ito, oh hindi.
Subalit namatay na lang ito ng isang text message ang tumunog mula sa aking telepono.
Mabilis ko itong kinuha at binasa,ngunit nabigla na lang ako sa aking mga nakita.
"I'm so worried about you...honey....hindi ako makapag-trabaho sa ka-iisip ko sayo, hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko sayo isabelle...
Matapos ko iyun mabasa ay lumabas ako ng aking balkonahe ,upang lumanghap ng sariwang hangin.habang pinag-mamasdan ko ang mga nagtaaasang mga building nito.
"Masama pa din ang aking pakiramdam,pero naisip kong kailangan kong tiisin ang aking nararamdaman,kina-kailangan kong pumasok ng trabaho.nahihiya na din ako kay aling mel,sa pag-aalaga niya para sa akin at kasabay n'un ang pagyakap ni isabelle sa kanyang sarili dahil sa dampi ng hangin nito.
"Alejandro Sebastian"POV
Natapos ang dalawang araw pero hindi pa din niya sinasagot ang mga tawag ko,kahit ang mga text message ko ay hindi niya masagot.
"I know that she's not feeling well...pero bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako.
Lalabas na sana ako ng aking opisina ng biglang bumungad sa akin ang matagal ko nang gustong makita.halos pagkasabik naman ng siya ay aking masilayan.
Isabelle..mahina kong saad,kahit alam kong may pamumutla sa kanyang mukha..mapula naman ang kanyang labi,dahil sa simpleng Lipstick na kanyang inilagay.
Subalit bakit hini-hiwa ang puso ko sa nakikita ko sa kanyang mukha.
"Ganun na ba ang nagawa ko sa kanya...nang dahil sa akin nagkasakit siya....
honey...how are you..? I miss you so much...at kasabay ng pagyakap ni sebastian kay isabelle ...ngunit pagtataka ang namutawi kay sebastian ng unti-unting alisin ni isabelle ang mga kamay nito sa kanyang pagkakayakap.
May problema ba...may masakit pa ba sayo..tell me honey....kasunod ng paghawak ni sebastian sa magkabila niyang pisngi.
"Paki-usap sebastian...itigil na lamang natin ito...ayokong maka-panakit ng damdamin ng ibang tao."hindi ako ang nababagay para sayo ....habang tumutulo ang mga luha ni isabelle sa harapan ni sebastian.
alam kong ikaw ang naka-unang lalaki para sa akin,subalit hindi ko kayang ....napahinto si isabelle sa pagsasalita ng mabilis siyang hinalikan sa labi ni sebastian at kasabay ng mga luha sa kanyang mga mata.
Napagtanto na lamang ni isabelle na hindi niya na dapat yun ginagawa pa.Nagulat na lamang si sebastian sa paglayo ni isabelle sa pagkakahalik nito sa kanya.
Pero akmang hahawakan na niya muli si isabelle sa pagkakalayo nito sa kanya ng bigalng bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at bumungad sa kanya ang babaeng hindi niya inaasahang darating...(Claire Avida).
"babe .....tinig nito at halong pagtataka naman aa mukha ni sebastian nang bigla siya nitong halikan sa labi.
babe....are you alright...?Bakit nagulat ka ng dumating ako..ngiti ni claire habang si isabelle ay nakamasid lang sa kanilang dalawa.nasasaktan man siya...pero sino nga ba siya..?ano nga ba.ang laban niya sa babaeng ito.
"You know babe...i miss you so much...I decided na hindi ko na tatapusin pa ang contract ko duon...na realize ko kasi...kung gaano kita ka mahal kapag wala ka...seb...habang nakayakap si claire sa leeg nito at pagkakahawak sa magkabilang pisngi ni sebastian.
"babe....lambing sa tinig ng boses ni claire...kasunod naman ang pag-atras ni isabelle patungo sa pintuang nakabukas.
Marahan naman niya itong isinara,habang walang tigil na pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Mas magiging maligaya ka sebastian kung siya ang mas pipiliin mo kaysa sa isang katulad ko ...
sambit niya sa kanyang mahinang boses,habang binabagtas niya ang hallway palayo sa kanyang kinaroroonan.
"Isabelle Clavio" POV
Mabuti na lamang at natapos ko ng walang problema ang aking trabaho,simula kasi ng dumating si claire ay hindi na ako ginugulo pa oh,tinatawagan ni sebastian,mas maganda na ang ganito kaysa naman ipagpatuloy namin ang aming ugnayan kahit na alam naman namin na mali.
Mas madalas ko pa siyang iwasan minsan,Nagdadahilan na lamang ako para hindi ko siya makita,kapag napapaki-usapan ako ni Ms.Jane dalhin lahat ng mga dokumento.
Natapos ko ang araw-araw na trabaho ko sa tuwing papasok ako sa kumpanya,maghapon naman walang nagiging problema.
Halos mag-iisang buwan na nga ng huli kongakita si sebastian at sana hindi ko na nga siya makita pa.kahit nandito man ako sa sarili niyang kumpanya ay hindi na din ako madalas utusan ni Ms.Jane para umakyat sa napakataas na floor na yun.
Kasalukuyan naman akong nagtatype sa aking computer ng biglang tumunog ang aking telepono,ng makita ko ito ay pag-tawag ni ellaine ang aking nasilayan,kaagad ko naman itong sinagot.
"Hello...ellaine ..oh bakit napatawag ka kung isasama mo na naman ako sa mga party-party mo ay hindi na ako sasama,marami din kasi akong tambak na trabaho ngayon at kailangan kong umuwi ng maaga ...sambit ni isabelle ..
"Sus...naman...ang bilis mo naman magsalita wala akong party ngayon...nuh...at isa pa hindi nakita isasama pa sa mga susunod kong ....party oh kung saan man..baka kasi hindi ko na tuluyang makita pa ang kaibigan ko...birong saad ni ellaine,habang naka-ngiti ito sa kabilang linya ng telepono....
"Malapit-lapit na kasi ang kaarawan ni sister Ara sa batangas ...wala ka bang balak na umuwi isabelle...
"Naku ....ou nga pala nalimutan ko na ...pasensya na dahil sa dami ko din tambak na trabaho sa kumpanya..."Sasama ako sayo pauwi ng batangas ,magpapa-alam lang akong mag-leave para maka-attend ako, alam mo naman kung gaano ko sila na miss eh....
"Ano pa nga ba...? Oh siya basta Asahan kita sa darating na linggo.kailangan nating maaga para,hindi tayo ma-traffic kapag umuwi tayo .
"Sandali ....ellaine...pinayagan kana ba? ng daddy mo hindi ba ...yun din ang kasabay ng araw ng engagement mo.saad ni isabelle...
"Ha....ahmmmm sino naman ang may sabi sayo ..naikakasal ako...ayokong makasal sa antipatikong lalaki na 'yun...basta bahala na kung magalitan sa akin ...si dad...Akala mo kasi kung sino siya makapag-salita sa akin,sabihin ba naman na hindi ako ang babaeng pinapangarap niya....ahmmmm bakit pinapangarap ko ba siya...!!!! sambit ni ellaine...habang pagkainis naman sa kanyang mukha ang namumutawi sa kabilang linya ng telepono.
"Ibig palang sabihin nakilala muna pala ang lalaking yun..ganon ba...?
"Oo ...isabelle pero asa pa naman siya na magustuhan ko siya..nuh...!!!!
"sa palagay ko...malaking gulo kung magsasama kayong dalawa...ang hirap kayang ipagkasundo sa taong hindi ka naman mahal at hindi mo din mahal...ahmmm.tsk...
"ahmmm.tama ka isabelle...kaya mabuti na din kung ganun...oh siya ...wag mong kalilimutan ha....kasunod ng pagbaba ni ellaine ng telepono sa kabilang linya nito.
Iniayos ko lahat ng gamit ko,dahil ayoko na naman na aabutin ako ng ala-sais at maiiwanan...sa kumpanya...noong isang araw kasi halos ako na lang ang naiwan,ang dami-dami kasing ibinigay ni Ms.jane sa akin hindi ko ba alam...eh hindi lang naman ako ang empleyado dito...bakit pa nga ba ako magrereklamo buti nga natanggap pa ako...
sumakay kaagad ako ng taxi...dahil maghihintay na naman ako ng matagal...ang hirap pa naman makasakay dito,ilang minuto lang ay nakarating na kaagad ako sa bahay...subalit pagpasok ko...ng masilayan ko ang naka-ngiting si lance sa aking harapan...habang dala-dala niya ang bungkos ng bulaklak..maganda ito na kulay pualng rosas na sinamahan pa ng puting rosas nito..
"Para saan naman ang bulaklak mo...ang alam ko nasa taas si aling mel kapag ganitong oras..lance...
"Alam ko isabelle ...hindi naman ito para kay aling mel kundi para sayo...
"Kahit sa isipan ko ay nagulat ako sa kanyang pagkakasabi..kung sa bagay wala naman masama kung tatangagpin ko..at nakakahiya naman kung tanggihan ko pa....ngunit sa puso ko ay iba ang hinahanap-hanap ko..
"for you...isabelle..sambit ni.lance...
"Anong meron at kailangan mo.pa akong bigyan ng bulaklak...
"wala naman isabelle..gusto ko lang naman na bigyan ka....i mean ok ka lang ba...napapansin ko kasing halos wala kanang maitulog...
Ah...ganun ba...wala yun lance...masyado lang maraming dapat gawin...sa kumpanya..
"if you need a friend...nandito lang ako...isabelle... sa sandaling yun ay ang pagabot ni lance kay isabelle ng bulaklak..
salamat sa bulaklak ...tugon ni isabelle....hindi mo na naman kailangan gawin ito....lance...pero salamt pa din...
"kumain kana ba...anong gusto mo..?
sunod -sunod na tanong niya...ni lance sa kanya...
"ikaw..ba kumain na din ba...halika baka may niluto na si aling mel.ngiti ni isabelle...gabang ibinababa niya ang mga dala-dala niyang envelop at bag.....
"hindi na ako magtataka..kung bakit
nagustuhan ka niya...isabelle
"/ha...sino..?...mabilis na saad ni isabelle...
"ahmmm...sino pa kundi si alejandro....
ganun ba...ok lang ba na huwag na muna natin siyang pagusapan...Lance...
"its ok ....isabelle....kung yun ang gusto mo...no problems...
salamat...oh siya...maghahain lang ako...tatawagin ko lang si aling mel para sabay-sabay na tayo...
"sige..isabelle......
ilang minuto lang ay nakapaghanda na ako...adobong manok na niluto ni aling mel,kaya't sobra ang pagkakabusog ko...nang makatapos kami...kaya naman kahit nasa hapag kainan kami...ay walang patid ang tawanan namin tatlo..kwentuhan ng masasayang pangyayari...dun ko lang nalaman kung gaano kalapit ni Lance kay aling mel...kapag nakasama mo siya hindi mo talagang iisiping mahiya sa kanya ..lalo nasa kanyang kabaitan...
"Ano....anak ...lance maari bang ikaw ang maghugas ngayon ...sambit ni aling mel na halis mapahagikhik na ito sa tawa.
"dont worry ako muna ang taya...next time si isabelle naman...hindi ba...
",yun lang naman pala...kahit araw-araw pa di ba aling mel...hehhehe...
naku..ikaw talaga bata ka...halos pisilin ni aling mel ang pisngi ni isabelle..at kasabay ng malalakas na pagtawa ni Lance sa kanya....
"Alejandro Sebastian" POV
Pinipilit kong iwasan ka...kahit hindi ko kaya..mas gusgustuhin kong makita ka ..kahit gaano ka kalayo sa akin..isabelle....kaysa naman mawala ka ng bigla ng hindi ko man lang alam kung na saan ka............hawak ang litrato ni isabelle...kasabay ng pagtanaw niya sa labas ng kanyang mataas na building ng kanyang opisina....,......
isabelle..................tanging mahinang boses ang lumabas sa kanyang labi.